Special chapter (spg)

58.3K 1.2K 56
                                    


Patria's POV:

"Kumusta dok?" Nag aalalang tanong niya sa doktor niya matapos siyang magpalit check up ulit. Matapos ang ilang buwan matapos ang kasal nila ni Pollux at nakakapaglakad siya ng unti unti ay may nakalimutan siyang isang bagay.

Iyon ay kung kaya ba niyang magdala ng bata sa sinapupunan niya, base sa kondisyon niya dati nung hindi pa siya nakakapaglakad, may problema siya sa lower pelvic area meaning baka hindi siya pwedeng mag buntis.

Irregular din kasi ang menstruations niya.

At natatakot siya baka hindi niya pwedeng mabigyan ng anak si Pollux.

Anim na buwan na din kasi nung kasal nila, at hanggang ngayon hindi pa siya nabubuntis,at may ikinatatakot siya.

Baka iwan siya ni Pollux dahil hindi niya ito mabigyan ng anak, hindi man ngayon pero hindi niya hawak ang panahon at oras.

May tiwala naman siya kay Pollux, ang laki nga tiwala niya dito, pero baka may mga bagay o sitwasyon na hindi maiiwasan at baka siya na mismo ang mawalan ng pag asa.

"So based on the tests...you can still bear a child pero kailangang maging you know" nakangiting sabi ng doktor niya, bata pa ang doktor niya, at maganda ito.

May lahi, ang puti nito, at ang ganda, kakaiba ang ganda, pati na din ang pangalan nito, Anastasiya. Akala niya dati isa itong amerikana na brown ang buhok or brunette pero talaga palang may lahi itong Filipino nung bigla itong nagtagalog sa harap niya.

At ang bait bait nito.

"A-are you sure Doc?" Tanong niya at naninigurado.

Tumango ito at ngumiti.

"Why of course, you're a healthy, young and a very beautiful woman, your husband must be so in love with you" sabi nito habang nakangiti.

Ngumiti din siya at saka tumango.

"But since you want to conceive, I'm going to give you vitamins too para maging ready na ang katawan mo to bear a child"sabi nito at tumango tango siya.

Inayos na muna niya ang scarf sa leeg bago siya umalis, palihim na nga ang pagpapa check up niya dito dahil baka nalaman ni Pollux na nagpacheck up siya ay mag aalala ito.

Kasalukuyang nasa Amerika sila para sa isang fashion week at bakasyon nila bilang mag asawa, kaya naman habang wala ito ay sinamantala na muna niyang nagpacheck up.

Gusto nga nitong isama siya pero tumanggi na din siya.

Kinuha niya ang baston niya para makapaglakad siya ng maayos, simula kasi nung treatment medyo hirap pa talaga siya sa paglalakad, at kailangan may tulong ng baston.

Kahit na may baston siya ay natutuwa siya, sino ba ang hindi? Eh nakakapaglakad na siya, hindi pa nga lang sobrang diretso at hindi nagwi wiggle pero pakiramdam niya malayo na siya sa dating Patria na laging kinakaawaan ang sarili dahil hindi siya makapaglakad.

At dahil iyon kay Pollux, ang inspirasyon niya.

Corny siguro sa iba pero si Pollux talaga ang dahilan ng lahat ng pagbabago sa buhay niya at kung paanong nagiging masaya siya sa bawat araw na kasama niya ito.

Kaya naman ang gusto niya ay magkaroon na sila ng anak para maging kompleto na silang dalawa.

At magiging isa na silang pamilya dahil siya... magkaroon man pero naiwan din lang.

Bumuntong hininga siya.

Pumunta siya sa isang coffee shop para alisin ang lamig na bumabalot sa kanya dahil paparating na din ang winter season.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon