Chapter 39: Graduation Ball
Carmela's POV
Maaga akong pinauwi ni Mommy at si Tita Isha para maayusan ako. Ngayon lang ako magsusuot ng black skater's skirt at white long sleeve crop top. Nilagyan din ako ni Tita ng brown higlights ang buhok ko. And god! Permanent na raw 'yon! Well, keri ko naman dahil dark brown ang buhok ko. Natawa nalang ako nang makita ang sarili ko sa salamin. Pucha, buti nalang talaga at gumaling kaagad 'yung pasa ko sa binti! Kitang-kita pa naman 'yon dahil maputi ako!
Pagpatak ng 5:30, nagpasabay ako kay Kenneth at pagkakita palang niya sa akin, napanganga siya sa itsura ko. Well, alam ko namang maganda ako. Pupunta lang naman ako dun dahil sa invitation nila. Pero kung papipiliin ako, ayaw ko munang gumalaw-galawa. Kaya goodluck sa'kin mamaya.
"You look stunning," ani Kenneth na nginitian ko lang.
"You look handsome!" I shouted at him. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Ngumisi lang siya at tumitig sa'kin. Nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at napaatras siya.
"Matagal na, babe."
"Oh hala gago, anong babe!"
"Baboy kasi! Bingi mo!"
"Ah okay, bwisit ka!"
Pinagbuksan ako ni Kenneth ng pinto sa kotse niya. Wow, gentleman, anong nakain nitong lalaking 'to? Napaka-complicated talaga nila! Kaya naaalala ko sa kanya si kuya Cali eh!
Hi kuya, ayon, totoo nga sinabi mo. Nandyan sila lagi para protektahan ako. Kamusta ka na dyan? Ilang linggo na rin magmula nung nawala ka. Miss na kita, bwisit ka. Paramdam ka naman oh— ay joke! Matatakutin ako! 'Wag na pala!
Pagdating namin sa school, hinawakan ni Kenneth 'yung kamay ko. Nagpupumiglas ako pero wala, ang tindi ng pagkakahawak niya sa akin. Siraulo talaga 'to kahit kelan! Tuloy! Pinagtitinginan kami! Mabuti nalang talaga at nakasilong kami dahil biglang bumuhos ang ulan.
Pagpasok namin sa isang catered room na malaki may nag-text sa'kin. At bakit ako pupunta doon gayong umuulan na? And damn! Wala akong dalang payong! Tanging ang pouch ko lang ang bitbit ko!
From: 0954326****
Carmela, go to the parking lot! Now!Naghintay ako ng ilang minuto at lumabas dahil humihina naman na 'yung ulan. Pumunta na ako dun pero wala pa rin. Wala namang tao! Anong pakana na naman 'to? Nakakainis! Lagi nalang akong pinagtitripan! Pagtalikod biglang may humatak sa akin at pagkatingin ko si Jaeden lang pala.
"Carmela! Ba't ka ba nandito? Kanina ka pa hinahanap dun!" Sabi niya sa akin kaya tumakbo na kami papasok dun sa hall.
Sumalang na ako sa stage habang kumakain na 'yung iba. Kaya pala sinabihan na kumain na kami dahil hindi pala kami makakakain dito. Punyeta! Anong tingin nila sa amin? Hindi nagugutom?
Pagkatapos kumain, pinakilala na kami nung emcee namin, pwede na raw magsayaw o socialization, tapos kung ano ano pang pwedeng gawin, kaya sinenyasan na kami ni Kenneth na kumanta.
[Now Playing: In the Name of Love- Martin Garrix & Bebe Rexha]
Sinimulan ko ang pagkanta. May iilang napatingin sa'min. Si Nash naman ay diretsong nakatingin sa'kin. Nako konti nalang talaga iisipin ko na gusto nang magpakasal sa'kin ni Nash!
"If I told you this was only gonna hurt
If I warned you that the fire's gonna burn
Would you walk in?
Would you let me do it first?
Do it all in the name of love
Would you let me lead you even when you're blind?
In the darkness, in the middle of the night
In the silence, when there's no one by your side
Would you call in the name of love?"
![](https://img.wattpad.com/cover/142078284-288-k595291.jpg)
YOU ARE READING
Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)
Ficção AdolescenteHEARTTHROB SERIES #1 Carmela Alcantara, a typical high school student, experienced being linked with the campus heartthrob of Xien Academy. She is a straight honor student from elementary with her mother, brother, Cali, and her friends at her side...