Chapter 25:Patria's POV:
"Marry me, Patria"
Para siyang napapasong agad na nailayo ang sarili dito at tinitigan ito ng matagal.
Tama ba siya ng naririnig?
Ano daw?
Pakasalan?
Pakakasalan ko si Pollux? Maang na tanong ng isip niya.
"Para kang nakakita ng multo, Patria" sabi nito na ikinalaki ng mata niya at parang nagising siya sa malalim na pag iisip.
"A-anong s-sabi mo" kandautal niyang sabi.
Napaigtad siya nung biglang hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya.
"Marry me, Patria" ulit nito at napasinghap siya.
"B-bakit?" Maang tanong niya.
"Because I'm here for you" sagot nito.
Napakurap siya at agad na nahulog sa pag iisip.
Bakit sila magpapakasal eh kakasabi lang nitong mag aantay ito?
Ni hindi pa niya ito nagiging boyfriend...kasal agad?
Anong nangyayari?
Parang ang bilis naman yata?
Wala pang bente kwatro oras 'yong sinabi nito na mag aantay ito?
Nasabi lang niyang ang nangyari sa kanya at umiyak siya dahil nag iisa--
Sandali lang.
Kaya ba siya nito inaalok ng kasal dahil nasabi niyang namimiss na niya ang mama niya at nararamdaman nitong parang nag iisa ang pakiramdam niya?
"Naawa ka ba sa akin?" Agad niyang sabi dito.
"What? No!" Mabilis nitong sabi.
"Eh bakit ka nagpopropose?" Alangan niyang sabi.
Para kasing sa pagpropose nito, iba ang nararamdaman niya, parang sinabi nito iyon para aluin siya dahil nag iisa siya.
Ganoon.
Kumunot ang noo niya.
"Di'ba ka-k-kakasabi mong mag aantay ka?" Nauutal na tanong niya.
"Yes" tipid namang sagot nito pero pirming nakatitig sa kanya.
"P-pero bakit may proposal na.." Papahina niyang sabi dito.
Bumuntong hininga ito.
"Mali ba..na agad?" Balik tanong nito.
Tinitigan niya ito habang malakas pa ang loob niya.
"M-mahal mo ba talaga o gusto mo akong a-angkinin?" Namumulang sabi niya, para hindi niya kasi kaya na sabihin ang mga salitang iyon.
Tinitigan siya nito... nang sobrang tagal kaya iniiwas niya ang mga mata dito.
"Don't ask a thing like that my flower.." narinig niyang sabi nito at napabaling siya ng tingin dito pabalik dahil sinapo nito ang baba niya para magtitigan sila.
.."you're too innocent to know..yet " sabi nito sa paos na boses.
Pulang pula naman siya.
"B-bastos!" Sabi niya at inalis ang kamay nito sa baba niya, tumawa naman ito ng malakas.
"But I was just telling the truth, Patria.." Sabi nito habang tumatawa, hinampas niya ito sa braso.
Natigilan ito.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Pollux (Completed)
RomansaPollux, the man with so much passion about being perfect, why not? He was known by his perfect looks and perfect life, he's the perfect description about with women's 3 F's: Face value. Fat bank account. Fat c*ck. Those characteristics weren't from...