Special Chapter: Jasper's Infinite Love

1.6K 64 55
                                    

Special Chapter: Jasper's Infinite Love

Jasper's POV

Nagtataka rin ako kung bakit sa tropa namin, ako lang ang walang lovelife? Akala ko nga wala? Pero meron. Hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako na ba bumalik siya... sa'kin. It's been years since she left at hindi pa rin nawawala 'yung nararamdaman ko para sa kanya.

Saklap eh 'no? Pero ganun talaga kapag 'yung taong hinihintay mo, mahal na mahal mo talaga. Handa kang maghintay ng gaano katagal basta siya ang makakapiling mo magpahanggang dulo. Basta siya ang endgame mo sa laro ni Kupido.

Si Kath.

Si Kathryn 'yung hinihintay kong babae hanggang ngayon. Oo, may mga nagkakagusto sa akin, syempre pogi tsaka mabait ako. Imposible namang wala diba?

Third year kami nang umalis si Kath dito sa Xien Academy dahil sa pagpipilit ng daddy niya na sa states siya mag-aral pero siguro hindi mo naman masisisi diba? Dream din 'yon ni Kath. Naalala ko pa 'yung araw na bago kami maghiwalay, may sinabi siya sa akin.

Nasa park kami katabi ng Xien Academy. Sabado ngayon, at bukas ang flight ni Kath, ang babaeng mahal na mahal ko. Gusto niyang makipag-usap sa akin kahit sa huling pagkakataon. We're highschool sweethearts, a typical highschool love story.

"Baby? What's wrong? Anong sasabihin mo sa akin?" Tanong ko sa kanya habang siya naman ay nakayuko.

"Baby? L-let's break up." Sabi niya at tuluyan siyang umiyak. Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon. Hindi ko alam pero parang ayokong mawalay sa piling niya. Siya nalang ang natitira sa pamilya ko dito sa Pilipinas. Akala ko pa naman magda-date kami o yayayain niya ako sa movies since paalis na siya.

"Baby, hindi maganda biro 'yan. Aalis ka lang papuntang States pero it doesn't mean na kailangan natin mag-break. Hindi mo ba ako mahal?" Sabi ko sa kanya at hinawakan ko' yung kamay niya na kasing lambot ng unan ko.

"Baby, mahirap mag-long distance. Paano kung lokohin mo ako? Paano kung may problema ka? Sinong magco-comfort sayo? Diba? Mahirap." Sabi niya habang hinahaplos 'yung kamay ko at tuluyan pa rin siyang umiyak.

Niyakap ko nalang siya at hinaplos 'yung likod niya. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang makipag-break sa akin. Hindi ba siya masaya?

"Baby, tell me, hindi ka ba masaya sa akin? Hindi mo ba ako mahal? Kinakahiya mo ba ako?" Tanong ko sa kanya at nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko.

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now