"Oh Rin nandito ka pala" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Tita Lhena kaya namang ngumiti ako.
"Pinadala po kasi ni Mama 'yung mga cupcakes" nakangiting sambit ko.
"Ah ganun ba?" tumango naman ako "Rin pwede bang pakidala nitong mga pinamili ko sa loob? Tapos ibigay mo na lang kay Warren"
"Opo!" tugon ko na medyo napalakas kaya naman bahagya syang natawa.
Matapos kong kunin ang mga pinamili ni Tita ay pumasok na ako sa loob ng bahay nila. Magkadugtong lang 'yung bahay at coffee shop nila.
"Warren?" tawag ko habang papasok ako sa loob.
Napatigil ako sa pagtawag kay mylabs nang makita ko ang napakadaming kalat sa sala nila. Punong-puno ng mga papel, may iba't-ibang pansukat at iba't-ibang uri ng lapis. Napangiti ako habang nakatingin sa isang malaking papel na nakalatag sa table na nandun. Isang drawing ng bahay. Simpleng bahay lang sya walang 2nd floor, walang pool at wala ding magagarang poste.
Hahawakan ko sana 'yung drawing nang may biglang magsalita.
"Don't you dare touch it" nabitin sa ere ang kamay ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si mylabs na walang emosyon habang nakatingin sa'kin. Agad akong umayos ng tayo at nginitian sya.
Napasimangot ako nang hablutin nya ang mga hawak kong plastic bag. Napairap na lang ako nang talikuran nya 'ko.
Muling nabaling ang tingin ko sa drawing na bahay. Siguro drawing 'yun nung bahay naming dalawa. Yiiiee. Nikikilig akesh! Enebe!
"Para kang t*nga" sinamaan ko ng tingin ang bubwit na si Raven.
"Aba't! Alam mo bang masama sa mga bata ang nagmumura?" taas kilay na sambit ko.
Itong bubwit na 'to kung makaasta akala mo eh magkasing edad lang kami samantalang 13 years old lang naman sya.
"Hindi na 'ko bata baka ikaw may gatas pa sa labi" seryosong sambit nya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Busy sya dun sa psp nya.
Teka...
"Anong gatas sa labi ha? Hindi naman ako uminom ng gatas ah?" kunot-noong tanong ko sa kanya habang kinakapa ang bibig ko pero wala naman akong nakapang gatas "Wala naman ah? Nag-iimbento ka din eh 'noh?"
"Idiot" iiling-iling na sambit nya "You know what? I feel sorry for you" tumayo sya at naglakad paalis.
Psh. Kung hindi lang sya kapatid ng mylabs ko eh malamang nasipa ko na 'yun papuntang pluto para 'di na sya makabalik. Hmmpf!
Nang makabalik si mylabs ay dumiretso sya dun sa sofa at umupo. Syempre agad din akong umupo sa tabi nya alangan namang tumayo lang ako 'di ba? Eh 'di nangalay naman ako?
"Ang galing mong magdrawing 'noh?" nakangiting sambit ko kay mylabs sabay kulbit sa kanya "Uy mylabs! I-drawing mo 'ko dali"
Kinuha nya 'yung mga gamit nya bago tumayo.
"Hindi ako nagd-drawing ng mga panget" napairap na lang ako habang nakatingin sa palayong si mylabs.
Kung suntukin ko kaya sya? Hmpf!
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.