Ika-anim na Pasada

122 7 0
                                    

"Hi. Ako si Corine" pakilala ko dun sa katabi kong mukhang nerd. Napanganga na lang ako nang isnobin nya ako. Huwaw! Ang sungit naman nitong may apat na matang 'to.

"What are you doing here?" nilingon ko si mylabs at tinaasan sya ng kilay. Pataray effect kumbaga.

"Don't talk you to me" pagtataray ko. Napanganga naman sya. Wala ka sa english ko 'noh? Eto ang future wifey mo mylabs! Magaling sa english 'to. Legendary!

Teka legendary? Shunga lang? Ano 'yun pokemon? Kamukha ko ba si Pikachu? O si Borbasour? Ang cute ko naman kung ganun!

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa board. Watdapak! Calculus? Bakit may calculus? Kainis naman hindi ko pa naman dala 'yung calculator ko! Lumingon ako sa mga katabi ko wala din silang dalang calculator.

Hindi ba sila pinagdala ng calculator? Boplaks 'din talaga 'tong prof na 'to eh. Palitan ko na kaya? Wala kaming calculator so pano namin aaralin ang parts ng CALCUlator sa subject na CALCUlus? 'Di ba? 'Di ba?

"Ma'am wala po akong calculator!" sigaw ko habang nakataas ang kamay. Nagtinginan naman sa'kin ang mga kaklase ko dito. Siguro nagpapasalamat kayo sa'kin 'noh? Hahaha. Walang anuman!

"It's alright. We are not using calculator here just do mental calculation" nakangiting sambit nya samantalang ako naman eh nagtataka.

Mental calculation? Mental? Hindi ko alam na may mga sayad pala ang mga taong nandito! Kaya siguro ganun 'yung prof na 'yun kasi may sayad din sya! Tama! Unti-unti kong nilingon ang katabi ko. Ibig sabihin may sayad din ang mylabs ko?

Hinampas ko ang table sabay tayo "HINDI MAAARI!!!"

Nakakaawa naman ang mylabs ko. Matinding pag-unawa ang kailangan nya at 'yun ang ibibigay ko sa kanya. 'Yun ang kailangan nya at 'yun ang ibibigay ko sa kanya. Pang-unawa. Buti na lang sumali ako dito sa Academic club na puno ng mga may sayad.

Ako ang pag-asa nyo. Ako si Corine Esclamado para sa senado! Oh ha! Bagay!

"Is there something wrong?" umiling naman ako bago umupo.

"Wawawawawawarren~" kanta ko habang tumatalon-talon pa. Ang ganda sa pandinig kapag kinakanta ko ang pangalan ni mylabs. Tas mas gumaganda pa kasi ako 'yung kumakanta. Singer kaya 'to! Napatigil ako sa pagkanta at pagtalon-talon. Ohmeged!

"Mylabs! Este Warren!" sigaw ko. Kasama nya 'yung mga ka-team nya sa basketball.

Lahat sila lumingon maliban kay mylabs na dire-diretso lang sa paglalakad. Sus! Pakipot pa! Tumakbo ako para maabutan sya.

"Heto oh" hinihingal na sambit ko sabay abot ng tubig sa kanya. May practice kasi sila ngayon at syempre ayokong nauuhaw ang aking mylabs. Hahaha ang sweet ko talaga! Ang effort pa!

Tinitigan nya lang ako bago maglakad ulit kaya naman hinabol ko sya "Warren!" tawag ko sa kanya. Tumigil naman sya at hinarap ako.

"Ikaw na lang ang uminom nyan para mahimasmasan ka at magising sa katotohanan" parang nanlambot ako. Ang haba nung sinabi nya infairness! Teka gising naman ako ah? Tanga lang Warren? Pano mo 'ko makakausap kung tulog ako sige nga?

-----
A/N: Hahaha. Ang awkward talaga! By the way how was it?

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now