Chapter 32:Patria's POV:
"Please don't wait anymore...w-wala ka nang m-mahihintay" halos hindi niya masabi ang bagay na 'yon, ayaw sana niya, pero kinakain na siya ng insecurities at may gusto siyang patunayan sa lahat, na kaya niya kahit niyang tumayo, hindi pa man literal ngayon, pero gusto niya..gusto niyang makaya ang lahat ng walang tulong ng iba.
Iba kasi ang pakiramdam niya, lahat na lang, pakiramdam niya awang awa sa kalagayan niya.
Dati gusto niyang patunayan ang sarili sa hilig niya..ang ballet, pero naagaw iyon ng aksidente, ngayon gusto niyang patunayan na kaya niya.
Titig na titig sa kanya si Pollux, at halos hindi niya kayang tingnan ang nasa mga mata nito.
Puno iyon ng hinanakit..ng katanungan..
"Why? Patria? N-no! I don't believe you! You feel something for me!" Halos pasigaw na sabi ni Pollux, pilit niyang tinatagan ang loob.
Para hindi sumambulat ang iyak niya.
"Yes I f-feel something.. pero h-hindi ko kayang makipag relasyon sa ganitong kalagayan ko, Pollux.. you deserve someone whom you can be proud of.." Pahina ng pahina niyang sabi.
"Shít! Are you kidding me? I'm proud of you--"
"Sa anong paraan Pollux!? Hindi ikaw ang nakatali sa wheelchair na 'yan!" Sigaw niya.
"Don't you have any trust on me?" Tanong nito, napatitig siya dito.
Umiling iling siya.
"Wala akong tiwala sa sarili ko, Pollux.. hindi mo ba ako nakikita? Tingnan mo ako!" Hiyaw niya,at pinipigilan niya ang huwag umiyak habang sinasabi iyon.
Hindi niya alam kung bakit hindi nito nakikita ang sitwasyon niya.
Umiling ito.
"All I see is that, the person in front of me..is the woman I love.." Sabi ni Pollux at hindi na niya napigilan ang pag alpas ng luha niya sa mata.
At tuluyan na siyang napaiyak.
Kitang kita niya ang pamumula ng mga mata nito.
..."and right now, she's hurting...and that's making me hurt..the most" patuloy ni Pollux at agad niyang sinapo ang mukha at malakas na umiyak.
Gusto na niyang bawiin ang sinabi dito kanina..pero paano? Nagsusumigaw ang katotohanan na hindi siya pwede para dito.
"Lumpo ako, Pollux..bulag ka ba!" Hiyaw niya dito, ang sakit pa ring sabihin kahit na matagal na siyang hindi nakakalakad.
"No, When I started loving you.. I didn't even see that you're limping..for me you are perfect" sabi nito at nangilid ang luha niya.
Oo at mahal siya nito, pero parang hindi iyon sapat, hindi sa nagiging selfish siya, gusto niyang pagalingin ang sarili, na mabawi ang nawala sa kanya, hindi lang ang paglalakad niya, kungdi maging ang confidence niya, kung hindi niya mababawi iyon, magiging hindi siya handa sa anuman at kung sino man ang dumating para maagaw sa kanya si Pollux.
Ipapamukha lang ng dadating na kung anuman ang kapansanan niya.
Baka kung mangyari iyon, hindi niya kakayanin.
Ang isa pang pagkawala ng mahal sa buhay ay hindi niya makakaya.
"That's the reason why, Pollux, perfect ako sa paningin mo,..eh ako? Hindi! Ni hindi ko alam kung makakalakad pa ako!" Pinaalis niya ng marahas kuha sa mga mata niya.
"We will do everything Patria--"
"Paano kung may dumating?" Putol niya at tinanong ito, kinapa niya ang nararamdaman... takot at pangamba ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Pollux (Completed)
RomancePollux, the man with so much passion about being perfect, why not? He was known by his perfect looks and perfect life, he's the perfect description about with women's 3 F's: Face value. Fat bank account. Fat c*ck. Those characteristics weren't from...