Chapter 26: Nurse
Carmela's POV
Maaga akong nagising para magluto ng soup at naligo kasi may lakad ako. I wore a pink sleeveless crop top and high-waisted pants. Inasar pa nga ako ni Mama dahil pupunta ako sa kanila e! Sabi baka raw may mangyari sa'min ay sasapukin niya raw talaga ako! Papalayasin daw ako rito sa bahay. Para siyang walang tiwala sa'kin! My god, Ma! I'm not ready for mature roles! Joke.
Nag-taxi nalang ako at mabilis na akong nakapunta doon. I asked Kyle for his address. Maski sila ay inaasar din ako! Jaeden is fine, nakakagago na uli 'yung ugali niya! Nang makarating kami sa subdivision nila, agad akong nakaramdam ng kaba pagkababa ko ng taxi. May pagka-weird lang 'yung driver dahil tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Ganda ko ba, kuya? Joke uli.
Pagpasok ko nakasara lahat ng ilaw, at nararamdaman ko lang 'yung ugong ng aircon galing sa kwarto ni Nash. Napangiti ako nang makita ko 'yung picture frames na nakasabi pati na 'yung mga nakalagay sa shelf. Ang cute niya nung bata, ha, infairness. Natawa ako doon sa picture niyang nakanganga dahil nagagalit siya.
Bago ako pumasok ay nagluto muna ako ng soup. He has a fever and for sure, he hasn't eat anything yet. Tamad 'yon, damay pa na may sakit edi lalong tatamarin 'yon.
"Nash?" Tanong ko, pinapasok ko nalang 'yung sarili ko sa kwarto at nakita kong tulog siya. Baliw talaga 'to! Sabi maaga ta's tutulugan lang pala ako? Edi sana pala mamaya pa ako pumunta! Badtrip.
Hinawakan ko 'yung leeg at noo niya at napaso ako sa sobrang init. Nagmadali akong kumuha ng basin na may maligamgam na tubig at towel. Hindi ba 'to tumayo simula kagabi at hindi pa rin bumababa temperature niya? Tinutusok-tusok ko 'yung braso niya at tamang ungol lang ang natanggap ko.
"Nash! Gising na! At pupunasan kita. Nandito ako para maliwanagan na at hindi maging nurse!" Sigaw ko sa kanya na ikinagising niya. Hinampas ko siya ng malakas kaya napabalikwas siya sa kama at naupo. Sumadal siya sa pader at nagkakamot ng mata samantalang ako ay nakaupo sa higaan niya.
"Why so loud?" Pag-angal niya. I glared at him and he just chuckled. Tumayo lahat ng balahibo ko nang marinig ko 'yon. It wasn't just a chuckle! It was a sexy chuckle!
"Uh... B-bilisan mo at p-punasan na kita. U-umayos ka." Damn! I can't help but to stutter! Tangina! Ano ba kasing meron dito sa lalaking 'to at hindi ko mabitaw-bitawan kaagad 'yung nararamdaman ko sa kanya. Shit, napakarupok ko!
Umusod siya papunta sa'kin. Pinunasan ko na siya sa leeg niya at sa noo at napapansin ko siyang nakangiti sa akin. Inirapan ko lang siya. "Bakit ganyan suot mo? You keep turning some boys's necks. Bakit ganyan?" He asked out nowhere looking at my outfit nang makatayo ako.
"Pakialam mo? This is my outfit! Maghubad ka na at punasan mo sarili mo!" Sabi ko. Tinignan niya lang ako at bumuntong hininga ako dahil alam kong mag-iinarte nanaman 'tong tukmol na 'to. Napailing ako at muling lumapit sa kanya.
Hinawakan ko palang 'yung dulo ng tshirt niya ay nagsalita siya. "Are you sure you wanna do this?" Nang malaman ko ang ibig niyang sabihin ay binatukan ko siya at natawa na lang siya. Hinubad ko 'yung tshirt niya at sunod-sunod ang naging paglunok ko nang makita ko 'yung abs niya, shit! Six pack abs. Lord, pwede bang lamunin na ako ng lupa?
"'Wag mo ng titigan, ibibigay ko rin 'yan sayo sa tamang panahon." Sabi niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya. "Alam mo tangina mo," sigaw ko sa kanya.
Sinimulan kong punasan 'yung braso niya habang nakatingin sa pader. Holy cow, my virgin eyes! Narinig kong tumatawa-tawa pa siya kaya nong diinan ko ang pagpunas ko ay napadaing siya sakit. Natawa ako at sa kasamaang palad ay nagtama ang mata namin. Ako rin ang unang umiwas dahil bigla siyang ngumisi.
YOU ARE READING
Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)
Teen FictionHEARTTHROB SERIES #1 Carmela Alcantara, a typical high school student, experienced being linked with the campus heartthrob of Xien Academy. She is a straight honor student from elementary with her mother, brother, Cali, and her friends at her side...