42

25.3K 728 14
                                    


Chapter 42:

Patria's POV:

Sabi nila, pag may gusto kang makuha.

Gagawin mo ang lahat para maabot 'yon.

Pero paano siya?

Literal na hindi niya kayang maabot...iyong pakiramdam na wala siyang magawa.

Awa...galit sa sarili, kawalang tiwala.

Wala siyang magawa.

Iyong aalis at iiwan na siya Pollux.

Hindi na ba siya mahal nito?

Bakit na siya nito iiwanan?

Hindi!

Tinignan niya ang mga paa.

Inutusan niyang gumalaw ang mga iyon.

Gumalaw ka!

Hindi pwedeng ganito na lang siya, gusto na niyang magbago ang buhay niya, gusto na niyang magbagong buhay, ang mabuhay na may kasama na mahal niya, na kahit wala na ang mama niya, hindi na mag aalala ang mama niya kung saan man ito naroroon na mag isa siya, o kung wala, ay maalagaan niya ang sarili--

Natigilan siya.

Kaya ba niyang maging mag isa na lang? Na nakikita niyang may babaeng umaaligid kay Pollux?

Hindi ko kaya.

Sabihin mo nang desperado siya.

Pero may magmamahal pa ba sa kanya? Sa kondisyon niya?

Marami ang magtataas ng kilay dahil baka iniisip na dependent na siya sa lalaki, pero mahal niya si Pollux eh.

Mahal na mahal niya ito.

Kaya nga siya sumugal kahit na baka sa bandang huli ay magiging luhaan siya.

Na parang nangyayari na.

Kailangang may gawin siya.

Pero paano niya gagawin kung nakaupo na lang siya sa sulok na gaya ngayon?

Galaw! Gumalaw ka! Utos niya sa sariling mga paa.

Determinado siyang may magawa na siya.

Napakurap siya nung parang naramdaman niyang kumislot ang daliri niya sa paa.

Galaw! Utang na loob! Tili niya sa isip.

"Yes I will leave you, or better yet..ihahatid na kita para naman hindi mo na ako makita" sabi nito at nangilid ang luha niya.

Ang lamig ng pakikitungo nito sa kanya.

Nagsawa na ba talaga ito?

Sabagay nitong mga nakalipas, magulo ang isio niya, kaya naman urong sulong siya.

Pati na ang mga desisyon niya.

Kaya ngayon, iiwanan na siya ni Pollux.

Kaya ba niya?

"No!" Tili niya.

Mukha din itong determinado na gagawin nga nito ang sinabi nito.

"Yes! Iiwan na kita, sawang sawa na ako, I'm so done"

Sinigawan na din siya nito.

Napaiyak siya.

Kailangang gumalaw siya...at lapitan ito

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon