Chapter 6:Patria's POV:
"Let's share one bed then" sabi nito bagay na ikinasinghap niya kasabay ng panlalaki ng mga mata niya.
Ano?
Ano daw!
"B-baliw ka na ba!" Malakas na singhal niya dito.
Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng mukha niya dahil sa sinabi nito, hindi niya alam kung bakit nito sinabi iyon kung sinabi naman nitong may espesyal nang tao sa buhay nito.
"You look entirely cute and adorable when blushing.." Sabi ni Pollux at hinaplos pa nito ang namumulang pisngi niya at nabigla siya kaya defensive niyang tinabig iyon.
"N-nasisiraan ka na ba!" Namumulang sabi niya dito, kahit na wala siyang karanasan sa mga lalaki alam naman niya ang mangyayari sa isang babae at lalaki sa iisang kwarto!
"What? You said there's only one room, I didn't want you to sleep outside so why not let's just share the room?" Sabi nito at hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o ano dahil hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito.
Na ang lapit lapit.
"Pwede ba! Lumpo ako! Hindi ako bulag para hindi ka makita! Bakit ba ang lapit lapit ng mukha mo!" Asik niya dito.
Tumawa ito, napatitig naman siya dahil parang naging iba ang mukha nito, parang nawalan ng stress? At nawalan ng parang nakadagan na kung anong mga iniisip nito?
"Naivety is so fresh and new, seriously.. why you asked?" Tanong nito habang nakatingin sa kanya.
"H-huwag mo nang sabihin! At pwede ba! Bakit ang hilig mong mag iba ng usapan!" Natatarantang sabi niya, parang hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.
Lalo pa siyang natataranta dahil sa mga titig nito at pati na din dahil hindi siya makatakas sa mga tingin nito dahil hindi nga naman siya makalakad.
"Really? You just asked me why my face was just a mere inches from yours, now I'm ready to tell you..you wouldn't want to hear it" sabi nito habang tumatawa.
Nabwibwisit na siya, natataranta at hindi niya alam kung ano pa ang nararamdaman niya dahil sa tibok ng puso niya ng ubod ng bilis.
"H-hindi nga, di'ba! At pwde ba! Huwag kang tumira dito dahil kahit dalawa pa ang kwarto dito--"
Siya na din ang mismong tinapos ng kung anumang sinasabi niya dahil natigilan siya nung narinig niya ang sinasabi niya.
Agad niyang itinikom ang bibig.
"I didn't know that a woman as innocent as you look.. have the ability to lie" sabi nito at saka ito ngumiti ng matamis sa kanya, hindi niya alam kung bakit parang pakiramdam niya kahit matamis ang pagkakangiti nito, parang may ibang sinasabi ang ngiti nito sa kanya.
"P-pero hindi ka talaga pwdeng tumira dito--"
"Why? Do you have a boyfriend?" Tanong nito bigla, sa hindi malamang kadahilanan, parang tunog galit ito?
Umiling naman siya.
"H-hindi kasi, ako lang dito at parang ang pangit naman yatang tingnan kung--"
"So? I will just tell them..that I'm your.. cousin" sabi nito, pinanlakihan niya ito ng mata.
"Sira ka ba? Iyon na yata ang pinaka lumang--"
"Whatever, just let me stay here, I will hide if you want"
Napalunok siya.
Ano bang gagawin niya?
Naguguluhan na siya.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Pollux (Completed)
RomantiekPollux, the man with so much passion about being perfect, why not? He was known by his perfect looks and perfect life, he's the perfect description about with women's 3 F's: Face value. Fat bank account. Fat c*ck. Those characteristics weren't from...