Chapter Nineteen

17.7K 295 25
                                    

Marco's POV

"Dito lang pala kita makikita." Sabi ko matapos niyang tanggapin ang alok kung panyo para sa kanya.

"Bakit ka nandito?" tanong niya habang sa malayo nakatingin.

"Salamat dahil pinakilala mo ako sa anak natin hindi ko inexpect yun." Pasasalamat ko sa kanya. Ang mga mata niyay klarong-klaro na kanina pa umiiyak.

"Hindi ko yun ginawa para sayo. I did that for my son." Malamig niyang sagot saakin habang hindi pa rin nakatingin saakin.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang hindi pinansin ang sinabi niya.

"Kung wala pa, ano bang pakialam mo? Matagal ka ng wala pakialam hindi ba? Nagawa mo nga akong paalisin sa buhay mo na ni katiting na awa hindi mo pinakita." Sagot niya.

"Habang buhay ko yang pagsisisihan tandaan mo yan Daniella. Habang buhay ko yang itatanim sa puso at isipan ko dahil deserve ko ring mag suffer habang buhay." Malungkot kong sagot sa kanya.

"Paano mo ako nahanap dito?" Tanong niya.

"I asked your driver kung saan ka pumupunta kapag mag isa ka." Sagot ko sa kanya.

"You can go. Live me alone." Pagtataboy niya sa akin.

"No. Hindi kita iiwan. Dito lang ako hindi ko hahayaang mawala ka na naman sa akin." Agaran kong sagot sa sinabi niya.

"Paano pag ayaw ko? Na puyat na ako? Na nahihirapan na ako? Na nawalan na ako ng gana sayo? Anong magagawa mo?" Tanong niya.

I can see the tears forming on her eyes. My wife is almost crying and it hurts me very much. It's all my fault, everything was my fault.

"Gagawa ako ng paraan para ma pa sa akin kang muli lalong-lalo na ngayong nakita na kita at my angel pang kasama. I will do anything kahit ano. Kahit ikakapahamak ko pa maibalik ka lang saakin." Sagot ko sa tanong niya.

"Tama na. Tama na Marco. Sobra na yung ginawa mo ehh. Ang sakit-sakit na nun. Gabi-gabi akong umiiyak plus given tha fact that I am bearing your child." Umiiyak niyang sabi.

"I'm sorry Ira." Paghingi ko ng sorry sa kanya. "If I could turn back the time." Malungkot kong sabi habang pinagmamasdan siyang umiiyak.

"Little did you know how I'm breaking while you are having fun. Little did you know that all the memories and promises you have told me keep on haunting me. Maliit lang yung alam mo sa mga paghihirap na naranasan ko." Hikbi niyang sabi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit habang paulit-ulit na binubulong sa kanya ang mga katagang sorry.

Makulimlim na sa mga oras na ito at wala pa siyang planong umuwi mas mabuti nalang siguro to para maka pag-usap pa kami ng masinsinan.

"Sa mga umagang dala-dala ko ang anak natin sa sinapupunan walang Marco na dapat umaalalay saakin kapag nagka morning sickness ako. Sa mga gabing gusto kong kumain ng mga pagkain na hinahanap ng bibig ko walang Marco na bumibili ng pagkain para saakin. Sa mga schedule ko sa pagpapadoctor walang Marco na sumasama sa akin. Walang Marco na bumibili dapat ng vitamins para sa anak ko at para saakin. Sa mga gabing nagdaan na giniginaw ako walang Marco na dapat niyayapos ako. At ang mas masakit?" tanong niya sabay baling saakin. " Sa panahong kailangan ko ng ilabas sa sinapupunan ang anak natin walang Marco ang nandoon para sabihin saakin na kaya ko. Wala Marco. Wala ka sa mga  panahon na yun." Iyak siya ng iyak habang sinasabi ang napagdaan niya.

Napapiyak ako sa mga kinukwento niya at para akong tinadya-tadyakan ng mga tao sa sakit na pinagdaan ng asawa ko.

"Ngayon sabihin mo saakin. Karapat dapat ka pa kayang tanggapin ng babaeng sinaktan mo ng lubusan?" Tanong niya habang may bumubuhos na luha sa mga mata niya. "Ayaw ko na Marco. Napuyat na ako sana naman pagbigyan mo ako." Pakiusap niya saakin.

"Pasensiya na Ira pero hindi ko kayang pagbigyan ka sa mga hiling mo na ito." Sagot ko sa kanya.

Hindi siya sumagot tahimik lamang niyang pinagmamasdan ang mga bituing dahan-dahan ng lumalabas sa maitim na kalangitan.

"Sa bawat pagkalam ng sikmura ko dahil sa walang pambili ng pagkain idagdag mo pa yung mga kailangang bilihin sa anak mo ay siya namang nagpapa-alala sa mga ginawa mo sa akin. Na kung hindi mo sana ginawa saakin yun hindi ko sana mararanasan ang ganong mga pangyayari." Sabi niya sa gitna ng katahimikan.

"Pasensiya na. Sana dumating yung araw na mapapatawad mo ako pati na rin ang mga magulang mo. Pag dumating ang araw na iyon. Yun na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko magmula nung nawala ka sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Darating ang araw na iyon pero ang araw na 'yun ay hindi ngayon." Sabi niya.

"If you don't mind. Bakit ka yumaman ngayon?" Curious kong tanong sa kanya.

"Ano bang makukuha mo pag nalaman mo?" Mataray niyang tanong saakin.

Napayuko ako. "I just want to know how your life have become without me. I mean lahat ng nangyari sa buhay mo." Nahihiya kong sagot sa kaniya.

"Truly God is good that he send people to be with me through ups and downs. That everything that has happened has a purpose.  I am the new CEO of Lory Corporation. It was a very long story. Despite what happened to me God still give me a very great blessing."Sabi niya sabay yuko. Idinantay niya ang noon niya sa kanyang tuhod.

So that means siya pala yung bagong CEO sa Lory Corporation. I am so proud of her.

I did not speak. Tahimik ang gabi at maginaw ang hangin na binubuga ng kapaligiran. I remove my Jacket and put it around her body. Wala siyang imik habang nilalagay ko ang jacket sa katawan niya.

Makalipas ang sandali ay nagkalakas loob akong sabihin sa kanya ang mga salitang kay tagal ko ng gusto na namang sabihin sa kanya. "Honey? I still love you. I never fell out of love in you. That I suffered too when you are gone. Gabi-gabi din akong hindi makatulog sa kakaisip kung saan ka na ba."emosyonal kong sabi sa kanya but I never heard any response coming from her.

I called her name but I received no response at all. I look at her face. Nakatulog na, siguro sa kakaiyak niya ay nakatulog siga agad.

A/N: I cried a little while writing this Chapter. Please enjoy everyone! 💜

My Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon