Chapter 6

3.1K 136 27
                                    

Chapter 6: Big Preparation feat. Ms. Unan

Carmela's POV

Gabi palang ay nag-ayos na ako ng susuotin ko and nagulat ako nang pagdating ni Mama ay may dala siyang gown? Oo gown na pagkalaki-laki. Ito ata 'yung sinasabi niya nung nakaraan na pinagawa niya kaya natagalan siya umuwi. Napangiti ako sa kanya. She never fails to make me happy. She's so supportive! And that's one of the reasons why I love my mom!

Actually, white gown siya. Buti nalang marunong akong magmake-up para ayusan ko ang sarili ko bukas. Thanks to Lia, tinuruan ako mag-make up last summer. She spent one week here in our house just to teach me! She's the best.

"Nak tulog ka na, bukas lalaban ka pa sa Badminton at Math Trail. Have your beauty sleep na." sabi ni Mama sa akin. Beauty Sleep? 'Di naman ako maganda? Pinatay na ni Mama 'yung ilaw kaya natulog na ako. 4:00 pa ako gigising bukas at hanggang ngayon, curious pa rin ako kung sino ang magsasayaw sa'kin sa JS or should I say kung may magsasayaw sa'kin doon.

Tumunog na 'yung alarm kaya nagising na ako. Umalis na pala si Mama kasi may importante siya pupuntahan. Hindi ko 'yun alam at wala akong balak tanungin 'yon. She always says kung saan siya pupunta pero ngayon baka private o hindi pa siya masyadong handa na sabihin kung tungkol saan 'yon.

Nakita ko nalang sa lamesa 'yung corned beef at yung Milo ko at may nakalagay sa baso na "Good Luck!" I smiled and started to eat. Maraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Will I win the competitions? Will I survive my first JS Prom here in Xien!

Naligo na ako at nagbihis, sinuot ko nalang 'yung black tshirt ko at nag-hood na rin ako. Tapos nag-pants. Puro competition lang naman ngayon tapos mamaya 'yung prom. And kinuha ko na rin 'yung mga raketa ko. I'm sure I can finish this day without getting sad? Can I?

Nag-commute na ako at mga forty minutes ako nakarating sa school. Pagdating ko roon naka-ready na 'yung net tsaka 'yung sa Math Competition. Dumaan muna ako sa garden at biglang may humila sa akin sa isang masikip na lugar, sino 'to? Pero amoy palang kilala ko na. Hay, miss niya na naman ako kaagad!

"Carmela!" Gulat sa akin ni Kuya Jaeden.

"Yow?" tanong ko. Inayos niya 'yung buhok ko at yung bangs ko. Affected 'to much sa personal appearance ko, ano nag-aalala siya? Galing naman.

"Goodluck, sa mga laban mo mamaya! Ayieee. Haha!" sabi niya. Nasiraan na talaga 'yon ng bait. Magsasalita na sana ako nang magsalita siya ulit. "Alam ko namang goodluck ko lang ang inspirasyon mo ngayon kaya ayan binigay ko na sayo!"

Nasa room na ako at pagpasok ko ay tinititigan ako ng mga kaklase ko. Again? Deja vu lang noong Thursday? Napangiti ako kay Lia at akmang uupo na sa tabi niya biglang may sumigaw sa labas. Napairap tuloy ako, uupo palang ako oh! Respeto naman!

"Badminton players single girls, pumunta na sa area!" sigaw ni Sir Troy sa labas gamit 'yung isang megaphone. Pumunta na ako dun pero kinakabahan ako. Walong beses na ako pinanlalaban sa badminton at Champion ako lagi, pero ba't ako kinakabahan? Marami ring nanonood at sanay na ako pero I really get this chills! Feeling ko may isang nanonood na hindi ko ine-expect.

Bago magsimula, pumunta na sa area namin sila Nash, Jaeden, Jasper, at Kyle kaya mas lalo akong kinabahan kasi grabe 'yung mga 'yun mang-asar! Bawat galaw ko pinagmamasdan nung tatlo maliban kay Nash tapos pagtitripan nila ako after ng game! Kaya minsan ayaw kong nanonood 'yung mga 'yon e!

"Start! Carmela sayo ang serving!" Sabi ni Sir. Buti nalang akin yung serve. 

Habang naglalaban kami ay sigaw ng sigaw si Jaeden ng "Go Carmela! Bespren ko yan!" nakakahiya sa totoo lang. Halos karamihan ng kababaihan ay napalingon sa gawi nila at nagtilian. Ay jusmeyo, lagi nalang silang tinitilian ng mga babae! Imbis na 'yung rally namin dito sa badminton 'yung sigawan, silang mga heartthrob pa!

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now