10

34.1K 928 25
                                    


Chapter 10:

Patria's POV:

"Yes, I'm the model" sabi ni Pollux sa kanya at nanlaki ang mga mata niya

"What?" Tanong niya.

"Yes, before I became the photographer, I'm a model" sabi nito.

"I-ikaw?" Tanong niya, pero akala niya talaga, artista ito. Sa gwapo ba naman kasi nito do hamak na talo nito ang mga artista ngayon sa TV.

Pero bakit balik model ito ulit?

"Ouch, am I ugly enough not worthy to be a model?",tanong nito na parang nasaktan nga sa sinabi niya.

"Ha? Ahm hindi noh! Ang gwapo mo kaya at--" agad niyang itinikom ang bibig, lalo na nung nakita niya ang pagngisi nito

"So I'm handsome to you" sabi nito at tumawa, napatitig siya dito, akala niya, hindi talaga ito marunong tumawa o mag smile man lang.

Lalo talaga itong nagiging gwapo pag tumatawa.

"Yabang mo, diyan ka na nga!" Namumulang sabi niya, nabuking na siyang tingin niya dito ay gwapo.

Iginulong niya ang wheelchair pabalik na sana pero nagulat siya nung itinulak iyon ni Pollux pabalik sa loob ng garden.

Halos hindi ito humihiwalay sa kanya sa buong maghapon, pati nung pumipili siya ng mga bulaklak ay nasa tabi lang niya ito.

Hindi nito alam na kabado siya at naiilang habang katabi niya ito, tapos ang bango pa nito.

Namumula pa siya kung minsan kapag tumitingin siya dito ay nakikita niyang hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.

Kung hindi niya alam na may espesyal ng babae sa buhay nito, iisipin niyang--

Hindi ka crush ni Pollux, okay? Magkaibigan na kayo di'ba?

Bumuntong hininga siya.

Namula siya ng husto nung biglang yumuko ito at binulungan siya na bibili ito ng kailangan para sa dinner nila.

Pakiramdam niya, para silang mag asawa.

May sira ka na, Patria.

--

"Okay! Yes! Give me that cold stare Pollux, yes! That's it, you still have that charismatic cold aura!" Naririnig niyang sigaw ng photographer kay Pollux, sumilip siya at kita niyang pinagkakaguluhan ito ng mga staff.

Hindi para tumulong pero para panoorin si Pollux.

Hindi man niya ito nakita dahil may inasikaso pa siya sa flower arranging ay alam niyang maraming babae na ang nakatingin dito ngayon.

Bagay na kinaiinisan niya, ang masama niyan, hindi niya alam kung bakit.

"Sikat pala si Sir Pollux noh ma'am? Hindi lang pala dito siya sa pilipinas, pati na din sa ibang bansa" narinig niyang sabi ng isang trabahador niya.

Tumango siya at tipid na ngumiti.

Alam na niya iyon, ini research niya, kahit na noon ay ipinakita lang sa kanya ang search result ng Google, kaya naman nag research na siya.

At aaminin niya, lahat ng kuha nito bilang modelo ay talagang maganda, pati na din ang photography skills nito na talagang mapapanganga ka.

Natutuwa naman siya, pero hindi nakakatuwa ang mga nakita niyang pictures na may kasama itong mga babae na nakunan ng mga paparazzi.

Ilang araw na din iyon nung nakita niya pero hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon naiinis siya.

Ni hindi niya pinapansin si Pollux, kahit na imikin ito.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon