Chapter Seventeen

19K 324 11
                                    

Marco's POV

"Mommy? Are you crying?" Tanong ng Bata di ko inaakalang anak ko pala. Siguro kahit Hindi sabihin ni Daniella na anak ko to at nalaman Kong siya Ang Ina ng Batang Ito iisipin ko talagang anak ko 'to dahil sino pa ba Ang magiging ama nito? Kung pagbabasehan ko sa taon nong pinalayas ko siya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na Ito. Nasasaktan ako sa mga nangyayari sa kanilang dalawa noong mga panahong wala ako at the same naaawa ako. Kung sana nadoon ako sa mga panahong iyon, kung sana hindi ko siya inabandona, kung sana nakinig ako sa paliwanag Niya at kung sana mas nanaig yung pagmamahal ko sa kanya hindi sana mangyayari Ito ngayon, at hindi sana nila mararanasan ang hirap ng buhay.

I want to hug them both. Yung yakap na kayang punan Ang pagkukulang ko sa Kanila pero hindi ganoon kadali Yun ehh. I need to do something to earn them back.

"Mommy is crying because she's worried of your condition baby." Sagot ni Daniella sa anak namin.

"Please don't cry mommy. Smile please, I hate seeing you cry." Naiiyak na sagot ng Bata.

"Okay baby, mommy won't cry na, but please make sure that you will be fine and listen to what I always told you. Okay?" Sabi ni Daniella

"Yes Mom, I'm sorry if Hezekiah don't listened to you again." Sagot ng Bata

Hezekiah .... Kay gandang pangalan ng anak ko. Paano Kaya sasabihin ni Daniella na nandito Yung ama ng anak Niya. Na ako Yung ama. Hindi ko Muna siya pipilitin na ipakilala ako sa anak ko. Bibigyan ko Muna siya ng panahon.

"It's fine baby. What matters today is that you are fine." Nakangiting wika ni Daniella. "Go take some sleep again. I'll be right here to watch you." Dagdag Niya.

Natulog Ang anak ko matapos siyang sabihan ng mommy Niya na matulog. Napaka masunuring Bata ang anak ko. Hindi Niya ako nakita dahil nakafocus Ang tingin Niya sa mommy Niya.

Tok... Tok... Tok...

Nabuksan ang pintuan sabay pasok ng babaeng naka uniform pang katulong.

"Ma'am pasensiya na po natagalan ako traffic ho Kasi Doon sa unahan dahil may aksidente." Hinging pasensiya ng babae

"Okay Lang Yun Yaya. Pakibantayan Muna si Hezekiah at ako nalang Ang lalabas bibili ng pagkain." Utos Niya sa katulong.

"Naku ma'am! Ako nalang po Ang bibili maalikabok po sa labas." Sagot ng katulong.

"It's fine Yaya. I can managed." Nakangiting sagot ni Daniella

"Sige ma'am Sabi mo ehh." Sagot na Naman Niya. " Ay ma'am? Sino po tong gwapong nilalang na nandito?" Tanong Niya sabay tingin sa akin. Ngayon palang Niya nanoticed Ang presensiya ko.

"Si Marco." Walang ganang sagot ni Daniella.

Nasense ng katulong Ang walang ganang sagot sa kanya ni Daniella Kaya Hindi na siya nagtanong pa. Si Daniella Naman ay lumabas dala Ang wallet Niya.

"Excuse me." Paalam ko sa katulong sabay sunod  sa amo Niya.

"Daniella!" Tawag ko sa kanya.

"Ano?" Sagot Niya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Sasabayan Kita baka mapano ka diyan sa labas." Nag-aalala Kong sagot.

Napahinto siya at lumingon saakin. "Sanay na ako. Don't act like you care. Dahil Kung may pakialam ka talaga Sana matagal mo na yang ginawa at pwedi ba? Stop following me." Galit niyang sagot. "Wait, total at nag Kita Naman na Tayo hintayin mo Yung ipapa-file Kong annulment paper." Dagdag Niya.

Natigilan ako sa sinabi Niya. I heard it right, right?

"Ano?" Gulat Kong tanong.

"Annulment paper." Mataray niyang sagot "hihiwalayan na Kita ng legal." Dagdag Niya

"Hindi ako papayag sa gusto mong gawin." Matigas Kong Sabi.

"Kapal Naman talaga ng mukha mo Marco! Nakalimotan mo na ba Ang ginawa mo? Ang ginawa niyo saakin?  Ha? Nakalimotan Muna?" Nangingiligid Ang luha Niya habang pinipigilang Hindi tumaas Ang boses Niya dahil nandito pa kami sa hallway ng hospital.

"Hindi ko nakakalimutan Daniella at habang buhay ko Yung pagsisisihan. Tandaan mo Yan! Ang gusto Kong mangyari ngayon ay Ang magkaayos Tayo Hindi para sa atin kundi para sa anak natin al----" Hindi ko natapos Ang sasabihin ko dapat dahil sumingit siya.

"Hindi ganoon kadali Yun Marco at Kung may madali man na paraan Hindi ko hahayaan na magkaayos Tayo. Tawagin mo ng matigas Ang puso ko. Kasalanan mo 'to! You turned me to be like this. Gone is the Daniella who loves and do everything for you." Huling Sabi niya saakin at umalis na.

Napa-upo ako sa bench malapit saakin habang tumutulo Ang luha. Hindi ako pweding mawalan ng pag-asa. I need her, I need both of them in my life. I have been suffering with my own doing for how many years. I still love her and I will always love her.

Kring...kring...kring...

"Yes?" Sagot ko sa tawag.

"Sir saan ka na po? Kailangan niyo na pong umuwi dahil maaga po tayong aalis bukas at para maprepare niyo na po Ang gamit niyo." Sabi ng secretary ko.

"Cancel all my appointments this week, reschedule it next week. All of you can go home tomorrow I will be staying here. May gagawin akong mas importante pa sa company ko." Sagot ko sa kanya.

"Ho?" Nag-aalangan niyang sagot.

"You heard me right. Follow my orders. I won't go home tonight." Huling Sabi ko sabay patay sa tawag.

After I ended that call ay tinawagan ko Naman Ang mga magulang ni Daniella.

"Hello ma?" Matamlay Kong sagot.

"Hello Marco. What happen to you? Bakit ganyan Ang boses mo?" Tanong ng mama ni Daniella.

"Can you put it into loudspeaker and call papa so that both of you can hear what I am going to say." Utos ko sa kanya.

"Sige anak." Sagot Niya. Natagalan pa ng ilang sandali siguro tinawag Niya si papa. "Okay na anak. Anong bang sasabihin mo?" Tanong Niya.

"Hello pa? Are you there?" Tanong ko.

"Yes Marco." Maikling sagot ni papa.

"Ma, Pa. Please wag katong magugulat. Ano po Kasi.... Nakita ko na po si Daniella, Ang anak ninyo." Matamlay Kong Sabi.

"Seriously Marco? Salamt sa Diyos! Saan? Bakit mo siya nakita? Bakit parang Hindi ka masaya?" Sunod-sunod nilang tanong.

"Masaya ako ma. Masayang-masaya Kaya Lang may mga bagay na nakapagpalungkot sa akin." Malungkot Kong sagot.

"Ano?" Curious nila tanong.

"Magpapa-file po siya ng annulment saakin." Sabi ko.

A/N: enjoy everyone 💓

My Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon