Chapter Twenty

17.6K 277 15
                                    

Daniella's POV

Ang sakit ng ulo ko ng maimulat ko ang aking mga mata. Tumama ang sinag ng araw galing sa bintana papunta sa mukha ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. This is very unusual, hinawakan ko ang liig ko at naramdaman ko ang init ng aking katawan. Kaya pala may lagnat pala ako.

I think of what happened last day kung ano ba ang ginawa ko para magkalagnat ako ngayon. Habang tahimik ako at nakapikit inaalala ko nangyari kahapon.

Shemsss! Ilang oras pala akong nakatambay sa tahimik na lugar na yun habang kausap si Marco. That means siya ang nagdala saakin pauwi dito sa bahay at dinala pa niya ako dito sa kwarto ko. Teka lang.. bakit niya alam kong saan ako nakatira?

Tumayo ako at nagbihis dahil pupunta pa ako sa hospital ngayon. Magtatampo talaga ang anak ko dahil hindi ako nakabalik kahapon. Ngayong araw ididischarge si Heze kaya kailangan kong magmadali.

Kahit na masakit ang katawa ko ay nag handa pa rin ako.  I wasn't able to prepare faster kasi mabigat ang katawan ko. When I am all set bumaba na ako at handa ng umalis. Habang pababa ay nakasalubong ko si Nanay ang mayordoma sa bahay. All of the people in this house except I and my son used to call her Manang while kami naman ng anak ko ay Nanay ang tawag sa kanya.

"Iha, aalis ka na ba? Mag agahan ka muna." Sabi niya sa akin.

"Wag na po nay sa hospital nalang po ako kakain dahil baka nagtatampo na si Heze dahil hindi ako naka balik kahapon." Matamlay kong sagot.

"May sakit ka ba anak?" Nag-aalalang tanong ni Nanay saakin.

"Naku nay! Okay lang po ako." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Halika nga dito." Sabi niya sabay hawak sa liig ko. "Naku ikaw na bata ka! May lagnat ka anak. Kumain ka muna at uminom ng gamot ng mahimasmasan ka at gumaling agad." Nag-aalala pa ring sabi niya saakin sabay hila saakin papunta sa Kusina.

I was seating in the dining table while nanay prepared my food and medicine. Minamasahe ko ang aking ulo dahil ang sakit talaga.

"Sabi ko sayo palagi na mag ingat ka Daniella ehh dahil marami kang ginagawa. Naku! At kung lumala yang karamdaman mo mag pa check up ka na ha." Pinagsabihan ako ni nanay habang busy parin  sa kakaprepare ng pagkain ko.

"Naku nay di na po ito lalala. Gagaling na po ako mamaya." Sabi ko kay nanay.

"Osige na kumain ka na at nang maka alis ka. Tatawagin ko si Bredo para may magmaneho sayo papunta sa Hospital." Sabi niya habang aakmang aalis pero napigilan ko siya.

"Nay wag na po. Kaya ko pong magmaneho. Nakaschedule diba kayo ngayon na mamalengke?" Tanong ko.

"Sure ka anak? Sige kung yan ang gusto mo at oo nga pala mamamalengke ako ngayon." Sabi niya. "Alis muna ako at lilinisan ko pa yung garden sa likud." Paalam niya.

Ang sama talaga ng pakiramdam ko. I need rest this time pero hindi pwedi kailangan kong puntahan ang anak ko. I finished my food and drink my medicine. Dali-dali akong umalis at nagmaneho papuntang hospital. Mahina lang ang takbo ko dahil hindi talaga nasa magandang kondisyon ang katawan ko.

I arrived at the hospital at quarter to 10am na. I emediately go to the room where my son is. Naabutan ko siyang tumatawa kausap ang kanyang ama. I never saw him this happy. Naiiyak ako, at nakangiti while watching my son laughing. He did not noticed me yet kasi tawa pa siya ng tawa. Timikhim ako para maagaw ang atensyion niya. Lumingon silang pareho sa akin.

"Good morning mommy! Bakit ngayon ka lang? Sabi mo kahapon na babalik ka agad." Nagtatampo niyang sabi.

Umalis si Marco sa inuupuan niya para mabigyan ako ng lugar na makalapit sa anak ko. Matamlay na nakangiti akong lumapit sa anak ko.

"I'm sorry baby. May inasikaso kasi si mommy kagabi ehh." Nakangiti ngunit matamlay ko pa ring sagot sa kanya.

"Bakit ka matamlay mommy tapos paos pa yung boses mo? Are you sick mom?" Nagaalalang tanong niya saakin.

"May lagnat lang si mommy kaunti anak. Later I will be fine." Sagot ko sa tanong niya.

"Let me check on you." Sabi ng tao sa likuran ko sabay hawak sa liig ko.  "Hindi yan kaunting lagnat Daniella ang init-init mo. Sana hindi ka nalang pumunta dito." Nag-aalalang sabi ni Marco.

"Mawawala din ito mamaya. Lagnat lang to." Sabi ko.

"Anong lagnat lang yan? Ehh ang init mo nga ehh." Galit niyang sabi.

"Bakit nagagalit ka diyan?" Mataray kong tanong.

"Paano kung lumala yan Daniella? Isipin mo nga."  Sabi niya.

"Hindi nga ito lalala ehh." Sabi ko.

"Magpacheck up tayo ngayon." Final niyang sabi.

"Ayaw ko tsaka na pag lumala na talaga." Final ko ring sabi. "Anak? Aayusin muna ni mommy ang bills mo dito sa hospital ha para umuwi na tayo . Diba gusto mo nang umuwi?" Baling ko sa anak ko.

"Opo mommy. Isasama po ba natin si Daddy? Masaya po yun mom kompleto na tayo. May mommy at daddy na ako." Masiglang sagot niya.

"Ehh 'nak may sariling bahay si daddy mo ehh. Gusto mo bisitahin ka lang niya palagi?" Nag-aalangang tanong kong sabi sa kanya.

"Talaga nay? May sarili siyang bahay? Bakit naman?" Curious niyang tanong. "Daddy, totoo po ba?" Paniniguro niya sa ama niya.

"Oo anak ehh pero lage mong tatandaan na bibisitahin kita palagi." Sagot niya.

"Sige na anak alis muna si mommy aayusin ko lang yung bill mo. Okay?" Sabi ko.

"Sige mom." Nakangiti niyang saad.

"Ako na ang mag-aayos. Diyan ka lang dahil masama ang pakiramdam mo. Mag pahinga ka na muna." Offer ni Marco.

I get my wallet and handed him a money para sa bayad dito sa hospital. "Tell me if kulang yan ha babayaran ko ang kulang." Sabi ko pero hindi niya tinanggap ang pera.

"It's fine I have plenty of money just keep that." Sabi niya.

"No! Use this ako ang magbabayad." Pagpupumilit ko.

"Please Ira, ako na. Marami ka ng nagawa para sa anak natin. Kahit ito lang pagbigyan mo ako." Nagmamakaawa niyang sabi.

"Sige." Maikli kong sagot.

A/N: yey! Please enjoy reading! 💜

My Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon