22 (mild spg)

37.9K 979 42
                                    

Chapter 22:

Patria's POV:

Ilang lunok ang ginawa niya lalo na nung lumapit ito.

Namula siya.

Lihim niyang sinaway ang sarili dahil para siyang siraulo na nag iisip na parang honeymoon nila ito, at isa siyang, blushing bride.

Napapikit siya.

"Okay, I will slowly remove a portion of the sheet okay.." Narinig niyang sabi nito.

Tapos ay naramdaman niyang pumunta ito sa likod niya.

Malakas naman ang tibok ng puso niya habang ibinababa ang kumot para ma expose ang likod niya, pero hawak niya ang kumot sa may bandang dibdib.

Napamulagat siya nung nakarinig siya ng malakas na mura mula dito.

"Do you want us to go to the hospital?" Narinig niyang sabi nito sa tonong galit.

"B-bakit ka nagagalit? Masama ba ang itsura niya?" Sabi niya, bigla tuloy siyang nag alala

"It's just minutes from that fall, but it looks like it will hurt if I will touch it lightly.." Sabi nito, at napasinghap siya ng malakas nung may dumapo na parang nakakakuryente bagay sa likod niya.

Ano iyon?

"Does it hurt when I touch it like that?" Sabi ni Pollux.

Napakurap siya, hinawakan nito ang likod niya? Iyon ba iyong nakakakuryente?

Umiling siya.

"N-no, basta lagyan mo na lang ng yelo" nauutal na sabi niya, kabadong kabado siya, sino bang hindi kung nasa likod niya ito, hubad siya at ramdam na ramdam niya ang hininga nitong tumatama sa sensitibong balat niya?

"Are you sure you don't want to go to the hospital?" Tanong pa rin nito.

Marahan siyang tumango.

Bumuntong hininga ito.

"Alright, if the pain and swelling doesn't subside, no buts or ifs, we will go to the hospital, understand?" Sabi nito, tumango na lang siya .

Ayaw naman niyang makipagtalo dito.

Saka parang wala naman siyang makapang inis sa dibdib niya dahil sa pag mamando nito.

"Okay.. here goes" sabi nito at suminghap siya ng malakas dahil sa paglapat ng malamig na bagay sa likod niya.

Ramdam niya ang dalawang bagay sa likod niya, ang isa ay ang lamig dulot ng yelo, ang isa naman ay ang init galing sa hininga nito.

Nakagat niya ang ibabang labi.

"Did you eat the dinner that I made?" Biglang tanong nito, agad siyang napabaling at making ideya yata ang ginawa niya dahil ang lapit na ng mukha nito sa kanya.

Ito ang nagluto? Hindi si Aling Saling?

Kaya pala pamilyar ang ayos ng pagkain.

Agad niyang iniwas ang mukha dito, bigla niyang naalala ang ginawang paghalik nito kanina, sinabi nito na ginawa lang nito iyon para hindi na siya nataranta at lalong madagdagan ang disgrasya.

"I-ikaw pala nagluto.." Mahinang sabi niya.

"Yes, is there any man who cooks for you?" Sabi nito at kahit nakatalikod siya ay rinig niya ang inis sa boses nito, nagtaka naman siya sa sinabi nito.

"W-wala , akala ko si Aling Saling..sino bang lalaki ang nagluluto para sa'kin.. I-ikaw lang n-naman.." Mahinang sabi niya.

"Good to know, flower..good to know" sabi nito at naumid naman ang dila niya.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon