Chapter 41: Truth or Dare
Carmela's POV
Pagpasok namin sa room ng boys, nakapalibot na sila sa isang bote. Shit! Truth or Dare ba 'to? Ano na namang gagawin nilang kalokohan? Dapat talaga tinuloy ko nalang plano ko na matulog nalang eh! Bwisit kasi 'to si Josh, tinawag-tawag pa kami, ta's hinulog pa 'ko sa kama. Hindi ba ako ganon kagaling magpanggap na tulog?
"Ano? Truth or Dare?" Tanong ni Malia. Umirap si Tristan, "Halata naman diba? Tanga ka ba?" Natawa naman kami. Binatukan siya ni Lia at inirapan siya. Nako talaga, lagi nalang nagbabangayan 'to maliban sa kanila ni Jaeden.
"Upo na! Dali!" Excited na sabi ni Kyle. Asus! If I know na gusto niya din si Ate Angel. KyGel? JaeLia, KyGel, may nakalimutan pa ba ako? Natawa nalang ako. Paano ko makakalimutan 'yung amin ni Nash? Sa totoo lang, minsan natatakot din ako maglaro ng truth or dare kasi kahit deepest secrets mo lalabas eh. Awit.
Nagsimulang umikot ang bote at unang tumapat ito kay Jasper. Ano kaya 'to? Truth or Dare? Si Nash ang nagpresintang magtanong. Nakangisi lang si Jasper, ewan ko ba dito sa lalaking 'to, napaka-secretive! Lovelife nga niyan, wala kaming idea kung sino eh!
"Bro, truth or dare?" Tanong ni Nash.
"Truth," mabilis na sagot ni Jasper.
"Sa tatlong babae na 'to, sino sa tingin mo ang papasa sa pagiging girlfriend mo?" Tanong ni Nash. Baliw talaga 'yun kahit kailan! Paano kung sabihin niya 'yung mga babae rito tapos magselos 'yung nagkakacrush doon na isa sa'min. Hay, napa-paranoid na naman ako. Ever since Nash and I met, naging paranoid na ako.
"Tinatanong pa ba 'yan? Eh sa iisang babae lang naman ako rito nahulog dati?" Natawa siya. "Edi si Carmela! Duh!" Sabi niya pa at umirap. Gago talaga!
Kinabahan agad ako nung narinig ko 'yung pangalan ko kaya itong sila Kenneth inasar na naman ako. Napalingon
"Oh my god! So totoo nga? Tangina! May tatalo na sa NashMela! JasMela!! Ayieeeee!" Asar ni Nathan at sinamaan lang siya ng tingin ni Nash. Namumula si Jasper at nag-peace sign sa akin. Napailing nalang ako, katabi ko si Nash ngayon at kitang-kita ko ang pagkainis niya. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian.
"Hoy! Hoy! Chansing ka, Carmela!" Sigaw ni Ate Angel. Natawa nalang silang lahat.
"Bakit? Bawal ba? Eh akin 'to?" Turo ko kay Nash. He was flushed! I laughed and teased him about his face. He rolled his eyes on me and squeezed my hand. Damn! He is making me lose my sanity!
Umikot uli 'yung bote at kay Kenneth tumuro. Ano kaya 'to? Truth kaya or Dare? Knowing him and kahit dare wala naman 'yang inuurungan na kahit ano. Magsama nga sila ni Cali, joke. Pero seryoso, kahit alam nilang mapapahamak sila, sige gora lang kung saan basta magiging masaya sila!
"Dare."
"Dare pala ha! Kiss mo si Nathan." Sabi ni Malia na ikinatawa naming lahat. KeThan na! Laughtrip talaga! Bromance. "Hoy! Tangina, KeNash lang! Third party ka Nathan, nyeta ka!" Sigaw ni Lia at binato si Nathan ng unan. Natawa kaming lahat. Gagi, ang saya kasama ng buong tropa.
Lumapit si Kenneth at pasimpleng hinalikan siya sa cheeks si Nathan. Nang maramdaman 'yon ni Nathan ay bigla niyang binatukan si Kenneth kaya mas lalo kaming tumawa nang nagrambulan na 'yung dalawa. "Putangina niyo!" Sigaw naman ni Nathaniel.
"Paano ba 'yan Nathan? Ikaw na bro?" Pang-aasar ni Kyle kay Nathan na ngayo'y nakikupagrambulan pa rin kay Kenneth. "Bwisit, bakit ako?!" Pagprotesta niya.
"Gago, edi isisi mo sa bote!" Sigaw ni Adrian.
"Bahala kayo dyan. Truth!"
"May balak ka bang ligawan si Carmela?"
![](https://img.wattpad.com/cover/142078284-288-k595291.jpg)
YOU ARE READING
Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)
Teen FictionHEARTTHROB SERIES #1 Carmela Alcantara, a typical high school student, experienced being linked with the campus heartthrob of Xien Academy. She is a straight honor student from elementary with her mother, brother, Cali, and her friends at her side...