Chapter 37

1.5K 81 32
                                    

Chapter 37: Miracle

Nash's POV

Hawak hawak ko ang kamay ni Carmela habang nasa ambulansya kami. Thank God, she's still alive. Sabi sa amin ng nurse, they'll do everything para mailigtas si Carmela. Pero nananalig pa rin ako na 100 percent na makakaligtas siya. Nakaupo ako sa tabi niya at naluluha nalang sa kalagayan niya

"Carmela, hold on, please. Don't leave me." Pagmamakaawa ko sa kanya habang madaming naka-connect na kung ano-ano sa katawan niya. Gusto kong hawakan ang kamay niya pero nang makarating kami sa hospital ay pinigilan na ako sa pagpasok. Naka-wheelchair ako ngayon kahit kaya ko naman nang maglakad. Medyo masakit pa rin ang ulo ko pero masaya na rin ako na hindi na-damage 'yon ng malala.

Naiwan kaming lahat sa labas ng Emergency Room habang naghihintay. Dumating na rin sila Tita Ayra at Tito Ken at tinanong sa amin ang nangyari. Sinabi namin ang lahat at naintindihan nila. Hindi mapakali si Tito Ken at tumawag ng pulis. Nandito na rin ang magulang ng mga kaibigan ko at pare-pareho silang nag-uusap.

"Thank you, Nash. Thank you..." Paulit-ulit na sabi sa'kin ni Tita Ayra.

"It's okay, tita. It's finished. Thank you for trusting me, ma'am, sir." I said looking at the both of them. Ngumiti sila ng tipid sa'kin at nagpunta na 'ko sa tabi ng mga kaibigan kong mukhang wala sa sarili.

Pagdating ng pulis dun kinausap niya ito at iniwan kami. Please Carmela, lumaban ka. Parang awa mo na. Please. Lumabas 'yung doctor at sinalubong naming lahat. Hindi maipinta ang mukha niya. Hindi rin ganon kagaan ang mukha niya kumpara kay Doc Gerio na humawak sa'min dati. Fuck! I am really nervous, bigtime.

"Doc! Ano pong nangyari sa anak ko?" Tanong ni Tita Ayra na kanina pa umiiyak. Dinaluhan ito ng mommy ni Lia at hinagod ang likod. Diretso lang nakatingin si Tito Ken sa pader, walang emosyon sa mukha niya.

"Natanggal namin 'yung bala kaso..."

"Kaso ano?" Pagputol ni Lia. I am pissed! Why do every doctor keeps a suspense line everytime! Hindi nalang nila diretsuhin sa mga tao kung ano na bang kalagayan ng pasyente! 

"She's in a state of coma. Her legs are fine. Hindi naman masyadong severe. If she doesn't wake up within 48 hours... I'm so sorry, Mr. and Mrs. Alcantara." Sabi nung doctor at umalis. Agad akong nanghina sa narinig ko. Nagulat silang lahat sa biglang pagsuntok ni Kenneth sa pader. "Tangina!" Pagsigaw niya hindi pinapansin ang ibang tao rito.

Wait what? Comatose? At pag 'di siya nagising, patay na? No! Hindi 'to pwede! Kailangan naming magpakatatag para kay Carmela dahil alam kong kahit maliit lang na pagkakataon, babangon siya at makikita pa namin ang pagngiti niya. Humagulgol sa iyak si Lia at yumakap kay Tita.

Nanghihina na ako sa kakaisip kung magigising ba si Carmela o hindi. Bukas, recognition na namin at grad ball sa gabi. Casual naman ang suot, handa na ang mga suot namin. Pero bakit? Bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit hanggang ngayon ngayon binabangungot pa rin kami ng kahapon?

Pumunta ako sa chapel at lumuhod sa harap ng altar. Nanginginig pa ako at hindi napigilang umiyak. I need to be strong. I'm physically okay but I'm emotionally shattered. Seeing her lying in a hospital bed, comatosed, is the biggest heartbreak I could ever imagine.

"D-Diyos ko, alam ko pong naging masama akong anak sa inyo pero please, kahit ito lang. Please give her a chance to live. Mangangako ako na wala na akong sasaktan, buhayin niyo lang po si Carmela please. Maraming salamat sa mga oras na nakilala ko siya, sa lahat ng blessings, at sa maraming chances para makilala ko ang mga taong importante sa'kin. I'm sorry po sa lahat. P-pero nagmamakaawa po ako sa inyo na please buhayin niyo po siya... Nagmamakaawa po ako. Sa ngalan po ng pag-ibig, buhayin niyo po siya." Pagsusumamo ko at tumayo na ako pero yumuko muna ako bago umalis.

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now