17

29.3K 872 15
                                        

Chapter 17:

Patria's POV:

"You're saying that...I don't have any chance on you?" Sabi nito at para itong hindi makapaniwala na tinitigan siya.

Napakurap siya.

Agad niyang tinimbang ang sarili, oo at aaminin niyang may nararamdaman siya ditong atraksyon pero dapat ba 'yon para makipag relasyon siya?

At ito? Sinabi nitong gusto siya nito, dapat ba nitong sabihin iyon kung may ibang babae na ito sa buhay nito?

"Y-yes"nauutal na sabi niya.

Kitang kita niyang natigilan ito.

"W-why?" Tanong nito, at kumurap ito ng ilang beses at parang pinipigilan nito ang sarili nito? Saan?

"K-kasi may g-girlfriend ka--"

"Who told you that I really have?" Agad na sansala nito.

Napatingin naman siya dito at kumunot ang noo.

Hindi ba nito aaminin na may espesyal nang babae sa buhay nito?

Nagsinungaling ba ito sa kanya?

"Ikaw mismo ang nagsabi when you bought flowers from my shop--"

"Every son describe their mothers as a special woman in their lives" sabi nito at saka natawa ng bahagya.

Kumunot naman ang noo niya.

"Liar" akusa niya dito, tumaas ang isang kilay nito at saka nito inilabas ang cellphone nito, nakalipas ang ilang sandali ay nagulat siya nung iniharap nito ang cellphone sa sarili nito.

"Hey mom, have I told you that you are the most special woman on my life?" Sabi nito sa kausap at nanlaki ang mga mata niya nung nakita niyang isa iyong video call!

Kausap nito ang mama nito!

Agad na sinalihan siya ng nerbiyos at kaba.

At hindi niya alam kung bakit at ano ang purpose ng kabang iyon.

"Of course, lagi mo kasing sinasabi 'yan" dinig niyang sabi ng boses ng isang babae na medyo mababa ang boses.

Tinignan siya ni Pollux na parang sinasabi na 'see? Told you so'.

"You see mom-- do you remember the one conversation of me and dad about a woman?" Sabi ni Pollux at agad na bumilis ang tibok ng puso niya.

Sandali lang muna Patria, huwag kang umasa, huwag munang ambisyosa.. Paalala niya sa sarili.

Pero agad na may bumangon na inis sa dibdib niya dahil baka ibang babae ang sinasabi nito.

"Oh..iyong nahuli ko kayo ng daddy mo?" Narinig niyang.

Tumayo saglit si Pollux mula sa hospital bed niya.

Siguro mahina ang signal--

"Apparently, the woman I was telling you is just mere inches away from me and she's thinking that you are my girlfriend" sabi nito at napasinghap siya ng malakas.

Magkahalo ang nararamdaman niya.

Saya, nerbiyos, hiya at... takot?

Masaya kasi siya ang sinasabi nitong babaeng ikinukwento nito sa magulang nito.

Nerbiyos kasi bigla na lang nitong sinabi sa mommy nito na katabi siya nito ngayon, at niyang hiya siya!

Nahihiya siya dahil sa dalawang bagay, hiya dahil bigla nitong tinawagan ang mommy nito!

Perfect Imperfections: Pollux (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon