Ika-siyam na Pasada

112 4 0
                                    

Hindi ko alam kung anong iniisip ng lalaking 'to at niyaya akong kumain. Sumama na ako kasi nga libre daw nya. Hindi naman dahil sa patay gutom ako kaya ako sumama pero kasi mas masarap ang pagkain 'pag libre. Parang additional flavor kumbaga.

Kumunot ang noo ko nang marinig ko syang tumawa kaya naman nag-angat ako ng tingin.

"May nakakatawa ba?" kunot-noong tanong ko. Ngumiti naman sya at umiling kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng ice cream.

Nakalimutan kong member nga din yata 'to ng Academic Club. Corine intindihin mo sya okay? Teka bakit nga ba naisipan kong sumamasa lalaking 'to? Ito kasing Lewis Silva na 'to ang dahilan kung bakit hindi naging MVP si mylabs nung nakaraang taon. Naka-three points shot kasi sya na nagpapanalo sa kanila laban kina mylabs. Dahil dun sa three points shot na 'yun lumamang sila ng isang puntos kaya ayun sila ang nanalo at sya ang naging MVP na dapat ay si mylabs ko.

"You're so cute" nakangiting sambit nya. Enebe! Alam ko na kaya 'yun matagal na! Mwahahaha "Ang kalat mo kumain" nagulat na lang ako nang bigla nyang pahidin ang kalat na ice cream sa gilid ng bibig ko gamit ang panyo nya. Teka ang dami naman nya yatang panyo? May pagawaan ba sila nun?

Napatingin ako sa may entrance ng canteen at nakita ko si myla---'di ko na pala sya mylabs! Hmpf! Nakita ko si Warren kasama si Rio at iba pang team mates nila. Napatingin sa'kin si Warren at bago pa nya ako isnobin eh inunahan ko na sya. Inirapan ko sya.

Narinig ko na naman ang tawa ni Lewis kaya tiningnan ko sya ng masama "Ano ba talagang nakakatawa ha?" naiinis na 'ko ha! Tawa sya ng tawa at hindi man lang nya sinasabi kung bakit. Na-oop ako dito eh!

"'Yung ice cream mo tunaw na" napatingin naman ako sa ice cream na hawak ko at agad ko itong dinilaan kasi tumutulo na sa kamay ko.

"May tanong ako" tumingin naman ako sa kanya.

"Ano 'yun?" tanong ko sabay kagat sa cone ng ice cream ko.

"Bakit si Warren? I mean ano bang nagustuhan mo sa kanya?" hmmm. Teka bakit nga ba?

"Kasi mabait sya tapos careless pa"

"Careless?" tanong nya.

"Oo. Careless maalaga ganun" bopols naman nito. Bakit si Warren kahit nandun sa Academic Club matalino eh bakit itong si Lewis mukhang may sayad lang?

Natawa na naman sya. Tsk. May sayad talaga.

"Eh madami naman iba dyan na mas mabait at mas maalaga so bakit si Warren?"

"Ewan ko din. Nung una ko kasi syang makita dun sa jeep na sinasakyan ko may iba na akong naramdaman 'yung para bang may tumusok sa tyan ko" paliwanag ko habang inaalala 'yung unang pagkikita namin ni Warren.

"So you mean love at first sight?" napaisip ako "How you sure that you love him eh isang beses mo pa lang syang nakita nung araw na 'yun?" tumingin ako sa gawi ni Warren.

"Wala lang basta alam ko lang"

Kapag ba magmamahal ka dapat may dahilan? Hindi ba pwedeng mahal mo lang? Pero teka? Ano ba 'yung love at first sight?

-----
A/N: You can add me on facebook just search Xhiara Espiritu. Share me your thoughts jebal? Your comments means a lot so please let me know your thought about this story. Thank you!

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now