19

28.3K 853 15
                                    


Chapter 19:

Patria's POV:

"One step and I will cut--"

"Nah, my jewels won't be near to that cutter, besides--"

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE ORION!" Narinig niyang sigaw na sobrang dumadagundong dahil sa sobrang lakas.

Paglingon niya ay halos lumuwa ang mga mata niya sa nakikita.

At ang bilis bilis ng tibok ng puso niya.

Pollux...

Ibang iba ang itsura nito keysa nung huli niya itong nakita, kung dati ay clean shaven ito at maayos na maayos ang buhok gamit ang wax, ngayon ay ibang iba na.

May facial hair na ito sa pisngi, wala itong wax sa buhok kaya naman bagsak ang buhok nito na medyo parang humaba at naging ay hati sa gitna ang buhok nito na kagaya ng mga hairstyles dati.

Nakasuot ito ng denim na jacket at ang pang loob ay isang maluwag na sando at halos kita niya ang makinis at hugis ng muscle ng dibdib nito.

Nakasuot din ito ng jeans at sneakers.

Para itong model ng sikat na American clothing brand.

Kung dati ay sobrang gwapo na nito, ngayon sa bagong itsura nito, parang gwapo ito na nadagdagan ng delikadong appeal dahil sa facial hairs nito.

"Please blink, my older brother won't fade" narinig niyang sabi ng lalaki kanina, Napakurap siya at saka lang niya napansin na nasa tenga na pala niya ito at bumubulong sa kanya.

Ganoon na fixed ng husto ang tingin niya at hindi niya namalayang nakalapit na ang lalaki.

Sino na nga 'to?

"Move your ass away from her Orion, or else" narinig niyang banta ni Pollux.

Pasimple siyang suminghap dahil amoynna amoy niya ang pabango nitong ang sarap sa ilong, dati ayaw niya sa pabango ng lalaki dahil ang sakit niyon sa ilong at bumabahing siya.

Pero bakit iba kay Pollux?

"What? Mommy will avenge me hah!" Sabi ng lalaki, napatingin siya sa mga ito.

"M-magkapatid kayo?" Tanong niya at namula siya dahil nakita niyang titig na titig sa kanya si Pollux.

"Yeah, my name Orion, I'm the younger ng two years, yes I'm more handsome than my dad, plus the newly appointed CEO of Karlsen Enterprises, so I'm the man who any women wants to have" pakilala nito sa sarili nito.

Orion? Kakaiba ang pangalan nito, pangalan ng constellation.

Sandali lang, parang pamilyar sa kanya ang Karlsen Enterprises.

Tumaas ang kilay niya.

Ang laki ng bilib niya sa sarili. Sabi niya sa loob loob niya.

Sabagay, gwapo naman talaga ito, hazel and kulay ng mata nito, pinaghalong green at Brown, iyong kulay ng olive oil, matangkad ito, at kung si Pollux ay mukhang payat tingnan, ito naman ay ang lapad ng balikat.

Sabi nito ay mas gwapo ito sa daddy ng mga ito pero--

Pero para sa'yo eh mas gwapo si Pollux di'ba?

Namula siya.

Ang itsura ng dalawa ay magkaiba, si Pollux mataas ang confidence pero dark at seryoso, habang si Orion ay gwapo na boy next door type ang dating.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon