Chapter 28

1.8K 77 24
                                    

Chapter 28: Alien's Special Day

Nash's POV

Ang hirap talaga niya intindihin! Nakakainis! Pero hindi ako susuko. Pero 'di ko pa rin mawari kung bakit ayaw niya akong kausapin siya? Anong trip niya? Si-neen lang niya ako sa messenger e. Buti hindi pa ako na-block. It's my birthday today and ayaw kong i-celebrate 'yon na magkaaway kami!

Chubs
• active now •

Carmela!
✔ Seen 8:30

Uy!
✔ Seen 8:30

Pansinin mo naman ako!
✔ Seen 8:31

Uyyy! Sorry na! Why are you
avoiding me? Wala naman
akong ginagawa sayo?
✔ Seen 8:31

Wow, seen lagi! Come on,
talk to me!
✔ Seen 8:31

Huyyy, 'wag ka nang
magselos.
✔ Seen 8:32

Huyyyy! Carmela!
✔ Seen 8:33

Mahal kong beast!
✔ Seen 8:34

Huyyyy!
✔ Seen 8:34

Come on, talk to me!
✔ Seen 8:35

Sorry na!
✔ Seen 8:36

Sorry, si Trixy 'to. Girlfriend ni
Cali, well, used to be.

Ate? Ay nasaan po si
Carmela?

Nasa hospital kami.

Bakit po?

Dinala namin siya, duh.

Ano pong nangyari?

Bigla nalang siyang
hinimatay.

What? Is she okay?

Nakauwi na kami. Nahilo
lang siya.

Sige po, punta na po ako.

Ay mabuti nga, at gusto ka raw
niyang kausapin.

What? For real?

Oo nga, hahahaha! Bilisan mo.

Talaga? Gusto niya akong kausapin? Damn shit! Are we good na kaya? Alam kaya niyang birthday ko ngayon? Sana okay na kami. Nagmadali akong magbihis at mag-ayos ng damit. Ilang minuto ako naka-tingin sa nakalatag na mga damit sa kama. Hindi ko alam kung anong isusuot ko! I chose to wear a sky blue tshirt and maong shorts. I also got my cap. Pero bago ako makalabas, nag-vibrate 'yung cellphone ko.

From: Mom
Hi son! Happy birthday! I'm sorry we can't be there.

Nag-type agad ako ng sagot.

To: Mom
It's okay. I'm used to it.

Call me whatever you want. Pero simula noong thirteenth birthday ko, lagi na silang wala kaya nasanay na rin ako. Minsan nga naisip ko kung alam nila 'yung ginagawa ko sa Mistaken Five tsaka kung mayroon pa rin ba akong parents. Nag-taxi nalang ako papunta sa kanya at nagulat ako sa kakaibang aura pagdating ko sa bahay nila. May iba talaga e. Agad bumuhos sa'kin ang kaba at takot pero pumasok na rin ako.

[Now Playing: I'm Yours - Jason Mraz]

Pagpasok ko, tumugtog ang I'm Yours ni Jason Mraz pero nakasara lahat ng ilaw. Napako ako sa kinatatayuan ko hanggang sa may kamay na gumagapang sa mukha ko at tinakpan 'yung mga mata ko.

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now