4

44.3K 1.3K 93
                                    

Chapter 4:

Patria's POV:

"And have a proposal to make" sabi nito sa kanya habang titig na titig pa rin ito.

Napalunok na lang siya dahil may iba siyang nararamdaman sa mga susunod na sasabihin nito.

Lumuhod ito ng bahagya sa harap niya at pinagpantay ang mukha nila, agad niyang iniatras ang mukha palayo.

Hindi niya alam kung bakit sobra sobra ang pagka ilang na nararamdaman niya para dito.

"L-lumayo ka" naiilang na sabi niya.

"Are you ready to hear my proposal?" Sa halip ay sabi nito, at lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya.

"L-lumayo ka n-nga muna!" Sabi niya, noon ramdam niya ang pagiging helpless, ngayon higit pa noon.

At ayaw niya ang pakiramdam na 'yon.

"Answer me first, Patria" sabi nito, lumunok siya at wala sa loob na tumango.

Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya para dito, masyadong intense? At masyadong agresibo.

At ayaw niya sa mga taong ganoon.

"That's good" sabi nito at ngumisi ito.

Sino ba talaga ito?

Bigla na lang itong lumitaw sa harap niya.

At ngayon may business proposal na ito.

Naningkit ang mata niya, hindi niya maiwasang hindi magduda dahil may proposal daw ito...pero hindi niya alam kung ano iyon at bakit siya kinakabahan ngayon.

"So, where can we talk first?" Biglang sabi nito at bago siya nakasagot ay nasa likod niya ito at itinutulak na ang wheelchair niya.

"There" tipid niyang sabi, at itinuro ang isang parang cottage doon malapit sa greenhouse kung nasaan sila ngayon.

Ayaw niyang patuluyin ito sa bahay niya dahil nag iisa lang siya at baka kung masamang tao ito ay mahihirapan ang mga taong pumasok dahil baka--

Natigilan siya.

Parang masyadong judgemental na yata siya.

Hindi naman mukhang masamang tao ito, ang ganda pa nga ng suot nito, nakasuot ito ng jeans pero naka coat at may sando yata sa loob.

Mukha ding mamahalin ang suot nito kanina, lalo na ang sapatos nito.

Nang nakapasok sila sa loob at napansin niyang titig na titig pa rin ito, matiim ang titig nito, parang nakakatunaw.

Dagdag pang ang gwapo nito.

Hindi naman siguro ito isang artista? Nanonood din naman kasi siya ng TV eh, kaya mejo kilala niya sa mukha ang mga artista.

"A-ano iyong proposal mo?" Tanong niya habang nauutal, biglang lalo na naman siyang naiilang dahil proposal lang ang sinabi nito, at hindi niya alam kung anong klase 'yon.

Hindi naman siguro indecent proposal 'yon di'ba?

Hindi naman siguro, hindi naman siya ambisyosa, sa itsura nito, alam niyang maraming naghahabol dito, at siya? Hindi siya makakahabol,..ng literal.

Saka wala akong balak.

"I need you to agree with me first na tatanggapin no ang proposal ko" sabi nito, tumaas ang kilay niya.

"Hindi naman yata pupwede yan" sabi niya sa malamig na boses.

"But this is big, so I need assurances that you agreed" pilit nito.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon