Ika-labing Siyam na Pasada

73 5 0
                                    

*Lewis Point of View*

Alam ko naman 'yung totoo eh. Alam ko na hindi ako ang hinahanap nya at kahit kailan naman hindi nya ako hahanapin pero sana naman kahit isang beses magsinungaling sya.

Matagal na akong nakasubaybay kay Corine. Last year pa nung 1st week ng pasukan. Palagi ko syang sinusubaybayan dumating pa 'yung puntong inaabangan ko pa sya dun sa gate kasi hindi ako pwedeng pumasok sa kabilang University pa ako nag-aaral nun.

Kapag uwian na nakasunod ako sa kanya hanggang sa bahay nila pero syempre medyo malayo ang agwat ko sa kanya para hindi nya mahalata na sinusundan ko sya.

Alam ko din ang mga nangyayari sa kanya sa loob ng University dahil pinapasubaybayan ko sya dun sa kaibigan kong si Myla. Kaklase nya si Myla at kasama pa sa drama club kaya naman hindi ako nahirapan na malaman ang mga bagay na tungkol kay Corine.

Nasaksihan ko kung paanong ipinahiya ng kumag na si Warren si Corine noong nakaraang sports meet. Gustong-gusto kong sugudin nung panahong 'yun si Warren pero pinigilan ko lang ang sarili ko hindi pa kasi 'yun 'yung tamang oras dahil hindi pa ako kilala ni Corine.

Pagkatapos nung nangyaring 'yun ay ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari mananatili ako sa tabi nya. Natagalan lang ako sa paglipat dahil sa kahilingan nung coach namin kaya pinagbigyan ko sya.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay nagpunta na ako sa open field pero pagdating ko ay wala dun si Corine.

"Nasan si Corine?" tanong ko kay Myla nung makita ko sya. Magkasama kasi sila sa kwarto.

"Huh? Akala ko kasama mo? Ang sabi kasi nya kanina pupuntahan ka nya"

I bit my lower lip. Nasaan ka ba Corine?

"Hahanapin ko lang sya" paalam ko kay Myla bago umalis.

Tinahak ko ang daan patungo sa kwarto nya baka kasi bumalik sya dun dahil may nakalimutang kunin or what. Napatigil ako nang may nakita akong lumabas mula sa kwarto nina Corine. Dafuq! Don't tell me kasama nya 'yang babaeng 'yan sa kwarto? Tangna!

Don't get me wrong okay? Wala akong galit sa girlfriend na 'yan ng kumag na si Warren pero ayoko namang magkasama sila ni Corine dahil masasaktan lang ang babaeng mahal ko.

Nagtiim ang bagang ko at hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko habang nakatingin sa lalaking dahilan kung bakit nasasaktan si Corine ngayon.

Nang magtagpo ang aming tingin ay matalim ko syang tiningnan. Ilang segundo din ang lumipas bago ko napagpasyahang umalis.

Nilibot ko ang paligid ng kwartong tinutuluyan namin sa pag-asang naligaw lang doon si Corine pero bigo ako hanggang sa makarating ako sa may dalampasigan.

Malayo ako pero tanaw ko ang pamilyar na pigura sa 'di kalayuan. Corine...

Naglakad ako palapit sa kanya pero hindi na ako tuluyang nakalapit pa nang marinig ko ang mga hikbi nya at makita ang pagpatak ng luha nya.

Muli na namang napuno ng luha ang mga mata ng babaeng pinakamamahal ko. Maaari bang... Maaari bang punasan ko ang luhang dulot sa'yo ng taong mahal mo?

-----
A/N: Sure Lewis! Punasan mo ang luhang dulot ng taong mahal ko---este ni Corine pala! Hahaha.

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now