Chapter Twenty-three

15K 265 7
                                    

Daniella's POV

I wasn't able to finish my work for today dahil hindi na ako nakapag focus sa mga gawain. I was really bothered by the flower na bigay ni Marco. Hindi ba siya nakakaintindi na ayaw ko na?

I dialed Manong Bredo's number dahil mas pipilian ko nalang munang umuwi. Agad naman sinagot ni manong ang tawag ko.

"Hello manong? Can you fetch me right now? I'm going home already." Sabi ko sa kanya.

"Sige ma'am, kakasundo ko lang po kay Hezekiah. Diyan nalang po kami didiretso." Sabi niya.

"Sige manong mag aantay ako. Tawagin niyo nalang ako pag nandito na kayo." Sabi ko.

"Sige ma'am walang problema po." Sagot niya

"Bye na manong." Paalam ko at pinatay na agad ang tawag.

Tamang-tama at uwian na ng anak ko. I badly want to go home right na. Gusto kong doon nalang sa bahay mag stay kay sa dito ako pero wala naman akong ginagawa.

I informed Cindy already na uuwi ako ng maaga ngayon. Hindi na siya nagtanong dahil hindi niya ugaling mag tanong basta mga ganitong sitwasyon. Hinihintay niya lang na ako ang magsabi sa kanya.

Minutes later manong told me na nandoon na daw sila sa baba. Balak sana ng anak ko na umakyat pero hindi ko na pinayagan dahil bababa na rin naman ako.

I saw my son talking with some of my employees. They were having fun talking to him. Minsan lang kasing mapadpad ang anak ko dito sa company  kaya pag nandito ito at wala silang ginagawa ay kinakausap talaga nila ito. My son has a pleasing personality that is why everyone likes him.  I hope he won't change his attitude baka sa paglipas ng panahon ay mabago ang ugali niya at matulad sa ama niya na napaka strikto.

"Mommy!" Sigaw niya ng mapansin niya ako na papalit sa kanya. "Mom, I showed them the stars that I got today." Natutuwa niyang sabi. "Look mom! I have 5 stars for today." Pagmamalaki niyang sabi.

"Wow! My son is so smart. Keep up the good work baby, okay? Mommy is so proud of you." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ang swerte niyo po sa anak niyo ma'am. Napaka talino." Sabi ng isang empleyado ko.

"At ang pogi pa!" Dagdag nung isa.

Natatawa akong bumaling sa kanila. "Salamat sa mga papuri niyo. Mauna na akong umuwi." Paalam ko sa kanila.

Kinuha ko ang kamay ng anak ko at sabay kaming lumabas sa building. Nakita ko agad saan naka parking ang sasakyan dahil nandito talaga sa may entrance pinarking.

Habang nasa byahe kami ay biglang nagsalita ang anak ko.

"Mommy? Bakit hindi ko na po nakikita si Daddy? Hindi na po ba siya babalik at magpapakita sa akin?" Malungkot niyang sabi.

"No anak. Baka busy lang ang daddy mo kaya hindi ka pa niya na bibisita. Just wait, okay? Magkikita din kayo ulit." Pagpapagaan ko sa kanyang kalooban

"Okay mom! Sana hindi na po niya tatagalan ang pagbisita sa akin dahil nalulungkot po ako ehh." Sabi niya.

"Don't be sad okay? I am here right? Your mommy is here to make you happy. Isn't it not enough baby?" Sabi ko sa kanya.

"Enough ka naman po mommy but iba talaga pag may daddy ka. Mga kaklase ko nga mommy hinahatid at sinusundo sila ng daddy nila kahit may trabaho ito. I want daddy to do that for me." Malungkot niyang sa akin.

"Come here. Mommy will give you a tight hug." Sabi ko sa kanya. Lumapit naman siya at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you mommy and I love daddy too." He said lovingly.

"I love you too my prince. You won't leave mommy right? You will stay with me forever?" Bigla kong tanong sa kanya.

"Of course mom! I won't leave you. I will stay with you until I get old." He said.

We arrived safely at the house. My son emediately get outside the car. I followed him dahil alam kong gusto na 'nun mag bihis dahil maglalaro na naman yun sa garden.

"Don't run baby you might fall on the floor." Sigaw ko sa kanya dahil nagmamadali talaga siyang maka pasok. Naiwanan na niya ako sa pintuan. Napaka energitic talaga na bata.

"Daddy you are here!!!!!" Rinig kong sigaw ng anak ko.

Nakasalubong ko si nanay at tinanong.

"Nay may bisita ba tayo?" Nagtataka kong tanong.

"Oo anak. Pasensiya na at pinapasok ko ang sabi kasi ay mga magulang mo. Pinapasok ko na magkamukha kasi kayo nung matandang lalaki." Sabi niya.

"Dalawa lang po ba sila?" Follow up question ko sa kanya.

"Tatlo anak may lalaking isa hindi ko na tinanong kung sino." Sagot niya.

"Sige nay maiwan ko na kayo diyan at titignan ko kung sino ang bisita." Sabi ko nalang sa kanya. May hint na ako kung sino ang nandiyan sa sigaw pa lang ng anak ko.

"Mommy look. Lola and lolo are here. Of course daddy too." Masigla niyang sabi.

Nginitian ko nalang siya para hindi niya mahalatang hindi ko nagustuhan ang mga bisitang meron kami ngayon.

Nakita kong tumayo silang tatlo ng makapasok ako.

"Anak pasensiya na at bumisita kami sa iyo ngayon at pasensiya na din at pumasok kami sa pamamahay mo. Gusto ka lang naming makita at ang apo namin." Sabi ni mama.

Parang piniga ang puso ko sa narinig ko, but still I maintain my expression.

"Walang problema." Maikli kong sagot.

"Salamat anak." Masayang sabi ni papa.

"Maiwan ko na muna kayo at magbibihis pa ako." Paalam ko. "Anak? Ayaw mo munang magbihis?" Tanong ko sa anak ko.

"Mom? Can you just bring my clothes here? I don't want to leave them here ehh. Please mommy." Sabi niya sa akin.

"Okay baby. Go have some fun with them." Pagpayag ko sa kanya.

Hindi muna ako dumiretso sa kwarto pumunta muna ako sa kusina at inutusan si yaya Joselyn na maghanda ng meryenda para sa mga bisita. Agad naman niyang sinunod.

Mabilis lamang ang pagbibihis ko at pumunta agad sa kwarto ng anak ko para kunan siya ng damit. After getting clothes for my son bumaba agad ako para makapag bihis na siya.

"Come here muna baby at bibihisan kita." Pagtawag ko sa anak ko.

"Can daddy do that for me mommy?" Inosente niyang tanong.

Natahimik ako at binalingan si Marco.

"Ako na Daniella." Agad niyang sabi at kinuha ang damit na hawak ko. Binigay ko naman agad sa kanya.

Matapos maisuot ni Marco ang damit ay pumunta siya sa inuupuan ko.

"Can we talk Daniella? Kahit ilang minuto lang." Sabi niya.

A/N: enjoy reading 💜 God bless everyone 😇

My Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon