Chapter Seven

21.4K 323 4
                                    

Daniella's POV

"Sasamahan ko po kayo bukas aabsent muna ako. Okay lang po ba?"

"That would be nice hija." Masayang sabi niya.

"Iha pag nawala na ako sa mundong to alagaan mo ng maayos ang kompanya ko ha?" Bigalang sabi ni Mamita saakin.

"Ho?" Gulat kong tanong. Bakit niya ba to sinasabi sa akin parang nagpapa-alam na.

"Wala na kasing natirang pamilya saakin. Iniwan na nila ako lahat. Hindi rin ako nakahanap ng katuwang sa buhay at wala rin akong anak." Malungkot niyang saad.

"Ba't niyo po ba to sinasabi Mamita? Okay lang po ba kayo? Para kayong namama-alam niyan eh, Haha" pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

"Yung mga tinuro ko wag mong kalimotan ha? Kung ano ang mga pasikot-sikot sa pagpapa-takbo ng kompanya ko." Sabi niya habang naka-tingin sa mata ko.

"Bakit po ako?" Nagugulohan kong tanong?

"Kasi ikaw lang ang pinag-kakatiwalaan ko at ikaw lang ang meron ako." Sabi niya.

Nasiyahan ako sa sabi ni Mamita kahit papaano may nagmamay-ari pa rin pala sakin kahit papaano.

"Talaga po? Pero baka mabigo ko kayu Mamita." Sabi ko sakanya sabay karga sa anak ko. Nakatulog na pala to.

"Hindi yan hija, I trust you hindi yan mangyayari." She surely say.

"thank you for the trust Mamita." Masaya kong sabi

"It's my pleasure, sige mag bihis kana at dalhin mo na yan si hezekiah sa kwarto niyo para makahiga ng maayos."

"Sige po, I'll be back."

Pagkatapos kong mag-bihis ay bumaba na ako para maghaponan. Habang pababa ako ay nakasalubong ko si tita Gina.

"Good evening tita, nasaan po si Jerick?" Tanong ko dito.

"Nandito ka na pala anak, ayy naku si Jerick umalis may ime-meet daw siya ehh."

Sino naman kaya ang ime-meet nang baklang yun? "Nasabi po ba niya kung sino?"

"Mga kaklase daw niya nung high school. Nagka-yayaan sila mag babar daw yun ngayon." Walang siguradong sabi niya saakin.

Nakakainis talaga yung baklang yun. Grrrr "hays sabi pa niya tita masama daw pakiramdam niya, naisahan na naman ako ng baklang yun."

"HAHAHA , alam mo na yun anak palaging may palusot pag may pupuntahang lakad." Natatawang sabi ni tita.

"Nakakainis patay talaga yun sakin bukas." Naiinis kong sabi.

"Haha sige baba kana anak dahil nakahain na ang hapunan, nasan si Hezekiah?"

"Naku! Naka tulog po, napuyat kaka-laro nila ni Mamita."

"Osige na kain kana nag hintay na si Ma'am Lory sa dining table."

Masaya kaming nag hapunan ni Mamita kasama ang mga katulong. Ayaw pa sana nilang sumabay kaya lang pinilit sila ni Mamita na sumabay.

Para talagang may nag bago kay Mamita. Nakaka-takot mang isipin pero para siyang namama-alam na. Hays, wag naman sana yang mangyari.

Pagkatapos ng masayang hapunan. Pumunta ako kwarti ko at Dumeritso sa Comfort Room at nag half bath bago humiga sa kama.

Mga ilang minuto akong nakahiga ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at binasa ang text.

From: Jacob
Daniella, ngayon ko lang to sasabihin sayo hinahanap ka ng pamilya mo. The past years yun ang ginawa nila hindi ko nasabi sayu dahil ayaw kong may iniisip ka. Nagsimula silang hanapin ka nung sinabi ko kay Marco ang totoong nangyari sa restaurant nung saan nakuha ang pictures natin. Sorry dahil nasabi ko sa kanila ang totong nangyari naawa kasi ako saiyo. Last week pinuntahan nila ang bahay kung saan ka nakatira pero wala na daw tao dun. Nasaan ka na ba ngayon nakatira?

Received 9:34pm

No this can't be! di nila pwedeng malaman kung nasaan na ako nakatira ngayon. Hindi pwedi baka bumaligtad si Jacob baka maawa si Jacob kay Marco at sabihin kung nasaan na ako nakatira.

The past years may communication kami ni Jacob may update pa rin ako sa mga nangyari sa pamilya ko at kay Marco pero siya wala siyang alam sakin. Alam lang niya kung nasaan ako nakatira pero sinabihan ko siya na wag akong puntahan.

Para saan pa ang paghahanap nila saakin? Nagsisi na ba sila? Nagsisi na ba sila sa mga ginawa nila saakin? O baka gusto pa nilang gawing miserable ang buhay ko? Ayaw kong malaman nila kung nasaan ako baka makita nila ang anak ko at kunin nila sakin. Hindi pwedi yun magkamatayan na.

Sa aking pag-iisip hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.

----

Kinabukasan nagising ako dahil sa kamay na bumibinat sa mukha ko. Ang cute talaga ng anak ko.

"Waahhh!" Gulat ko sa kanya sabay kiliti sa tagiliran at leeg niya.

"Ha ha ha tama napo mama di na makahinga heze." Sabi niya sabay tawa.

"Hahaha okay come on! Remove your clothes lets take a bath baby." Masigla kong sabi sa kanya.

"Why? It's to early mama." Sabi niya.

"Yeah because we're going to the hospital baby." Nakangiti kong sabi.

"No mama, magaling na po ako." Ang cute talaga nga baby ko.

"Sasabayan natin si Lala mo sa hospital kasi masama pakiramdam niya. Is that fine baby?"

"Okay mama."

Pagkatapos mag prepare ay bumaba na kami mga ilang minuto ay bumaba na din si Mamita.

"Good morning. Let's go hija, baby Zee." Nakangiting bungad ni Mamita

"Didiretso na ba tayo sa hosp----"

"Honey, Mamita san lakad niyo?" Oh no here we go again.

"None of your business bakla! At hoyy baka nakalimotan mo na nagsinungaling ka sakin kahapon sabi mo pa masama pakiramdam mo kaya hindi ka pumasok yun pala may lakad ka lang pala." Galit kong sabi dito.

"Sorry na honey." Nakapuppy eyes niya sabi.

"Ahh basta bahala ka diyan magbihis ka at pumasok sa opisina. Sabihin mo sa team natin na di ako makapasok dahil sinamahan ko si Mamita." Naiirita kong sabi "tara na Mamita hayaan mo yan hahaha bleeh" bilat ko sa kanya.

Pagkarating sa hospital ay dumiretso kami sa opisina ng doctor ni Mamita, naabutan namin siyang nakaupo sa table niya at may binabasang papel.

"Good morning Dr. Ramirez." Bati ni Mamita sa Doctor.

"Good morning Ma'am Lory. Take a seat please." He said while offering the chairs in front of his table.

Makalipas ng ilang test kay Mamita lumabas na din ang result. Ba't parang natatakot ako sa resulta ng test na ginawa ni Dr. Ramirez?

"Base on the test that we've done. May sakit ka ito ay Cancer sa Buto at malala na ito dahil stage four na ang cancer mo Ma'am Lory." Sabi ng Doctor.

Para akong binagsakan ng mabigat na bagay tumingala ako at tumingin kay Mamita I can see tears forming in her eyes. Kung masakit sakin ang resulta how much more sa kanya?

AN: Hi Darlings! How are you guys? What can you say about this ChapterAhaha sorry kung napangitan kayo. Wala kasi akong maisip na magandang scene ehh. Pero mas pagbubutihan ko pa sa susunod na update.

Lovelots 💕😘

My Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon