Chapter Five

24.3K 368 0
                                    

Daniella's POV

Days had passed at tuluyan na nga kaming nakapagtrabaho sa Lory Corporation. Ang trabaho ni Jerick ay assistant ko sabi kasi ni Mamita na hindi ko daw kakayanin ang trabaho kapag ako lang lalo na't ako ang Head ng Accounting. Si Tita Gina ay nag trabaho bilang katulong kina Mamita ayaw sanang pumayag ni Mamita dahil may ibang trabaho pa naman daw siyang maioffer kay tita kaya lang ang tigas ng ulo ni tita kesyo daw mas gusto niyang nasa bahay lang siya. Si Tito Ben naman ay trip maging driver HAHAHA siya taga hatid samin papuntang Company ni Mamita pero kami lang ni Jerick ang hinahatid niya dahil may sarili namang driver si Mamita tapos siya din ang palaging sinasakyan ng mga katulong kapag naggogrocery.

My son finally recovered. Unti unti ng bumabalik ang lakas niya. Tinupad talaga niya ang sabing magpapagaling siya. I was very glad that day nung madischarged na siya sa Hospital. Tapos si tita ang nagbabantay sa kanya sa bahay kapag nasa opisina ako.

I have many friends sa opisina kasi friendly tong nanay niyo bes HAHA hindi naman masyadong mahirap ang trabaho dahil nandiyan ang superman (not woman) kong alalay na si Jerick HAHAHA di joke lang! Kayo naman papagalitan ako nun pag nalaman niyang tinawag ko siyang alalay.

"Good morning Miss." Bati sakin ng isa sa mga empleyado dito sa Lory Corporation. Nasanay na din ako sa ganitong set up na kada papasok ako dito sa kompanya maraming babati saakin. Dati kasi pag bibisitahin ko si Daddy sa Kompanya namin ganito din ang nangyayari pati din sa kompanya ng asawa. Oo asawa ko HAHAHA alam niyo yung feeling na gustong gusto munang mag file ng annulment kaya lang hindi mo magawa kasi baka ma trace niya kung saan ka nagtatago pero okay lang darating din ang time na ready na akong makaharap sila at pag darating na yung araw na yun dala-dala ko na ang annulment papers ko. Ohh diba? Ang tawag dun pasabog ni Ira--- ooppppss wag gamitan ang Ira na pangalan kasi naalala ko lang ang walangyang lalaking yun. Ira kasi tawag niya sakin dahil maliit lang daw tumatawag nun sakin pero may tawagan naman kami nung naging mag asawa na kami "kopiko (coffe ko)" yaks ang corny! Alam niyo kung bakit ganyan tawagan namin? Kasi mahilig kami pareho ng kape.

Pagkapasok ng pagkapasok ko palang sa opisina ko bumungad na agad sa harap ko ang madaming folders sa table ko. Hindi ko kasama si Jerick ngayon dahil masama daw pakiramdam ni bakla meron daw siya ngayon. Duhh! Nagiinarti lang ang baklang yun.

After a few hours I hear a knock on the door.

Tok tok tok

"Come in!" Sagot ko.

Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan dito sa office ko but I didn't mind looking who is that person.

"Hi! Why so busy? Have you already eaten your lunch?" Sabi ng pamilyar na boses sa harap ko.

Ohh please not now. I don't want to entertain person like him. Napaka clingy! Parang may kami. Araw-araw nalang bumibisita dito. Sa susunod ipapa ban ko na talaga to.

Hinarap ko siya with a poker face "Yes tapos na." Walang ganang sabi ko.

"Ohh nice I thought hindi ka nanaman kumain." Ofcoures I lied. Di pa kaya ako kumakain.

Alam niyo ang feeling close talaga nito.

"Jay, would you please stay away from me. You don't have to come here everyday just to remind me to eat. I know what I am doing I don't need you." Ilang beses ko na ba siyang nasabihan ng ganito pero ang tigas-tigas ng ulo. Pag may time ako ipapa X-Ray ko tong utak niya baka may bakal sa loob. Malay mo? Sa katigasan ba naman ng utak niya. Grrrrrr

"But I don't want to." Sagot niya

Isa pa masusuntok ko na talaga to "Ano ba Jay mahirap ba intindihin ang isang pakiusap? I told you before and I will say it again I dont need you!" Inemphasis ko talaga para damang dama.

"Sorry, I just want you to be my friend. Nothing more, nothing less." Malungkot niyang sabi.

Ba't parang nangongonsensiya pa to? "Okay fine just friends. Nothing more, nothing less." At the end ako rin ang sumuko. Sa kakulitan ba naman niya.

Pagkatapos naming mag usap umalis na agad siya dahil may trabaho pa daw siyang naiwan sa opisina niya.

I met Jay in a business gathering sa hotel sinama ako ni Mamita that time dahil gusto niya akong ma train sa mga bagay-bagay na connected sa business niya.

The whole night siya lang ang kausap ko nun dahil siya lang din naman ang may lakas ng loob na nag approach saakin. We talked about our personal life, but I never shared to him about my husband pero sinabi ko sa kanya na may anak na ako na four years old. Hanggang sa matapos ang event siya lang talaga ang kausap ko. We exchanged numbers simula nun palagi na niya akong tinitext at tinatawagan sometimes I don't answer his calls kasi nga nakakainis na.

Simula nung hindi ko na sinasagot ang tawag at text niya pumunta siya dito sa Lory Corporation at mangulit saakin.

I rejected every invitations niya kasi nga ayaw ko siyang makasama because he is to clingy to the point na maiinis ka talaga.

I finished my work at exactly four o'clock in the afternoon. I fixed my thing at saka umalis na sa opisina at umuwi sa bahay.

Pagkarating ko nadatnan ko si Mamita at ang anak ko na naglalaro ng harina sa kitchen. I think they are baking cookies.

"Mamaaaa" masiglang bati ng anak ko pagkakita ko sa kanya.

"Hi baby, Hi Mamita." Bati ko sa kanila sabay halik sa anak ko at beso-beso kay Mamita.

"How was your work hija?" Tanong niya

"Okay lang naman po tapos pinuntahan na naman ako ni Jay sa office." Nakasimangot kung sabi "By the way, kanina pa po ba kayo dito Mamita?" Tanong ko.

"Nah! Nag halfday lang ako kasi masama ang pakiramdam ko."

"Have you already go to the hospital? Nagpa check up na po ba kayo?" Nag-aalala kong tanong.

"Maybe tomorrow nalang siguro hija."

"Sasamahan ko po kayo bukas aabsent muna ako. Okay lang po ba?"

"That would be nice hija." Masayang sabi niya.

My Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon