11

32.2K 812 14
                                    


Chapter 11:

Patria's POV:

Anong nangyayari?

Bakit siya hinahalikan ni Pollux?

Kandaduling na napasinghap siya na pilit inilalayo ang mukha pero maagap ito at naramdaman niya ang paghatak nito sa kanya sa pamamagitan ng paghila nito sa batok niya.

At dahil napasinghap siya, agad na lumalim ang halik na ginagawa nito, nanlaki ang mga mata niya at inilagay ang kamay sa pagitan ng dibdib nila at itinutulak ito.

Gumalaw ang bagay na pumasok sa bibig niya at napaigtad siya nung naramdaman niyang nakikipaglaro iyon sa maliit niyang dila.

Dila nito iyon..tama?

Napakurap siya ng mabilis at maraming beses.

Titig na titig siya sa mukha nitong sobrang lapit at pakiramdam niya, anumang sandali ay puputok na ang puso niya dahil sa sobrang lakas na pagtibok niyon.

Tulala siya at natigil ang pagtulak nung iniikot nito dila nitong malikot sa dila niya.

Parang bumibigay ang talukap ng mga mata at namalayan na lang niyang naipikit niya ang mga mata.

At nawalan na nang lakas ang mga kamay niyang nanunulak kanina.

At hinayaan niya ang sariling halikan ni Pollux, mayroon na parang sinimsim nito ang maliit niyang dila, tapos ay ang ibabang labi niya, paakyat sa pang itaas niyang labi, saka ito babalik sa pakikipaglaro sa dila niya.

Basa..

Mainit..

At kakaibang sarap ang nararamdaman niya sa halik nito.

Akala niya ang simple lang ang halik iyong parang nag iipitan lang ng mga labi? Ang halik ni Pollux ay kakaiba sa mga napapanood niya sa TV, ang halik pala ay may kasama na pakikipaglaro ng dila, at pagsimsim na parang isa itong bubuyog.

Para siyang nalulunod at hindi siya makahinga pero kakaiba dahil kahit nahihirapan siyang huminga ay ayaw niyang bitiwan nito ang mga labi niya.

Ramdam niya ang parang pagkalasing sa ginagawa nila.

Hindi niya alam na ganito pala ang halik, bahagyang napamulat siya nung nakarinig siya na parang nahihirapan na tunog.

Nang tinignan niya si Pollux ay nakapikit pa rin ito at pinagbubuti ang paghalik sa kanya, tapos ay narinig niya ulit nang tunog kanina.

Saka lang niya narealized na umuungol pala si Pollux naramdaman niyang lalo nitong hinila ang batok niya at saka nito ikiniling ang ulo patagilid para lalong lumalim ang halik nito.

Naipikit niya pabalik ang mata dahil parang lalong mas naging mainit at matamis ang ginagawa nitong paghalik sa kanya.

Sa maiksing panahon na nakilala niya ito, isa ito sa mga taong nag aalaga sa kanya, mabait ito at laging iniisip nito kung ano ang lagay niya. Mula sa pagtatanong nito kung kumain na ba siya o kung ayos lang siya sa farm.

Naisip niya na maswerte ang babaeng pakakasalan nito, gaya na lang siguro nung babaeng binilhan nito ng bulaklak galing sa shop niya.

"I bought flowers to the most special woman of my life ..."

Napamulat siya bigla.

Anong ginagawa niya? Nila?

Bakit siya hinahalikan nito?

Para siyang nagising sa kung anumang mahika ng nakakalasing nitong halik at inipon niya ang lahat ng lakas sa katawan at ubod ng lakas niyang itinulak si Pollux para pakawalan nito ang mga labi niya.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon