12

30.8K 912 27
                                        


Chapter 12:

Patria's POV:

Nang pumunta siya sa farm ay nakita niya na may nag aantay sa kanya na kilala niya.

At napasimangot siya.

Lalo na nung nakita niyang ngumiti ito sa kanya.

"Hindi ko ibebenta ang farm, Mr. Costales" matigas niyang sabi sa lalaking nasa edad trenta na siguro, mayaman ito at gusto nitong bilhin ang flower farm niya.

"Good morning too, Patria" bati nito sa kanya, tinignan niya lang ito, tumaas ang kilay niya nung nakita niya ang dala dala nitong basket ng mga prutas.

"That's Ms. Carte to you, Mr. Gonzalez" pormal niyang sabi.

"Ganyan ba ang dapat na bati mo sa lalaking mabait sa'yo?" Sabi nito at saka ito tumawa, tinaasan niya ito ng kilay, gwapo din naman ito, pero grabe, kakapit ka sa lakas na hangin na dala dala nito.

Sobrang yabang.

"May mabait bang pinipilit akong ibenta ang farm ko kahit na sinabi 'kong ayoko?" Taas ang kilay na tanong niya, halos isang taon na din yatang pumupunta ito dito para lang pilitin siyang ibenta pero ang kulit nito na parang kamag anak yata nito ang mga an an at alipunga sa kulit at pagpapabalik balik.

Tumawa ito.

"Why not? This place is perfect for my new business--"

"Umalis ka na" malamig niyang sabi.

"Hindi din naman magsusurvive ang negosyo mo dahil maliit lang ito at kulang ka ng pondo--"

"May business partner ako, at pwede ba, umalis ka na, huwag kang manira ng araw" sabi niya dito.

"May gwapo bang nakakasira ng araw?" Sabi nito sa kanya, tinaasan niya ito ng kilay.

Ang yabang talaga nito, iyong yabang na ang mismong yabang na word eh nahihiya pa?

"Kung gwapo ka ano pa kaya si Sir Pollux? Diyos?" Narinig niyang sabi ni Aling Saling, lihim siyang natawa.

"May mas gugwapo pa ba sa akin?" Takang tanong nito, itinirik niya ang mata at saka iyon pinaikot.

Malamang tatablan ito ng hiya sa katawan at tatalab na ang kape dito pag nakita nito si Pollux.

"Meron, kaya lumayas ka na, at wala kang mapapala dito" malamig niyang sabi.

"Fine, aalis ako, pero babalik din ako para kumbinsihin ka ulit" sabi nito at sinamaan niya ang tingin dito.

"Goodbye, Patria" sabi nito at nagbigay pa ito ng flying kiss sa kanya na agad niyang iniwasan dahil nandidiri siya.

Kahit na sabihin mong gesture lang iyon.

Bakit gusto mo si Pollux lang ang hahalik sa'yo? Tanong ng isip niya.

Kumunot naman ng noo niya.

Hindi. Sagot niya doon.

"Grabe hija, ang lakas talaga ng hangin sa katawan nun! Mahihiya si bagyong Yolanda doon eh" Napapalatak na sabi ni Aling Saling.

Natawa naman siya.

"Hija, pupunta ba dito ulit si Sir Pollux?" Tanong sa kanya ni Aling Saling.

Napipi naman siya sa tanong.

"Uhm, hindi ko po alam eh" sagot niya.

"Ipinagluluto ka pa ba niya?" Tanong nito sa kanya nung humarap ito sa kanya, napasinghap siya.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon