Chapter 15:
Patria's POV:
"But I'm here Patria, who do you think was the one giving you sponge bath while you're unconscious?" Sabi nito na parang ikinabingi niya.
"A-anong sabi mo?" Pagpapa ulit niya sa sinasabi nito.
Tumawa ito at inilapit ang mukha nito sa mukha niya kaya napasinghap naman siya.
Iniatras niya ang ulo at wala na siyang pakialam kung magkakaroon siya ng double chin.
"I know that you heard me well, flower" sabi nito at napalunok siya nung parang naging mabagal ang pagsasalita nito at parang naging paos iyon.
"S-sinungaling ka!" May halong tiling sabi niya.
Hindi pwedeng nakita nito ang katawan ko! Tili niya sa isip. Hindi ba sinabi nitong si Aling Saling ang nagbibigay sa kanya ng pag aalaga niya sa katawan habang wala siyang malay.
Tama! Sinabi niya 'yon! Kumbinse niya sa sarili.
"Why? I even know that you have a mole on your tummy..two at your waist and a birth on your.." Ito na mismo ang nambitin sa sinasabi nito.
Tumili siya ng malakas.
Alam nitong may birthmark siya sa puson!
Kung ganoon ...
Tumili siya ulit ng malakas.
Wala na siyang pakialam kung marinig siya ng ibang pasyente, at hindi na siya magugulat kung biglang may sumugod ditong security.
"Walanghiya ka! Hayop! Ang bastos mo Pollux! Anong ginawa mo sa'kin ha! Mamboboso kang bwisit ka! Bakit ikaw ang nagbihis sa akin!" Gigil na gigil niyang sabi at saka ito pinag papapalo, na sinasalag naman nito at tumatawa pa, kaya lalo siyang nanggigil.
Mukhang hindi lang sponge bath ang ginawa nito, mukhang ito din ang nakalagay sa kanya ng diaper.
Gusto na niyang umiyak.
"Hey! Wait! Ouch!" Sabi nito habang sinasalag ang palo niya, hiling niya sana nakakalakad siya para masipa niya ito, o makatakbo man lang dahil sa sobrang hiya, galit at awa sa sarili.
Nakita na nito ang katawan niya!
Gusto na niyang umiyak malakas dahil sa nangyari sa kanya.
"Ang sama Pollux, bakit ka ganyan? Kaibigan mo ako at--"
"You're not my friend" biglang putol nito sa kanya, napatigil naman siya sa pagpalo dito.
Tinitigan niya ito.
"A-ano ako sa'yo..." namumulang sabi niya dahil titig na titig din ito sa kanya, ibinaba niya ang tingin
At hindi niya alam kung bakit sobrang kaba ang nararamdaman niya habang inaantay ang magiging sagot nito.
Dinig na dinig niya ang malakas na pintig ng puso niya.
"You're my patient" maikling sabi nito, napakurap siya at natigilan.
Iyong kaba niya kanina, napalitan ng inis, inis para dito, lalo na sa sarili niya.
Pinagalitan niya ang sarili.
Bakit ba ako umaasa?
Hindi niya din alam ang sagot, hindi niya alam kung bakit umaasa siya alam na naman na niyang kaibigan lang ang magiging tingin nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Pollux (Completed)
RomancePollux, the man with so much passion about being perfect, why not? He was known by his perfect looks and perfect life, he's the perfect description about with women's 3 F's: Face value. Fat bank account. Fat c*ck. Those characteristics weren't from...