Chapter 28:
Patria's POV:
Walang ganang umupo siya sa kama niya habang nakatingin sa kawalan.
Kakagising lang niya pero parang wala siyang tulog.
Ang bigat ng pakiramdam niya.
Iyong pakiramdam na parang masakit pa rin pero parang wala nang laman?
At parang wala siyang gana.
Bumuntong hininga siya at humiga pabalik sa kama niya.
Ano bang ginawa niya buong magdamag?
Ang nag iiyak at nag iisip.
Natawa siya ng pagak.
Tama, nakita niya si Pollux na may kahalikan at kayakapang babae.
Agad na bumalik ang sakit na nararamdaman niya.
Nangilid ang luha niya sa mga mata.
Ang lalaking akala niya hindi siya masaktan gaya ng mga sinabi nito.
Pero ngayon ito na mismo ang nagbigay sa kanya ng ibayo at sobrang sakit sa dibdib.
Napapitlag siya sa malalakas na katok mula sa pinto.
"Patria! What are you doing there! Are you there!" Sigaw ng isang tao labas.
At alam niyang si Pollux 'yon kahit hindi niya buksan dahil sa boses.
"What happened? Why you suddenly went home without me?" Narinig niyang sigaw nito.
Lihim siyang nagpasalamat kay Orion dahil wala pa itong sinasabi kay Pollux.
Hindi niya pinansin iyon, gaya ng ginawa niya kagabi.
Desidido na siyang iwasan ito.
Kahit na masakit.
Sana makaya ko.
Pero paano? Iiwasan niya ito, tama iyon ang napagdesisyunan niya, pero paano kung ito ang photographer niya?
Kaya ba niyang tumingin dito ng hindi makikita sa picture na lalabas?
Anong gagawin niya?
Hindi pwedeng umatras siya.
May kontrata na, at kailangang makapagpagamot siya.
Natigilan siya.
Ano na nga ba siya bago niya nakilala so Pollux?
Isa siyang babaeng walang pakiramdam, at malamig ang ipinapakitang mukha at ugali.
At iilan lang ang nakakaalam ang totoong siya.
Hindi niya napapansin na nagbalik na pala ang dating Patria, iyong bago ang aksidente.
Hindi niya namalayang naibalik na pala ni Pollux, ang dating siya.
Pero parang ibinabalik na din nito ang masamang ugali niya sa taong hindi niya kilala.
"Patria!"
Bumalik ang kamalayan niya sa kasalukuyan sa tawag ni Pollux sa pangalan niya.
Ayaw na muna niyang harapin ito.
Parang hindi pa niya kaya eh.
Baka bigla siyang umiyak kapagka nagtama ang mga mata nila.
At baka manumbat siya.
Pero wala pa kasi siyang karapatang manumbat, hindi niya binigyan ng pagkakataon ang isa't isa, at hindi niya alam kung maipagpapasalamat niya iyon.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections: Pollux (Completed)
RomancePollux, the man with so much passion about being perfect, why not? He was known by his perfect looks and perfect life, he's the perfect description about with women's 3 F's: Face value. Fat bank account. Fat c*ck. Those characteristics weren't from...
