Chapter 4

3.6K 150 47
                                    

Chapter 4: Kilig much

Carmela's POV

"'Nak! Gising na!" Sigaw ni mama sa baba, inayos ko na 'yung higaan ko at bumaba, nakaka-engganyo kasi yung amoy ng bacon, inaakit na naman ako! "Ma, small bag lang kami ngayon, at civilian may culminating activity po kasi kami, emcee po ako." sabi ko kay mama, hinimas niya yung buhok ko kaya natuwa naman ako.

After twenty minutes, okay na ako, nakabihis na at naglakad na papuntang sakayan, naka-black t-shirt ako at leggings, at nakawhite na shoes, dinala ko na din yung maroon na backpack ko. Nagdala lang ako ng pampalit at pera at yung phone ko. Mga fifteen minutes akong nakapunta sa school, at pagpasok ko nakasalubong ko si Nash. Jusko naman, bakit ngayon pa? Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, at ganun din ang ginawa ko, pero what the fuck, bakit pareho kami ng suot? Bakit? Naka-black din siyang t-shirt at pants, tapos naka-white na rubber shoes? Wait, teka, saglit, bakit?

"Uh, kita na lang daw ang mga emcee sa Physics lab. Doon daw lahat." sabi ko, tumango lang siya at umalis. Pucha, wala man lang bang "ah sige"? Tumango lang tapos umalis? Napaka-snobber! 'Kala mo famous! Sinalubong ako ni Malia sa hallway at tinignan ako, alam niyo 'yung tinging suspicious or naninigurado, ganun? 

Nag-vibrate 'yung phone ko at laking gulat ko nang nag-message sa akin si Jasper, 'yung bestfriend kong nag-deactivate ng account niya tapos ngayon lang nagbukas. He's also a senior, tropa rin nila Nash pero dahil magkaiba sila ng section, hindi sila gaanong nagkakausap. Pero pagdating naman sa recognition, magsasama 'yung dalawang section.

King Jasper
• active now •

Pssssssst!

Yow? Buhay pa pala account mo?

Grabe naman 'to! I will
always comeback kaya!

Joke lang, kamusta?

Tagal nating 'di nag-usap.

E nasa outer space
account mo e.

I miss you, panget!

Harot mo pa rin.

I miss you too.

Bestfriend nga kita!

Since when?

10 ka? Tapos 13 ata ako?

Yes naman tanda niya.

Syempre. Ako pa ba makakalimot?
Baka matalas isip nito! Kaya nga
naging crush mo 'ko diba?

Anyways, #MATCHY!

Matchy?

Kayo ni Nash hahaha! Kilig ako ha!
Sana all may ka-couple outfit!

Share mo lang ha? Go die!

Mamimiss mo ang
pinakapogi mong bestfriend!

Asa. Ew.

K!

Pagkalapag ko ng gamit ko, si Kuyang Grade 11, si Kyle, tinawag ako. Ano? Bakit kaya? Nakakagulat 'yun, as in ang weird niya kasi tititigan ka niya, tapos biglang tatawagin. I mean, sanay naman na ako pero may weird talaga sa mga tao ngayon sa academy lalo na sa mga babae! Is this because I got partnered with Nash as emcee for this year's Foundation Day?

"Po?" sabi ko pagkalapit ko sa kanya.

"Okay ka lang?" sabi niya sa akin. Sana all ganito 'no? I'm not fine! Of course! Ang tatalim ng tingin sayo ng tao! It's like people are throwing daggers at you because of their jealousy! Jealousy really sucks! But I don't get the idea of people being jealous even if they don't own that person! Obsessed kayo girl?

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now