Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung team building namin. Dalawang linggo ko na ding iniiwasan ang landas ni Warren. Naging mahirap para sa'kin ang pag-iwas sa kanya dahil sa dalawang subject na kaklase ko sya. Sa loob ng dalawang linggo ay mas naging close kami ni Lewis.
"Rin may bisita ka" binalot ko ang sarili ko sa makapal kong kumot "Rin!" nagpatuloy sa pagkatok si Kuya.
"Rin ano ba? 'Wag mo nang hintayin pang buksan ko 'to at ako mismo ang gumising sa'yo" muli akong umikot sa higaan ko. Napaigik ako sa sakit nang mahulog ako at tumama ang likod ko sa sahig.
Umupo ako sa sahig at inis kong kinamot ang ulo ko habang nakapikit pa din.
Narinig ko ang muling pagkatok ni Kuya kaya naman napabuntong hininga na lamang ako bago tamad na tumayo.
Bwisit! Malilintikan talaga sa'kin 'yang si Lewis. Wala naman kaming usapan ngayon eh kasi alam nya na every Saturday eh Oppa day ko 'yun. Ito 'yung araw ng kdrama marathon ko. Kung may mga biglaang lakad naman eh magtetext or tatawag agad 'yun the night before. May pektus talaga sa'kin 'yang kumag na Lewis na 'yan! Siguraduhin nya lang na importante 'yung kailangan nya.
Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng sarili ko o kahit magsuklay man lang. Dyosa ako kaya I'm beautiful no matter what the froglet talked about!
"Ano bang kailangan mo ha Lewis?!" inis na sambit ko habang bahagya pang nakapikit "Wala naman ta---" natuod ako sa kinatatayuan ko. Teka? Hindi naman ako puno kaya bakit naman ako matutuod? I'm not a tree! I'm Dyosa!
Alam kong hindi kumakain ang lupa kasi baka busog pa ito pero baka naman kailangan nya ng dessert? Pwede ako na lang?
"Morning" bati nya "Here. Naiwan mo kahapon" abot nya dun sa libro ko.
"Hehe. S-Salamat" nangangatog kong inabot 'yung libro.
Peste ka Warren! Isa kang malaking balahura! Pakshet ka! Shokoy ka! Gusto kita!---este Pisti ka! Pisti!
"Mukhang may ine-expect kang bisita ah?" poker face na tanong nya. Lady gaga is dat u? This is me. Wahahaha.
"W-Wala naman" sagot ko na lang.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo nung lalaking 'yun" sambit nya matapos ang ilang segundo.
"H-Ha?"
"That...that guy named Lewis?" akala ko ba eh sikat 'yung si Lewis? Bakit mukhang hindi naman yata kilala nitong si Warren. Sasagot na sana ako nang muli syang magsalita "Aish! Never mind. Ano nga bang pakialam ko" tapos bigla na lang syang umalis.
T*nga lang Warren? Muntanga talaga eh! Magtatanong tapos hindi naman ako hahayaang sumagot.
"Oh nasaan na si Warren?" tanong ni Kuya na lumabas mula sa kusina.
"Naulol na yata" sagot ko sa kanya bago sya talikuran at umakyat paakyat sa kwarto ko.
Matutulog na lang ulit ako. Lakwenta kasi 'yung si Warren. Abala masyado. Pwede naman kasing sa monday na lang nya ibigay o kaya mamayang hapon na lang. Eh 7:00 pa lang eh! Kumag talaga!
-----
A/N: Kapit lang guys!
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.