Chapter Twenty-four

15.1K 246 11
                                    

Daniella's POV

"Did you received the bouquet of flower I gave to you kanina?" He asked seriously.

"Yeah, but I gave it to my secretary. I don't need it . Don't do it again you will just going to waste money." I told him straightforward.

"I was hoping that you will going to accept it even when you are mad at me. Don't worry about money. I can able to buy you more than what you want." He said.

"Stop what you are doing! Walang epekto." Mataray kong sabi sa kanya.

Nandito kami sa garden ngayon nag-uusap habang ang anak ko naman at mga magulang ay nandoon sa loob ng bahay spending time together.

"I will pursue you again. Kahit ipagtulakan mo ako palayo. Kahit na ikakapahamak ko." Malungkot niyang saad.

"I have already give you the favor. Ipinakilala ko ang anak ko sa iyo, I let you have the access to visit my son and I allow you to spend some time to him. Ano pa ba ang kailangan mo?" Galit kong saad.

"May karapatan ako sa bata Daniella! Ako ang ama! Dapat lang na ipinakilala mo siya sa akin dahil deserve niyang makilala ang ama niya." May galit sa boses niyang sabi.

"Ginawa ko na nga ehh! Alam ko yan! Sa tingin mo ano ba ang rason sa pagpapakilala ko sa bata sa iyo bilang ama? Yun naman diba? Dahil ama ka niya at may karapatan kang makilala siya at lalong-lalo na may karapatan siyang makilala ang ama niya. I am doing this for my son." Pagtitimpi kong sabi sa kanya.

"Gaano ba ka lalim ang galit mo sa akin? Sa amin ng mga magulang mo?" Nangingiligid ang luha niyang sabi sa akin.

Natahimik ako at hindi makapag-salita. If you only knew how much I hated you all! If they only knew the sufferings I encountered when they abandoned me.

"Na kahit na lumuhod ako sa harapan mo ngayon ay alam kong hindi mo tatanggapin ang sorry ko. Na kahit magpapakamatay ako ngayon wala kang pakialam." Umiiyak niyang sabi. "I know I caused you too much pain, but can't you forgive me? Can you just forget everything that has happen? For your mother and father and for your son? Kahit na hindi para sa akin." Malungkot niyang saad.

"Kay dali mong sabihin yan Marco! " Galit kong bulyaw sa kanya habang tinuturo siya. "Ito? At ito?" Sabi ko habang tinuturo ang utak at puso ko. "Hindi to nakakalimot Marco! Hindi kailan man malilimutan ng isip at puso ko ang mga nangyari! You turned me to be like this! Kayo ng mga magulang ko!" Sigaw kong sabi habang umiiyak.

"Hanggang kailan ba dapat ako hihingi ng sorry Daniella? Hanggang sa huling hininga ko?" Sagot niya.

"Mapapatawad ko kayo pero hindi ngayon. Hindi pa handa ang puso ko. Pasensiya na." Mahina kong sabi sa kanya.

Tumalikod ako at aalis na sana ng magsalita siya "Pwedi bang kahit mga magulang mo nalang ang patawarin mo? Pwedi bang sila nalang kahit hindi na ako. Maawa ka sa kanila Daniella. Ang ama mo ay may stage four cancer sa lungs. Anytime pwedi na siyang mawala sa mundo. Hihintayin mo pa bang mawala na siya bago mo siya mapapatawad?"

Lumingon ako at humarap sa kanya. "Ano? Pinagloloko mo ba ako? Tell me you are lying! Please Marco sabihin mong nagsisinungaling ka lang!" Umiiyak kong sabi habang niyuyugyog ang katawan niya.

"I'm sorry to tell you this, but your husband is not lying." Huling sabi niya at siya na ang naunang umalis.

Naiwan ako sa garden ng mag-isa. Nanghihina ang tuhod ko kaya naman lumapit ako sa bench dito sa garden. Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Panginoon? Ano ba ang dapat kong gawin. Dapat ko na po bang kalimutan ang nakaraan at patawarin na ang aking mga magulang. I don't want to lose them Lord kahit na galit ako sa kanila. Hindi ko kayang mawala sila.

Napadasal ako ng tahimik. Someone patted my back and nafeel ko na may tumabi sa akin.

"Mabigat na ba anak? Nabibigatan ka na ba sa mga bagay-bagay? Kaya mo pa ba? Halika nga dito at yayakapin ka ni nanay." Malumanay na saad ni nanay.

Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I feel the comfort in her hug. I just want to hug here the whole time na umiiyak ako. I feel secured. Nafeel ko na naman na there is someone who cares for me.

"Nay? Dapat ko na po ba silang patawarin?" Nalulungkot kong sabi kay nanay.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa iyo sa nakaraan anak. Ang alam ko base sa nakikita ko sa iyo ay nahihirapan ka sa nakaraan. Kung alam mong ang pagpapatawad ang magpapagaan sa kalooban mo at makakapag-bigay sa iyo ng tunay na kasiyahan. Bakit naman hindi?" Malumanay niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko.

"Pero hindi basta-basta ang ginawa nila sa akin sa nakaraan nay. Sinaktan nila ako ng lubusan." Malungkot kong saad.

"Nais ko bang malaman kung ano ang nangyari sa nakaraan anak?" Tanong ni nanay.

I feel like sharing her my story in the past. Kung ano ang nangyari sa akin sa nakaraan. Kay gaan sa pakiramdam na may napagsasabihan ka ng iyong nararamdaman.

Matapos kong masabi sa kanya ang nakaraan ay namamayagpag ang katahimikan sa aming dalawa ni nanay.

Makalipas ng ilang minuto ay nagsalita si nanay "Ang nangyari sa iyo sa nakaraan anak ay hindi talaga basta-basta. Hindi kita masisi kong hindi mo mapatawad agad ang mga taong may gawa saiyo noon. Pero ito lang ang masasabi ko anak. Kaya mo bang mabuhay ng may galit diyan sa puso mo? Kaya mo bang hindi na maramdaman ulit ang tunay na saya kung ang puso mo ay puno ng galit at pagkamuhi?" Tanong niya. "Pag-isipan mong mabuti anak. Isipin mong magulang mo pa rin sila at asawa mo pa rin siya. Ama siya ng iyong anak." Dag-dag niya.

Natahimik ako bigla at pinag-isipang mabuti ang dapat na gagawin. In the end mas pinili kong patawarin ang mga magulang ko.

"Patawarin ko na po ang mga magulang ko nay." Buong puso kong sabi kay nanay.

"Paano naman si Marco? Ang asawa mo? Hindi mo pa ba papatawarin?" Tanong ni nanay.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni nanay. Pero isang maikling salita ang lumabas sa bibig ko.

"Hindi ko po alam."

A/N: enjoy reading everyone 💜

My Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon