Chapter 18:
Patria's POV:
.."I want you to become mine, Patria.."
Para siyang natulig sa sinabi nito.
"A-ano kamo?" Pag papaulit niya.
Ayaw siyang maging girlfriend nito? Gusto siyang ariin?
Ano?
Iyon 'yong sinabi nito.. tama?
"I need you to be mine Patria, I need you by my side..I want to see you everyday, you don't need everyone else it will be just you and me--"
"No" maikli at pinal niyang sabi.
Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito.
Parang hindi niya kilala ang Pollux na nasa harap niya.
Ang sinasabi nito ay parang masyadong selfish, ang gusto ba nito ay lagi na lang siyang nasa tabi nito? At ang sinabi nito ay hindi niya kailangan ang ibang tao?
"What?" Gulat na sabi nito.
"No" ulit naman niya.
"Why?" Tanong nito.
"Selfish" sabi niya.
"Don't give me a monosyllabic answers Patria" sabi naman nito habang kunot ang noo nito.
"I will give you monosyllabic words whenever I wanted to, Pollux" mariing sabi niya.
"Patria you're not giving me rational answers" sabi nito at tumayo ito at namaywang sa harap niya.
"Anong ako? Ikaw!" Inis na sabi niya.
"What? Me? I was asking you--no, I was proposing you!" Sabi nito at parang naiinis na ito.
Napapantastikuhang tinignan niya ito.
"Proposal 'yon? Niloloko mo ba ako? Inuutusan mo akong ikaw at ikaw na lang dapat ang lahat! My God! Naririnig mo ba ang sarili mo? Lumpo ako! Hindi ako tanga, Pollux! May sarili akong isip!" Galit na siya.
"What? Wait what! I'm not pressing that you're stupid! I just need you to need me!" Nauubusan na din ang pasensya nito.
"Kakasabi mo lang na hindi ko kailangan ang ibang tao! Na dapat ikaw lang! At ikaw! Sinabi mong ayaw mo akong maging girlfriend dahil gusto mo akong maging pag aari mo! Ano ako?.. Bagay!" Sigaw niya dito.
"I wasn't pertaining na dapat ako lang, and why not? I want you not just as girlfriend! I want you to become mine!" Sigaw na din nito na bahagya niyang ikinalunok.
Ipinilig niya ang ulo.
"S-see? 'Yang sinabi mo na lang, ang gusto mo lang ang gusto mo! Ako! Hindi mo ba ako tinanong kung ano gusto ko? Ano? Hindi pa man tayo, ikaw na magdedesisyon?" Sabi niya dito habang hinihingal na nagsasalita.
Natigilan ito sa sinabi niya, bumuntong hininga ito.
Tapos ay walang saglit itong nawalan ng sasabihin.
Siya naman ay nanginginig dahil sa inis sa sinasabi nito.
Hindi ba nito naiintindihan na ayaw niya na kinokontrol siya? Hindi na nga siya makalakad, gusto nito maging dependent pa siya dito at guston nitong ikontrol na lang siya na parang puppet?
Iyon ang ayaw niya.
Ang umasa sa ibang
"Why?Ano bang gusto mo, Patria?" Tanong naman nito pagkatapos ang ilang saglit.
Tinitigan niya ito.
"Gusto 'kong ako ang magdedesisyon sa sarili ko, at kung may kailangan ako sa ibang tao, walang pwedeng magbawal sa akin--"
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Pollux (Completed)
RomancePollux, the man with so much passion about being perfect, why not? He was known by his perfect looks and perfect life, he's the perfect description about with women's 3 F's: Face value. Fat bank account. Fat c*ck. Those characteristics weren't from...