35 (mild spg)

33.4K 858 17
                                    


Chapter 35:

Patria's POV:

"I love you so much Patria, now I will make you love me and I won't stop" sabi ni Pollux sa kanya habang sapo nito ang mukha niya gamit ang malaking kamay nito.

Make me love him?

Napakurap siya.

Oo nga pala, hindi pa nito alam na mahal niya ito.

Kaya na ba niyang sabihin? Paano na itong sinabi niya na magpapagaling na muna siya at saka na niya ito mamahalin kapag magaling na siya?

"No Pollux" sabi niya at pilit na itinutulak ito palayo sa kanya.

"What did I tell you? Hindi ba sinabi ko, that I won't stop?" Sabi nito at bago pa niya nahulaan ang sumunod na gagawin nito ay itinulak na siya nito sa kama pahiga at mabilis na dinaganan.

Napasinghap siya, lalo na nung naramdaman niya ang matigas nitong katawan na dumikit nang husto sa kanya.

"Now, I really won't stop" sabi nito at impit siyang napatili nung walang kahirap hirap nitong itinaas ang mga kamay niya sa ulunan niya at tinitigan siya nito.

Pilit naman niyang iginalaw ang katawan pero dahil nakadagan ito at walang pwersa ang mga hita at binti niya, hindi siya makaalis.

"Pollux hindi ka na nakakatuwa!" Inis niyang sabi dahil walang wala siya sa lakas nito.

Inipon nito magkabilang kamay niya at gamit ang isang kamay lang nito ay hawak na nito ang mga kamay niya.

Dahil libre ang isang kamay nito, marahang inihaplos nito ang isang kamay sa pisngi niya na siyang nagpatigil sa pagpalag niya.

Napakurap at napatitig siya dito ng diretso sa mga mata.

"I can help you to walk again Patria...huwag no lang akong ipagtulakan palayo..I can't bear it" napalunok siya sa sinabi nito at parang biglang natunaw at natibag ang batang na inilagay niya sa puso at isip niya para makamit ang bagay na gusto niya.

"I can help you..it's not about pity or being me loving you so blind that I can't see your condition, it's me...a man helping the woman he loves, supporting her...giving her inspiration" sabi nito at tinitigan siya ng diretso sa mga mata niya.

Titig na titig din siya dito.

Pakiramdam niya, ang sama niya.

Na ang laki ng kasalanan niya dito...

"Please.. allow me to love you" pakiusap nito at kitang kita niya sa mga mata nito ang kagustuhan na 'yon.

Nangilid ang luha niya sa mga mata.

At agad nitong nakita iyon.

"My flower..I intend to make you happy" halos pabulong at malmabing nitong sabi.

At tuluyan na siyang napaiyak.

"Shhhh! Why are you crying? Is my plea that bad--"

Sunod sunod siyang umiling at binitiwan nito ang mga kamay niya at bahagyang tumayo mula sa pagkakadagan sa kanya.

Nung ginawa nito iyon ay agad siyang bumangon at agad na niyakap ito.

"I'm sorry! Sorry Pollux! Ang sama sama ko ba? Hindi ko kasi alam na baka may dumating at baka bigla ka na lang agawin sa akin tapos baka magustuhan mo siya..takot na takot kasi ako na baka mahulog sa'yo ng husto at baka bigla mo na lang akong iwan kasi hindi ako nakakapaglakad--"

"Shhhh! Hush baby..it's okay.." Pigil nito sa sinasabi niya habang hinahaplos nito ang likod niya pababa at pataas

Tuluyan siyang umiyak na parang bata.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon