Chapter 43:
Patria's POV:
Ano daw?
Maang siyang nakatingin lang kay Pollux.
Tumawa ito at mabilis na mabilis na dinampian nito ng halik ang mga labi niya.
Napasinghap siya.
"A-anong sabi mo?" Maang niyang tanong at bumilis ng husto ang tibok ng puso niya sa nabuhay na pag aasam at pag asa.
Tumawa ito.
"I said you can stand up now baby...congratulations" sabi nito at bago siya nakahuma ay mabilis nitong inangkin ang mga labi niya at binigyan siya nito ng isang mapusok na halik.
Napakurap siya at hinawakan ang mukha nito para patigilin ito sa ginagawang paghalik sa mga labi niya.
"A-anong sinasabi mo?" Ilang beses siyang kumurap kurap, at napasinghap nung inilapit ulti ni Pollux ang mukha sa kanya at dinilaan nito ang ibabang labi niya.
Napasinghap siya sa malakas na kuryente.
"Pollux!" Saway niya dito.
Halo halo ang nararamdaman niya.
Naguguluhan...nag aasam...masaya...
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at tinitigan siya nito.
"You really can stand up now...believe me" sabi ni Pollux at tuwang tuwa ito, nangingislap ng husto ang mga mata at parang ito ang sobrang natutuwa dahil sa balitang sinabi nito.
Napalunok siya.
"T-totoo?" Ilang lunok ang ginawa niya para masigurado na lalabas ang salitang iyon sa bibig niya.
Tumango ito ng sunod sunod.
"Why don't you try to see it---ah no, you might not be standing up all of a sudden, pero nakita kita, tumayo ka kahapon!" He exclaimed like a child and the grin didn't leave his handsome face.
Nangilid ang luha niya.
Bigla siyang natakot.
"Why are you crying? What's wrong? Aren't you happy?" Tanong ni Pollux sa kanya ng sunod sunod.
Sunod sunod na umiling siya.
"P-pollux paano kung panaginip ang lahat? Na baka magising na lang akong isa lang palang panaginip at baka--"
"Shhh! Hush baby..." At agad siyang niyakap nito.
Amoy na amoy niya ang mabangong katawan nitong dumikit sa kanya.
Pati na din ang matigas nitong kalamnan.
"Trust me Patria...this is not a dream...okay? Trust me" sabi nito habang hawak ang magkabilang pisngi niya at hinahaplos ang mga iyon gamit ang hinlalaki nito.
Napasinghap siya nung biglang hiniklas paalis ni Pollux ang kumot na bumabalot sa mga hita at binti niya at tumambad sa kanya ang mga iyon.
Gaya pa rin ng dati... ganoon pa rin ang itsura ng mga iyon.
Napabuga siya ng hangin at saka siya humila ng isang malalim na paghinga.
Kinakabahan siya.
"I'm just here baby..." Sabi nito at agad na nasa gilid niya ito at saka siya isinandal sa dibdib nito at hinahalikan ang gilid ng ulo niya habang sinasabihan siya nito ng 'kaya niya 'yon'.
Agad na binalot ng saya at pagtitiwala ang dibdib niya dahil sa sinasabi at ginagawa nito sa kanya.
Napalitan ng kilig ang takot na nararamdaman niya kanina.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Pollux (Completed)
RomancePollux, the man with so much passion about being perfect, why not? He was known by his perfect looks and perfect life, he's the perfect description about with women's 3 F's: Face value. Fat bank account. Fat c*ck. Those characteristics weren't from...