Chapter 26:Patria's POV:
"Because I'm jealous, Patria... and I don't want any man getting near you" diretsang sabi nito.
Pulang pula naman siya
"Uyyyyy"
Malakas na tuksuhan sa paligid, iniyuko niya ang sariling mukha.
"Ang pwedeng maghatid sa'yo, will be just me, not my brother" sabi pa rin nito.
"P-pollux!" Saway niya dito.
Nahihiyang pinaandar niya ang wheelchair niya paalis.
Dinig na dinig pa rin niya ang tuksuhan sa paligid.
Hiyang hiya at pulang pula pa rin siya.
Naramdaman niya ang pagtulak ni Pollux sa handle sa likod ng wheelchair niya.
"B-bakit mo ba sinabi 'yon!" Pulang pula pa rin siya.
"Why? Are you ashamed of me?" Tanong nitong habang salubong ang kilay nung humarap ito sa kanya at nakalayo na sila paalis sa garden.
"H-hindi naman pero kasi--" hindi nan niya natuloy ang sasabihin dahil biglang bumaba ang mukha nito at pinagpantay ang mukha nila.
"Get used to it, Patria...because whatever we are having now...I'm proud of it." Sabi nito habang titig na titig sa kanya.
Napalunok naman siya.
Tumango na lang siya.
Kahit na medyo demanding ang pagkakasabi nito.
Tulala pa rin kasi siya sa isipin na nagseselos ito.
At para sa kanya.
Nakakakilig iyon.
First time niya kasing nagkaroon ng isang tao na ang gusto ay siya, at nagseselos ito dahil may lalaking lumalapit sa kanya.
Ang lakas lang makaganda.
Pigil niya ang ngiti dahil sa kilig.
Lalo na at kaharap niya ito.
At proud pa daw ito sa kung ano ang meron sa kanilang dalawa, hindi ito mahihiya na--
Ipinilig niya ang ulo.
Hindi, hindi naman nakita ni Pollux ang kapansanan niya.
Kaya wala siyang pakialam sa iba.
"What are you thinking, Patria?" Tanong ni Pollux at napapitlag siya
"W-wala..tara na?" Pag iiba niya ng usapan.
Tumango ito at saka ito ngumiti sa kanya na dahilan kung bakit nagkanda buhol buhol ang hininga niya.
--
Nang nakarating sila doon ay namangha siya dahil sa itsura ng lugar, mas maganda pa ang lugar keysa sa ibang sikat na lugar para sa mga mayayaman at may kaya.
Pakiramdam niya...parang..hindi siya bagay sa lugar?
Ipinilig niya ang ulo niya.
"Patria!" Sigaw ng isang boses.
At nung tinignan niya kung sino ang tumawag ay nagulat siya sa itsura ni Orion.
Ang pormal at mukhang kagalang galang ito.
May nakasunod ditong tatlong tao.
Naka three piece suit ito, ayos na ayos ang buhok, may shades ito, at nakapamulsa itong naglalakad palapit sa kanila ni Pollux.

BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Pollux (Completed)
RomantizmPollux, the man with so much passion about being perfect, why not? He was known by his perfect looks and perfect life, he's the perfect description about with women's 3 F's: Face value. Fat bank account. Fat c*ck. Those characteristics weren't from...