46 (mild spg)

32.3K 722 10
                                    


Chapter 46:

Patria's POV:

.....a month later

Pigil ang ngiti niya matapos niyang ibaba ang tawag ni Pollux sa kanya, tinatanong kasi nito kung pwede daw ba silang magdate na dalawa.

Ilang linggo na din simula nung naging fiancée niya ito, minsan napapangiti na lang siya ng mag isa mula sa treatment niya dahil naalala niya nung pumayag siyang pakakasal dito.

Tinanggihan niya ngayon ang dinner date na sinasabi nito dahil puspusan na siya sa paghahanda sa kasal nilang dalawa ni Pollux.

Gusto na din naman niya iyong makita at makasama pero may sopresa siya dito.

Ngayon lang siya gagawa ng sopresa, at gusto niya maging perpekto iyon.

Simula nung nakalabas siya sa ospital ibinalik siya ni Pollux sa farm at doon na niya nalaman na habang kahit wala pala siya sa farm ay ito ang nag aasikaso ng lahat, iniisip ng lahat ay dahil baka business partner niya ito kaya okay lang kahit na tanong ng tanong ang mga ito kung nasaan siya.

Sinabi pala ni Pollux sa mga ito na pumunta siya sa bakasyon.

Natawa siya nung naalala nung bumalik siya dahil sunod sunod ang mga tanong ng mga ito tungkol sa bakasyon niya.

Ngumiti na lang siya sa mga ito.

Naalala niya tuloy nung sinabi ni Pollux na magpapakasal na sila....

..."Everyone! May sasabihin po ako sa inyong lahat" panimula ni Pollux habang nag aayos siya ng mga bulaklak.

Tumingin ang lahat ng tao dito, pero ito, siya lang ang tinitingnan, hindi nito iyon inaalis sa kanya simula nung dumating ito kanina.

"Simula sa araw na ito, I'm not Patria's business partner anymore" sabi ni Pollux, nanlaki naman ang mga mata niya.

At umani iyon ng sunod sunod na tanong mula sa mga trabahador niya.

Hindi na ito magiging parte ng farm? Bak--

Itinaas ni Pollux ang kamay para pigilan ang mga ito.

"Because me and Patria are going to take this one the higher level, she will be my partner in life..." Pagkasabi nito ng mga salita nito ay naglakad ito palapit sa kanya habang nakatingin pa rin ito.

Bumilis ang tibok ng puso niya.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya matapos nitong iharap ang mukha sa kanya at pinagpantay iyon mula sa level ng wheelchair niya at dinampian nito ng magaan na halik ang labi niya.

"Magpapakasal na kaming dalawa ni Patria" sabi ni Pollux at umugong ang malakas na tuksuhan sa paligid habang siya at pulang pula pa rin ang mukha.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon