Chapter Thirty-one

17.3K 261 20
                                    

Daniella's POV

"I'm sorry." Hikbing sabi ko ng hindi na namin matanaw ang sasakyan nila. Kanina ko pa pinipigilin ang aking mga hikbi.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sarap umiyak ng umiyak nung mga panahong hindi pa nailibing ang ama ko.

I want to cry so bad, because it feels like gagaan ang pakiramdam ko sa mga panahong iyon kung nailabas ko sa pamamagitan ng pag-iyak, but I don't want to show it to my mother na I broke down too dahil sino ang mag cocomfort sa kanya kung pareho kaming ganito.

"I'm sorry if I cry in front of you. This is not supposed to be like this, but I can't help it. I am breaking inside. Ang bigat ng pakiramdam ko." Naiiyak kong sabi sa kanya.

I did not expect his sudden move dahil niyakap niya lang ako bigla at pinatahan sa pag-iyak.

"Just cry honey. You can count on me." Mahinahon niyang sabi. Napaiyak ako ng sobra. I thank God  dahil sa kabila ng napakasakit na pangyayari may tao talaga siyang ginawang instrumento para comomfort sayo.

Iyak lang ako ng iyak ng mga ilang minuto. Hangga't sa tumigil na ako.

Tahimik kaming dalawa. Walang sinuman ang nag lakas ng loob na mag salita. We are wasting time. Alas kwatro na ng hapon. Bakit ko nga ba siya gustong maka usap ngayon? Magsalita ka Daniella sinasayang mo ang oras!

Tumikhim muna ako bago nagsalita "Marco, about sa annulment pa--"

"Walang mangyayaring hiwalayan Daniella. Kahit na mag file ka ay walang mangyayari dahil hindi ko pipirmahan ang walang silbing papel na iyon." Walang emosyon niyang sabi.

Paano ko ba sisimulan to? Ang hirap naman nito ehh!

"Kasi Marco yung annulment paper kasi ay---" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil sumingit na naman siya.

"Nag-aaksaya ka lang ng oras Daniella! Kahit na pilitin mo ako hindi ko pipirmahan yan! Naiintindihan mo?" Nagtitimpi niyang sabi. "Mahal na mahal kita, okay? At hindi ko kayang mawala ka sa akin. Hindi ko gustong magkahiwalay tayo! Paano naman yung anak natin Daniella? Paano naman ako? Paano naman tayo? Ayaw mo na ba talaga?" Naiiyak niyang sabi. "Hindi pa ba sapat ang pagsisisi ko, paghihingi ng sorry, at paghihirap ko dahil lang din sa maling ginawa ko? Oo, alam kong ang laki ng kasalanan ko pero sana naman huwag umabot sa ganito. Mamatay ako pag tuluyan tayong magkahiwalay."

I can see the tears coming out from his eyes. My husband is crying. Ang OA naman kasi hindi ako pinatapos magsalita. As a response I just hug him.

"Honey? Can you please let me finish first what I am about to say?" Mahinahon kong sabi habang hinihimas-himas ang likud niya.

"Ano bang sasabihin mo? Yun naman din yun diba? Na gusto mong matuloy ang annulment nating dalawa?" Malungkot niyang sabi.

"No! It's not like that! Don't overreact! What I am about to say is that hindi ko na itutuloy ang annulment natin."

"What? Anong sinabi mo?" Lumayo siya sa yakp namin at gulat na napatingin sa akin.

"You heard it right. I don't want to repeat it." Nakangiti kong sabi.

"Seriously?" Natutuwa niyang sabi.

"Sorry kong naging matigas ako sa pagpapatawad sayo Marco. Nasaktan ako at hindi madali ang pinagdaanan ko dahil sa ginawa mo. You can't blame me for that. Ngayon gusto kitang maka-usap dahil handa na kong patawaran ka at kalimutan ang mga nangyari."sabi ko at tumigil sa pagsasalita saglit. I saw him waiting patiently sa mga susunod kong sasabihin.  "I want to start a new life with you and for my son if that's fine with you." Nahihiya kong sabi.

"Am I dreaming? Is that true honey? Pintawad mo na ako? Gusto mong magsimula tayo muli?" Natutuwa niyang tanong.

Tango lang ang naging sagot ko at yumuko ako dahil sa nahiya ako sa sinabi ko. Seconds later, I feel his tight hug on me. "I love you my wife. I'm sorry for everything. Thank you sa pagpapatawad sa akin. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. Magsimula tayong muli kasama ang anak natin at magiging anak pa natin." Emosyonal niyang sabi.

"I love you too. Despite of what you did in the past. My heart did not stop loving you." Naiiyak kong sabi.

"Thank you honey. I will forever treasure every moments that I'm with you." Nakangiti niyang sabi at hinalikan ako sa noo.

"Let's go? uwi na tayo dahil hinihintay na nila tayo sa bahay." Pag-aaya ko ng uwi sa kanya.

"Okay! Gusto kong sabihin sa kanila na okay na tayo." Excited niyang sabi. Ngiti na lamang ang naging sagot ko sa kanya.

We go home after that talk. Tamang-tama sa oras dahil medyo kulimlim na ang panahon. Nagpaalam ako kay papa kahit na alam kong hindi niya na naririnig.

Nang makarating kami sa bahay hindi ko inaasahan ang bisitang makikita ko pagpasok sa living room namin.

He was standing there near the sofa with a cold stare towards me. Para akong natutunaw sa titig na iyon. There he is, galit na naka tingin sa akin.

Natigilan ako dahil sa pagkabigla. I haven't seen him for months? I don't know. I lost count. Natigilin din si Marco dahil sa reaksiyong nakikita niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Alam kong pabaling-baling ang tingin niya sa aming dalawa. Maybe he's analyzing what's the score between me and this man in front of us.

Hindi ko magawang lapitan siya at yakapin dahil kita ko ang galit sa kanyang mukha. Anong gagawin ko para kumalma siya? I never saw him this mad towards me.

I miss this man so bad.

"Who is that man, Daniella?" Tanong ni Marco sa akin.

Ohh no! Silang dalawa na ang galit sa akin. Hindi ko ma explain ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. This is not good.

"Should I be the one asking that? Who are you?" Seryosong tanong ng lalaki sa harapan namin.

Thanks to my son who just appear suddenly. He just save me from this situation.

"Tito? Is that you?" Tanong niya sa taong nakatalikod sa kanya. "Mommy! It's tito!" Masigla niyang sabi ng makita na niya ang mukha nito.

Dali-dali niyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Siguro namiss niya din ang taong 'to katulad ko.

A/N: exam week namin ngayon, but I find ways to update. I hope you enjoy this chapter 💜

My Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon