Daniella's POV
For the second time around iniwan ako ng taong importante sa akin. Ang lalaking humubog sa akin kung sino ako ngayon, ang lalaking naging tagapagligtas ko noong bata pa ako, ang lalaking ginawang instrumento ng Panginoon para mabigyan ako ng buhay at ang lalaking pinakauna kong minahal.
Kahapon lang ng ako ay lumipad papunta dito sa USA. I did not expect that ngayon ay kukunin na sa akin ang ama ko. Parang piniga ang puso ko habang naka tingin sa ama kong walang malay at sa ina kong hindi matigil-tigil sa pag-iyak.
We thought that ang pagpapa gamot sa ama ko dito ay siyang daan upang mapabuti ang kanyang pakiramdam, but we were wrong. Dito pala mawalan ng buhay ang aking ama.
Ang sakit sobra, hindi pa kami nakapag bonding ng sobra ehh simula nung magkabati na kami. Sana umabsent nalang ako sa trabaho at ako mismo ang nag bantay sa kanya dito mapapahaba pa sana yung oras naming dalawa na magkasama.
Tumutulo ang butil ng aking luha habang walang hikbi na maririnig mula sa aking bibig. I don't want to let my mother see that I am weak. Gusto kong ipakita sa kanya na kakayanin namin, lalong-lalo na siya.
Nakatulala ako sa pader ng hospital habang inaalala ang mga huling payo at gusto ni papa na mangyari.
"Anak? Masaya ako na napaaga ang pagdating mo. Akala kasi namin ng mama mo na sa susunod na araw ka pa darating." Sabi ni papa ng magising siya at nakita akong nakaupo sa upuan sa gilid ng hospital bed niya.
"Inagahan ko na papa para naman ay mahaba-haba ang oras nating magkasama." Sagot ko naman.
"Asan ang gwapo kong apo, anak? Sinama mo ba?" Matamlay niyang tanong.
"Hindi ko na sinama papa. Sa susunod nalang." Sagot ko sa kanya.
"Sinong pinag-iwanan mo sa apo ko?"
"Si Marco papa iniwan ko na muna sa kanya. Ang saya nga ni Heze kasi makakasama daw niya yung daddy niya." Nakangiti kong sabi.
"Mabuti naman anak at ng magka-oras sila ng mas mataas." Nakangiti niyang saad.
"Kaya nga po. Gusto kong makitang masaya ang anak ko palagi pa. Ganoon naman talaga ang gusto ng mga magulang diba pa? Yung masaya ang anak nila."
Tumango siya bilang sagot. Natahimik siya habang tinititigan ako ng maigi. "Anak gusto pa kitang makasama sa mahabang oras pero ayaw na ng katawan ko." Malungkot niyang saad.
"Naku pa! Gagaling ka pa kaya. Ang lakas-lakas mo ehh? Diba pa?" Naluluha kong sabi habang parang tinusok-tusok ang dibdib ko.
"Anak, gusto ng magpahinga ni papa mo ehh." Nangigiligid ang luha niya habang sinasabi ang mga katagang ito.
"Papa please 'wag muna." Naiiyak kong sabi.
Narinig ko ang hikbi ni mama sa aking likuran. Batid kong pinagmamasdan niya kami sa mga sandaling ito. My heart is crying so as my eyes.
"Pwede bang humiling sa iyo anak bago ako mawala?"
Tango lang ang naging sagot ko sa kanya.
"Gusto kong patawarin ng puso mo ang mga naging dahilan ng paghihirap at sa mga sakit na dinanas mo. Sana anak maging bukas na ang puso mo sa pag papatawad. Si Marco, mahal na mahal ka 'nun. Alam mo bang naging miserable ang buhay niya 'nung nawala ka at nalaman ang totoong nangyari? Gabi-gabi umiinom, umiiyak sa pagsisi at hindi na makilala ang sarili. Alam kong pareho kayong nahirapan at nasaktan sa mga nangyari." Mahaba niyang sabi. "Anak, oras na para magpatawad ka." Dagdag niya.
Plinano ko na ang patawarin si Marco at mas nagkaroon ako ng malaking rason kung bakit ko siya papatawarin.
"Opo papa. Papatawarin ko na si Marco." Sagot ko.
"Love? Halika dito." Tawag ni papa kay mama.
Lumapit naman si mama sa amin at hinawakan si papa sa kamay.
Pumikit ng mariin si papa at sa pagmulat ng kanyang mata ay makikita mo ang kasiyahan sa mga mata nito. "Love, anak? Mahal na mahal ko kayong dalawa kayo ang buhay ko. Nais kong ipagpatuloy niyo ang mamuhay ng may saya sa puso kahit wala na ako. Daniella, sent my love to my apo. Tell him I love him very much." Sabi niya sa amin. Bumaling siya kay mama sabay sabing "Love, mag ingat ka at palagi kitang gagabayan, kayo ng nag-iisa kong prinsesa. Paalam mga mahal ko sa buhay." Huli niyang sabi sabay pikit ng kanyang mata at hindi na huminga pa.
Nang mga sandaling iyon ay iyak nalang ni mama ang naririnig ko. Mga iyak na sobrang nasaktan sa pagkawala ng kanyang asawa. Ako naman ay tumutulo na parang malakas na ulan ang mga luha sa aking mata.
Hindi mo talaga alam kung Kailan ka lang mamuhay sa mundo. Parang kahapon lang masaya ka ngayon naman nasasaktan ka. Minsan nakakatakot ng maging masaya dahil makalipas ang ilang araw o ilang sandali ay may lungkot na kapalit.
Nilapitan ko si mama at inawat na sa kakaiyak "Mama tama na yan. Kaya natin 'to mama. Okay?" Sabi ko habang hinimas himas ang likud niya.
"Anak ang sakit. Hindi ko kakayanin ang mga nangyari sa atin ngayon." Humihikbi niyang sabi.
"Kaya natin to ma. Please wag kang panghinaan ng loob. Maging malakas ka para sa sarili mo at para sa mga taong buhay na nagmamahal sayo." Malungkot kong saad.
"How? Paano anak?" Tanong niya.
"Moving on." Niyakap ko siya habang sinasabi ang mga salitang iyan. "Hindi pwedi na hanggang dito ka na lang ma. Nagluluksa sa pagkawala ni papa. I understand you dahil hindi madaling mawalan ng mahal sa buhay. Nasaktan ako sa pagkawala ni papa, ma at mas nasaktan ako ng makita kang ganito nalang palagi. Cheer up ma! Hindi dito nagtatapos ang journey mo." Mahaba kong sabi.
"Salamat anak. Please be with me while I am on the process of moving on. I need you in my side." Malungkot ngunit naka ngiti niyang saad.
"Mahal na mahal kita mama. Hindi kita iiwan sa mga panahong ito." Nakangiti kong sabi.
My mother hug me so tight while we are watching the doctor and nurses na umasikaso sa katawan ng ama ko.
I know everything happens for a reason kaya hindi ako nababahala sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon dahil lahat ng plano ng Panginoon ay nakakabuti sa atin.
A/N: I updated Chapter Twenty-nine as I promised 😍
BINABASA MO ANG
My Abandoned Wife
RomanceIts been 4 years since they abandoned and disowned me. Its been 4 years since I live a life without the help of my family and my husband. I live with anger and hurt everytime I remembered how they crashed my heart into pieces. But that heartaches he...
