40

26.1K 749 9
                                    

Chapter 40:

Patria's POV:

Kakasimula pa lang at ilang minuto pa lang nung nagulat siya nung biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Pollux na may hawak ng bags ng groceries.

"Patria, I'm sorry, traffic kasi--"

"Papa P? Ikaw ba 'yan!" Tumili ang babae at bago pa niya mapigilan ang babae ay agad na kumapit at agad na niyakap ito ng babae.

Napakurap siya at sinundan ng tingin ang babaeng parang anaconda kung makalapit kay Pollux.

Pakiramdam niya lahat ng parte ng katawan niya ay kumulo dahil sa galit na nararamdaman niya.

"Hey wait! What the hell--!" Narinig niyang sabi ni Pollux at pilit na inaalis ang kamay ng babae na nasa batok nito at pilit na hinahalikan at inaabot ang labi ni Pollux.

Ang labi kung saan sinasabi ni Pollux na mahal siya nito...sa labing nagbibigay sa kanya ng matamis na halik...

Natabunan na ang lohikal niyang pag iisip dahil sa galit at selos na nararamdaman niya, gustong gusto niyang tumakbo at sipain ang babae.

Gusto niyang sipain ang mga kamay nitong nakakunyapit sa batok ni Pollux.

Dahan dahang iniupo niya ang sarili at wala na siyang pakialam kung ano pa ang mangyayari sa kanya or kung mahuhulog siya.

Dumilim na nang tuluyan ang mundo niya nung nakita niyang hinawakan na ng babae ang mukha ni Pollux at dumikit na ang labi ng babae sa labi ni Pollux.

Parang ang naging paningin niya ay naging isang butas na maliit at parang wala na siyang ibang naririnig.

Ang alam niya, tumili siya.

Pagkatapos niyon ay tuluyan nang humalagpos ang natitirang katinuan niya dahil bumalik lahat sa kanya ang sakit, ang sobrang sakit nung nakita niyang hinawakan at hinahalikan si Pollux ng iba.

Gusto niyang maibsan ang sakit at bigat sa loob niya, kaya naman parang pinapanood niya ang sarili sa malayo na parang lahat ng nakikita niya ay ibinabato niya.

Parang ang nagaganap sa kanya ay biglang bulusok sa kanya ng realisasyon na kailanman, hindi siya magiging bagay kay Pollux.

Na magiging mag isa na siya sa buong buhay niya, na walang kasama dahil iniwan siya ng mama niya...at ngayon si Pollux.

Gusto niyang tumakbo.

Lumayo sa lugar 'to.

"PATRIA!"

Isang malakas na sigaw ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyang oras.

Doon na lang niya nakita si Pollux na hawak hawak siya sa magkabilang braso at parang niyugyog yata siya.

"Jesus! Are you okay!" Sabi ni Pollux at niyakap siya, ramdam niya ang init at matigas na katawan nitong nakadikit sa kanya.

Unti unti ay nakita niya ang buong paligid at kitang kita niya na magulo ang paligid, nasa sahig siya...yakap siya Pollux, at may paa siyang nakikita...dahan dahan niyang itinaas ang paningin at nakita niya ang babae.

Hawak nito ang ulo.

Kita niyang parang may sinasapo ito.

At may dugo.

Dugo?

Napasinghap siya dahil dumating ang realidad sa kanya...

May dugo ang babaeng humalik kanina kay Pollux, sa gilid ng ulo ang sugat na iyon dahil may tela ang gilid ng ulo nito.

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon