Dahil nga sa nagka-injury ako ng major major! Hahaha hindi na 'ko pinasali sa mga games. Hindi ko alam kung anong meron kay Eunice at hindi din sya sumasali sa mga laro eh hindi naman sya injured. May sayad lang sya sa utak! Huehue~
Buong maghapon akong tumunganga sa mga naglalaro. Medyo lumiit na 'yung bukol ko sa ulo hindi na sya kasing laki ng piso kasing laki na lang sya ng 25 cents.
"Eto oh Corine" nanlaki ang mata ko sa dami ng pagkain na dala ni Lewis.
"Uy penge!" akmang kukuha ng isang stick ng barbeque si President ng hampasin ni Lewis ang kamay nito.
"Myla!" suway ni Lewis kay President. Teka? Myla? 'Yun ba ang pangalan nitong babaitang 'to? Ampangit! Hahaha "Kumuha ka ng sa'yo" inirapan ni Myla na si President pala si Lewis.
"Ang damot!" tumayo si Myla at umalis.
"Ang dami naman nito" bulalas ko kay Lewis "Paano kung tumaba ako ha?" natawa naman sya at ginulo ang buhok ko
"Okay lang na tumaba ka maganda ka pa din naman sa paningin ko" sambit nya sabay kindat sa'kin.
Sasagutin ko pa sana si Lewis nang biglang may umubo kaya naman napalingon ako sa gawi nina Warren. Nasa harapan nga lang pala namin sila nung jowa nya pati 'yung alaga nitong bisugo.
Spell Awkward. A-W-K---bukas na 'yung iba ire-research ko pa eh! Huehue~
Agad naman syang inabutan ng tubig nung dakilang jowa nya. Napairap na lang ako sabay dampot ng isang stick ng barbeque at kinain 'yun.
Sige lang Warren ubo pa! Mautas ka sana! Hahaha syempre joke lang 'noh pero mas maganda kung ang mabulunan ay 'yung bisugong kasalukuyang masama ang tingin sa'kin. Tusukin ko kaya sya ng stick na hawak ko tapos gawin kong inihaw ng bisugo? Aish. Kainis!
Napagdesisyunan kong maglakad-lakad muna para magpaantok. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hangin na tumatama sa balat ko.
Hindi ko maintindihan ang kalungkutang naramdaman ko habang nakatingin ako sa kalangitan na puno ng malamlam na mga bituin. *sigh* Pati ba naman mga bituin sa langit malungkot din?
Hindi ko napansin na sa paglalakad ko ay dinala ako sa open field na maliwanag dahil sa bon fire. Napatigil ako sa tangkang paglapit sa open field nang makita ko si Warren at Eunice na magkayakap. Parang may kumurot sa puso ko.
Bahagyang humiwalay si Eunice at napansin ko ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa mukha ni Warren. Alam ko na ang kahihinatnan nito kaya dapat na akong mag-iwas ng tingin at maglakad palayo pero hindi ko magawa. 'Ni hindi ko maipikit ang mga mata ko.
Nagulat na lang ako nang may humigit sa'kin mula sa likuran ko upang iharap ako sa kanya.
"L-Lewis..." pabulong na sambit ko.
"Shhh. Corine sa pagkakataong ito gusto kong ako lang ang tingnan mo. Sa'kin lang 'yang mga mata mo" sambit ni Lewis na diretso sa mga mata ko nang tangkain kong lingunin sina Warren.
Eto na naman ang hindi ko maintindihang pakiramdam habang nakatingin sa mga mata ni Lewis.
-----
A/N:
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.