Chapter 5:
Patria's POV:
"I included there that I will live here whenever I wanted to"
Napakurap siya.
Ano?
Inalog ni Patria ang tenga niya para alisin ang anumang parang nakabasa doon dahil parang sinabi yata ng lalaking ito na titira ito sa kanya kahit kailan nito gusto.
"Ano ulit?" Pag uulit niya sa sinabi nito.
Tumaas ang sulok ng bibig nito.
"Read the contract that you just signed" sabi nito at iniikot nito ang papel paharap sa kanya, agad niyang hinablot iyon.
"Read the condition number eight" sabi nito na parang pigil nito ang huwag matawa.
Dahil likas siyang pikon at naging mainitin ang ulo dahil sa kapansanan niya agad siyang nabwisit sa aksyon nito.
Mabilis na ibinaba ni Patria ang tingin sa papel at agad na hinanap ang kondisyon na sinabi nito at nanlaki ang mga mata niya sa nababasa.
"Siraulon--"
"Uh huh, number nine states there, that my new business partner will give me guidance and nice attitude towards the success of this partnership.." Sabi nito ewan niya pero parang may ibang ibig sabihin ang sinabi nitong partnership.
Ipinilig niya ang ulo dahil baka naman imagination lang niya iyon.
Pinangkitan niya ito ng mata.
Pwede naman niyang punitin na lang ang pinirmahan niya.
"Sa akala mo ba papayag akong-- aba't hoy!" Nagulat siya dahil ang hawak niyang papel ay biglang hinablot nito mula sa kanya.
"Ah huh, as long as I have this--"
"Hindi pa legal yan!" Inis niyang sabi dahil gustuhin man niyang kunin iyon dito pero hindi siya makakatayo at sa tangkad nito malamang ilang hakbang nito ay pirmi na itong nakalayo sa kanya.
"Who says?" Tanong naman nito.
"Hindi pa 'yan naipa notaryo kaya hindi pa 'yan legal" sabi niya at natigilan ito.
Lihim naman siyang nagbunyi.
Tinitigan siya nito na siyang ikinapula ng mukha niya kaya iniiwas niya ang mga mata, hindi niya talaga alam kung bakit sa lahat ng taong nakaharap niya dahil sa negosyo niya ay dito lamang siya bukod tanging naiilang.
Hindi niya alam kung ano ang meron dito, ang lakas lakas ng dating nito.
May mga nakita na din naman na siyang gwapo pero hindi siya naapektuhan sa mga ito kaya imposible namang dahil lang gwapo ito--
Sobrang gwapo kaya niya. Sabad ng utak niya.
Tumikhim siya dahil sa pagkapahiyang nararamdaman niya dahil sa mga pinag iisip.
Ilang sandali ay may kinuha ito sa loob ng coat nito at inilabas nito ang cellphone nito.
"Stay there, I will just talk to someone" utos nito sa kanya, napasimangot naman siya dahil ang demanding nito, inalis niya ang tingin dito.
"Hello, Alejandro" narinig niyang sabi nito kaya napatingin siya dito at napakurap siya dahil hindi nito inaalis ang titig sa kanya.
"What is it that you want, Pollux?" Supladong sabi ng isang boses na sobrang malagom at ang baba baba ng boses, dinig niya iyon dahil naka loud speaker ang cellphone nito.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Pollux (Completed)
RomantikPollux, the man with so much passion about being perfect, why not? He was known by his perfect looks and perfect life, he's the perfect description about with women's 3 F's: Face value. Fat bank account. Fat c*ck. Those characteristics weren't from...
