16

28.6K 835 13
                                    

Chapter 16:

Patria's POV:

"I didn't want to become your friend.."

Napasinghap siya.

..." because it's not friendship that I'm after.. but it's you, Patria"

"A-ano kamo?" Parang may may sinasabi itong kakaiba sa tenga.

Kaya gusto niyang ulitin nito ang sinasabi nito.

"It is you Patria,.."

Siya? Bakit?

Anong sinasabi nito?

"W-why?"

Ang kaninang magkadikit na noo nila ay naging magkadikit na ilong.

.."because I like you" sabi nito.

Nabigla siya at hindi agad nakapagsalita.

Siya? Gusto nito?

Tama ba siya ng dinig?

Dahil sa sinabi nito, hindi niya agad naoansin ang ginawa nitong paglagay ng kamay nito sa batok niya.

At saka nito pinagdikit ang mga labi nilang dalawa.

Napakurap siya at napasinghap ng malakas, dahilan para lalong nasakop ng labi nito ang mga  labi niya.

Nanlaki ang mga mata niya nung narealize niyang hinahalikan siya ni Pollux!

Anong ginagawa nito!

Itinulak niya ito dahil nagulat siya sa ginagawa nito.

"Pollux! Sandahmmmp--!" Sabi niya nung saglit na naghiwalay ang mga labi nila pero saglit lang iyon dahil muli nitong inangkin ang mga labi niya.

Mariin.

Maalab.

Mapaghanap.

Pero hindi siya pwedeng halikan nito sa dalawang dahilan.

Unang dahilan, gusto niyang malaman kung talagang gusto siya nito.

Pangalawa ay--

Hindi pa ako nagto-toothbrush! Tili niya sa isip habang itinutulak ito palayo sa kanya.

Merong itinatagilid niya ang ulo at ilayo ang mga labi pero dahil hawak nito ang batok niya ay hindi siya maka alis.

Lalong gusto niyang ayaw na nagpahalik dahil lalong nilaro ng dila nito ang dila niya at naglilimayon iyon sa loob ng bibig niya.

At talagang tinitikman ang buong bibig niya.

Dalawang bagay ang ginagawa niya, una ay hindi mahuli ng dila nito ang dila niya, pangalawa ay ang pagtutulak niya.

Umungol siya sa pagpoprotesta lalo na at ginamit nito ang isang kamay para hapitin siya sa bewang niya para lalo siyang mapalapit sa katawan nito.

Inilagay niya ang kamao sa likod nito para suntukin pero mahina lang dahil ayaw niyang bka masaktan niya ito ng todo.

Nararamdaman na niya ang kiliting dulot ng halik nito.

At ayaw na muna niyang mahulog doon hanggat hindi nagiging malinaw ang lahat.

Napakurap siya at napatigil dahil sinimsim na nito ang dila niya.

Umungol siya dahil sa kiliti at tamis ng halik nito.

Anong gagawin niya?

Malapit na siyang matangay--

Dinilaan nito ang ibabang labi niya, at saka nito inipit ipit iyon na parang sinusubukan ang lambot doon.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon