21

30.6K 783 8
                                    


Chapter 21:

Patria's POV:

Naalimpungatan siya dahil sa alinsangan ng panahon, agad niyang tinignan ang cellphone niya.

Pasado alas otso na pala ng gabi.

Napahaba ang idlip niya.

Hindi pala niya nai-switch ang aircon niya kanina bago siya umidlip, kaya pala ngayon pawis na pawis siya.

Minsan lang naman siya nag i-aircon, kapag summer lang, kasi ang farm ay napapalibutan ng mga puno kaya minsan hindi talaga siya naiinitan.

Biglang tumunog ang tiyan niya.

Teka, ano na ulit kakainin niya?

Bumuntong hininga siya.

Tama, iyong prutas sa ref.

Kapagka ganitong mag isa siya at walang makain, naiisip na naman niya si Pollux.

Hindi dahil kailangan niya ng taga luto, dahil ipinagluluto siya nito nag taos sa loob.

Bale tatlong tao lang ang nakapagluto ng pagkain niya.

Una, ang mama niya, pangalawa, si Aling Saling, pangatlo, si Pollux.

At si Pollux lang ang lalaking nagluto ng pagkain para sa kanya.

"Pollux..." Mahinang sabi niya sa pangalan nito.

Ipinilig niya ang ulo.

Marahan siyang umupo, sa kama at inabot palapit ang wheelchair niya, saka siya pumwesto para ilapit ang katawan patalikod sa wheelchair, hinihingal siya siya matapos niyang maiupo ang sarili sa wheelchair.

Kahit na ilang beses niyang ginagawa iyon ay hirap talaga siya.

Masakit sa braso, masakit sa kamay.

Hindi naman sa mabigat ang timbang niya, hirap siya dahil dati siyang ballerina, kaya ang malakas sa kanya, legs niya.

At hindi malakas ang mga braso niya para maging mga paa niya.

Hindi iisang beses siyang nahuhulog sa wheelchair niya kada pag sampa niya doon.

Naiinis at naiiyak siya kada hulog niya sa sahig mula sa wheelchair.

Nang mabawi niya ang paghinga ay pinagulong niya iyon palapit sa pinto at inibis iyon para nakalabas siya nung nabuksan niya.

Agad na sinalubong siya ng amoy ng pagkain--

Pagkain?

Inisip ni Patria na baka dumaan si Aling Saling dito at ipinagluto siya.

Mamaya ay tatawagan niya ito para pasalamatan.

Dumiretso siya sa kusina at tinignan ang pagkain na natatakpan ng tray.

Pagbukas niya ang agad na sinalubong siya ng masarap na amoy ng pagkain.

Napalunok siya.

Tapos ay napakurap.

Parang iyong ayos ng mga kutsara iyon ayos ni--

Ipinilig niya ang ulo, imposible namang pumunta dito si Pollux.

Tinignan niya ang lalagyanan ng extrang susi.

Nandoon ang ginagamit ni Pollux dati.

Kaya imposible.

Pinunasan niya ang pawis sa noo.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon