2

45.1K 1.2K 37
                                    


Chapter 2:

Patria's POV:

Bumuntong hininga siya habang tinitigan ang damit niya na nasa sahig.

Naiinis siya, hindi dahil nahulog iyon, pero dahil wala din kang mangyayari ung magmumukmok siya para sa isang maliit na bagay.

Tinignan niya ang mga paa.

Ilang taon na din simula noong naaksidente siya, na siyang dahilan at bakit ngayon ay hindi siya makalakad.

Noong ipinadala siya papunta sa europa para makapag isip kung anong ang gagawin niyang strategy para sa ballerina

Yes, isa siyang ballet dancer.

Pero dahil sa aksidente, namatay ang Mama niya na mag isang itinaguyod siya noong iniwan sila ng Papa niya sa Amerika ay bumalik silang dalawa ng mama niya dito sa pilipinas.

Namatay ang Mama niya, habang siya, heto at hindi makalakad dahil sa isang debris na pumalo sa ulo niya nung nag crash ang sinasakyan nilang eroplano.

Ilang linggo matapos siyang mawalan ng malay ay naging mahirap sa kanyang tanggapin ang lahat ng mga bagay.

Namatayan na siya, hindi pa siya makalakad.

Sabi ng mga doktor, muntik na daw siya mamatay pero dahil nawalan ng saglit ang hangin ang utak niya, kaya naman ang resulta, hindi niya maigalaw ang buong dalawang paa niya at binti.

Kaya naman nasa wheelchair na lang siya palagi, sabi ng doktor pwede pa siyang makalakad pero mahihirapan pa rin siya.

Kaya naman dala ng depresyon sa nangyari nawala siya ng pag asa sa buhay.

Hanggang sa naalala niyang wala na siyang kamag anak na pwedeng mag aalaga sa  kanya.

Bumuntong hininga siya at dumukwang para kumuha ulit ng damit, ilang saglit at nakakuha na siya ng mga damit niya,

Tinignan niya ang sarili sa salamin nung natapos siyang magbihis, hirap siyang magbihis sa totoo lang, lalo na ang pagligo.

Pero ayaw niyang kumuha ng isang katulong para tulungan siya, baka ano pa ang gawin sa kanya dahil naging imbalido siya.

Dahil sa nakakagawa na siya ng pangalan niya sa  dati ay naiimbitahan na siya dati sa mga events para magperform sa Europe.

Kaya naman ginamit niya ang pera na yon para sa negosyo niyang flower shop ngayon, sa totoo lang isang malaking sugal sa kanya ang magpatayo ng shop, dahil sa mismong farm na pinapatakbo niya ay hirap na siya.

Lalo na kung magbantay na siguro doon, kaya naman kinuha niya ang anak ng pinagkakatiwalan niyang trabahador niya at ginawang tagabantay iyon.

Nang matapos siyang magbihis ay naabutan niya ang limang trabahador niya sa farm, at tumambad din sa kanya ang itsura ng farm niya.

Proud siyang kahit na hindi siya makalakad ay may nagagawa pa rin siya, iyon ay ang mag alaga ng mga halaman at mga bulaklak.

Maliit lang ang farm niya, ang lupang kinatatayuan ng farm niya ay galing sa mama niya, at ginamit niya ang natitirang niyang pera para ipatayo iyon.

Madami din naman siyang nagiging mga kliyente lalo na  kung kasalan.

Sa susunod na linggo ay magkakaroon ulit ng isang kasal kaya naman siya ang napili ng florist para kunan ng mga bulaklak para sa kasal.

Dahil sa mga nagiging booking ng mga event ay kumikita ang flower farm niya, dalangin niya ay sana lumago iyon para na din sa mga trabahador niya, para sa ikakalaki ng sweldo ng mga ito.

"Good morning po Ma'am Patria" halos magkakasabay na sabi ng mga ito sa kanya, ngumiti siya sa mga ito t saka niya pinihit ang gulong ng wheelchair niya

"Good morning din po" nakangiting sabi niya at agad na tinignan ang mga ginagawang paglalabas ng mga natural na pataba sa lupa ng inilalagay ng mga ito.

"Kumain na po ba kayo, Ma'am?" Tanong ni Aling Saling na siyang pinagkakatiwalaan niya ng lubos, halos ito kasi ang nag aalaga sa kanya.

Lalo na nung nag iisa siya.

Ito din ang iilang tao na hindi nagsamantala sa kalagayan niya , kaya naman halos ituring na siyang anak nito, kaibigan niya ang anak nitong ginagawa niyang bantay sa shop niya.

"Opo" ngumiti siya, hindi niya sinabi na hindi pa siya kumakain dahil ayaw niyang kinakaawaan siya ng ibang tao.

Mas gusto niyang maging independent keysa sa dependent sa mga taong nasa paligid niya.

"Sigurado ka ba anak?" Tanong nito, agad niyang itinago ang nararamdaman niyang gutom.

Hindi niya kayang magluto dahil hindi niya kita at lalong hindi niya abot ang stove.

"Opo naman!" Pinasigla niya ang boses, Bumuntong hininga ito.

"Sige, kung nagugutom ka anak, may inihanda akong gatas doon at mga tinapay, kaya kumain ka pag nagutom ha?"bilin nito tumango siya at pinigilan niya ang sariling huwag maiiyak dahil sa awa sa sarili, at namimiss na niya ang mama niya.

" Sige po" sabi na lang niya at agad na pinihit ang gulong ng wheelchair papunta sa mga Paso na malapit at tinignan ang lupa na 'yon.

Dahil alam niyang may  ibang trabaho pa ang mga trabahador niya ay ginagawa niyang half day lang ang trabaho ng mga ito, kaya pag hapon na eh siya na lang ang tumatapos sa mga naiiwang mga  trabaho.

At laging sa nakagaulian niya ay kinuha niya ang earphones at isinaksak iyon sa tenga niya at agad na pumasok sa tenga niya ang isang classical music na laging iniimagine niyang sinasayaw niya.

Pumikit siya at hinayaan ang sariling mahulog sa eksena sa utak niya na nagpe-perform ulit siya.

Sinabayan niya ang kanya na walang tunog.

Parang kelan lang nagiging sikat na siya ballet pero ngayon, isa na siyang lumpo.

Isang eksena na alam niyang hindi na mangyayari pa, bumuntong hininga siya at nagmulat ng mga mata at tinanggal niya ang earphones.

Pagmulat niya ay nagulat siya nung nakakita siya ng isang lalaking matangkad, medyo payat ang itsura..na may magandang kulay ng green ang mga mata..matangos na ilong ..at full lips ito.

Ang gwapong nilalang.

Parang ngayon lang yat siya nakakita ng ganitong klaseng lalaki sa harapan niya.

Nagtama ang mga mata nila at saglit siyang naguluhan dahil hindi niya ito kilala at bakit nasa harap niya ito.

Magnanakaw ba ito?

Napasinghap siya.

At saka nagpakawala ng isang narinig na matinis na tili.

Akmang papagulungin niya ang wheelchair pero mabilis na lumapit sa kanya ang lalaki at lalo siyang nagwala at nagtitili lalo.

"Wait! Shít! No! Stop screaming!" Sigaw nito sa kanya.

Agad niyang itinulak ang kamay nitong gustong humawak sa kanya.

"Wait a minute! Shít! I was just! Shh!!" Sabi nito at natatarantang tinakpan ang bibig niya, nagulat naman siya at desperadong iinaalis niya ang kamay nito sa bibig niya at hanggang hindi niya alam kung paano, pero sa sumunod na sandali ay nakita na lang niya ang kalangitan.

At ramdam niya ang bigat na nakapatong sa kanya.

At halos hindi siya makahinga dahil titig na titig na siya mga matang light green na parang may brown na kulay sa loob at naramdaman na lang niyang hindi siya makahinga at may mainit na bagay na nakadikit sa mga labi niya.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi siya gumagalaw at tulala lang na pinapanood ang mata na sobrang lapit sa kanya.

Napakurap siya nung ang mainit na bagay na nakapatong sa labi niya ay bahagyang gumalaw.

--

(A:N)

Ai shet hayan na 😱

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon