47 (spg)

42K 917 26
                                    

Note: please, lahat po ng nababasa niyo dito sa update ng mga minor readers, huwag na huwag niyo pong gagawin ha? Utang na loob ayokong isang araw ay sumabunot na lng s aqn kc may something na ginawa kau kc nabasa nio dito ha? Thanks!

Bgm: #overmyskin by Tiffany Young

---

Chapter 47:

Patria's POV:

Napalunok siya nung nakita niya ang matambok na pang upo ni Pollux nung naglalakad ito papunta sa banyo ng kwarto nila.

Ngayon lang niya nakita na sobrang tambok ng pang upo nito, hindi naman kasi niya iyon laging napapansin.

Kung maganda ang katawan nito sa harap, maganda din iyon sa likod, malapad at matipunong ang likod nito, kita niya ang bawat muscles nito doon.

Ang parang hati ng muscle sa likod nito ay mukhang sobrang tigas, pa letrang 'V' ang likod nito.

Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa matambok nitong pang upo, pati na din ang matipunong legs at binti nito na may konting mga balahibo.

Ang sexy naman ng asawa niya.

"I'll be right back..." Sabi nito nung sumilip sa pinto at napalunok siya.

Agad niyang iginala ang tingin sa paligid para hanapin ang gamit niya.

Wala siyang nakita kaya dahan dahan siyang tumayo at kalkulado niyang inilalagay ang bigat sa paa at binuksan closet na nasa paligid.

Ibinilin niya kay Aling Saling nung nagprisinta ito na tulungan siya sa gamit niya na huwag na munang ilabas ang mga gamit sa maleta niya dahil aalis din naman sila papunta sa ibang bansa para sa honeymoon.

Pero sabi lang niya iyon.

Dahil nahihiya siya sa maaring makita nito ang binili niya online.

Ang binili niyang sobrang sexy na nighties.

Namumula ang mukha niya nung nakita niya iyon online at palihim na iniorder.

Ang ganda ng tabas niyon at sobrang sexy, so sana naman ay magustuhan ni Pollux inihanda niya.

Mabilis niyang inalis ang suot na bestida matapos kasi ang kasal kanina ay nagpilit siyang magpalit na nang bestida, at inirason niyang baka madapa siya.

Pero parte iyon ng plano niya

Mabilis niyang hinubad ang bra, at panty nia saka niya mabilis na isinuot ang nightie at ginulo gulo ang buhok at nag spray ng paborito niyang pabango at saka bumalik sa kama at agad na ibinalot ang katawan sa kumot at malakas ang tibok ng pusong inaantay niyang matapos si Pollux sa pagligo.

Para siyang bibitayin dahil sa antisipasyon at kaba sa magiging reaksyon ni Pollux.

Napasinghap siya ng malakas nung biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Pollux at ang tanging suot nito at isang maliit na tuwalya sa bewang nito.

Mabilis na mabilis niyang itinaas ang kumot hanggang sa ilong niya.

Tumaas ang kilay nito nung nakita nito ang kumot na nakabalot sa kanya.

"Shy?" Ngumiti ito ng ubod ng sexy at inayos ng daliri nito ang buhok nitong basa pa ang tumutulo pa ang tubig mula doon at bumaba iyon sa matipunong katawan nito.

Sinusundan niya ang pagtulo ng isang patak pababa sa dibdib nito...sa abs nito..papunta sa natatakpan ng maliit na tuwalya.

Lumunok siya lalo na ang naka tent ang tuwalyang nakatakip sa pagkalalaki nito.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon