9

37.1K 936 17
                                    


Chapter 9:

Patria's POV:

"Yeah..like, be friends...yet?" Sabi nito, napakurap siya.

Friends?

Sila?

Seryoso ba siya? Nung binasa niya ang itsura nito ay hindi niya alam kung ano ang nandoon.

Parang...parang may iba?

Parang labag sa loob nito?

"Friends?" Untag nito, tinitignan niya ang itsura nito, pero agad din siyang nagbawi ng tingin dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito ng matagal, nakakalunod kasi itong tumingin, parang iyong green na mata nito ay parang dagat?

"Sigurado ka ba?" Tanong niya ng diretso dito pero sa totoo lang hirap siyang tingnan na ito ng diretso.

"Yes, why?" sagot naman nito pero nagbalik tanong sa kanya.

Bakit kasi ang hilig nitong tumitig? Naiilang na sabi niya sa isip, siguro ay ganoon na ito, simula pa noon, itong nakamulatan nito? Since photographer ito, kinikilatis nito ang lahat.

Lahat ng detalye.

Pero pati siya?

Ah, baka kasi bago niya akong kakilala. Pagrarason niya sa naisip.

"P-para kasing ayaw mo" nauutal na sabi niya.

Ilang saglit itong hindi umimik.

"Because I had no choice" sabi nito pagkuwan na siyang dahilan para tingnan niya ito ng marahas.

"Kung wala ka palang choice eh bakit mo pa ako inalok para maging kaibigan mo!" Naiinis na sabi niya, pakiramdam niya hindi siya worthy na maging kaibigan ng isang tao, dahil wala nga naman daw kasi itong choice.

At dahil doon, nasira ang araw niya.

Ang masama nito, eh ang aga aga pa.

"Because having a friendship with you means I will grow more closer to you.." Sagot nito, parang ang mainit na temperatura ng init ng ulo niya ay dagliang nawala dahil sa sinabi nito.

At ang bilis bilis na naman ng tibok ng puso niya.

Gusto nitong makipaglapit sa kanya?

Bakit?

Imposible naman sigurong bilang babae dahil may espesyal na itong babae sa buhay nito.

"W-why?" Mabilis nang pintig ng pusong tanong niya.

Natigilan naman ito.

"I want to take care of you, and I will have a peaceful stay here.." Sabi nito ng mabilis.

Napakurap siya ng ilang beses dahil sa sinabi nito.

Take care?

Kinakaawaan ba siya nito? Gusto nitong alagaan siya nito, at para maging peaceful ang stay nito sa farm ay kailangang maging kaibigan niya ito?

Ganoon ba 'yon?

Parang may dumaang disappointment sa kanya, at hindi niya alam kung bakit na-disappoint siya.

"Gusto mo akong maging kaibigan para maging peaceful ang stay mo dito?" Tanong niya sa matigas boses.

"Yes" maikling sabi nito.

"At kung magiging kaibigan kita, hindi na kita masusungitan kaya magiging peaceful ka na dito tama?" Naiinis na tanong niya.

"What! No!" Tanggi naman nito.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon