Chapter 32

1.7K 69 36
                                    

Chapter 32: Rivalry

Carmela's POV

Nasa mall na kami at hindi namin alam kung saan pupunta. Manonood ba kami ng Vince and Kath and James? Or maglilibot nalang kami? Mag-a-arcade ba o kakain lang? Ewan ko ba sa mga 'to, nag-aaway ngayon si Kenneth tsaka Jaeden sa gagawin. Gusto ni Kenneth mag-arcade tsaka subukan 'yung ilang rides doon ta's gusto naman ni Jaeden manood ng movie.

"Guys, my god! Let's split into two groups tapos kita nalang tayo sa Foodcourt, okay?" sabi ni Lia. Pumayag kaming lahat kaso pinagkaisahan na naman ako nitong mga 'to. At dahil siyam kami may isang grupo ang may limang miyembro. Sila-sila ang nagsama-sama at halata namang pinlano na naman nila ang grupo-grupo.

Magkakasama kaming apat nina Kenneth, Lia, at Nash. Nakangisi ngayon si Lia habang nakatingin kay Kenneth at Nash na hindi nagkikibuan. Para silang mga bata! 'Kala mo naman hindi naging kaklase ni Jaeden dati! Para kasing tanga 'to Kenneth, hindi nagpaalam kay Jaeden, kaya ayon, hindi alam ni Nash ang sasabihin tuwing nandyan kasi never naman siyang na-kwento ni Jaeden sa kanila.

Sa kabilang grupo, nandoon ang mga kalalakihan. Nagsama-sama ang mga tarantado, sina Jaeden, Kyle, Jasper, Adrian, at Tristan. Sayang nga at wala si Josh! Paano grounded kasi naglaro ng ML buong araw ta's nahuli raw siyang nagpuyat kagabi. Kaya hindi ako nagpupuyat tuwing gabi kahit gusto ko kasi alam kong mahuhuli ako. Si Mama pa naman kapag nagalit, aakalain mong sumabog ang bulkang Mayon. Joke.

Sabi na, pagtitripan na naman ako ng mga 'to e. Bwisit talaga! Saan kaya kami ngayon pupunta? Ano kayang gagawin namin? Rides? Arcade? Kinakausap ni Lia si Kenneth kaya kaming dalawa ni Nash na nasa magkabilang dulo ay hanggang tinginan nalang. Natawa ako nung umiwas siya ng tingin. Napalingon sa'min sina Lia pero umiling nalang tsaka pinagpatuloy ang chikahan nila ni Kenneth.

"Guys, rides tayo? 'Yun nalang!" Sabi ko at ngumuso pa para pagbigyan nila ako. Tumango silang lahat at pumunta na kami sa escalator papuntang third floor. Natatawa pa nga ako nung sinita ni Lia 'yung dalawa dahil si Nash ay nakatayo sa walking side. "Alam mo kahit gaano mo gustong tabihan si Carmela. Sumunod ka sa policy! Ang landi niyo! Kaya ayaw ko ng mga magjowa rito sa escalator eh! Umay na!" Inirapan niya pa si Nash na tinawanan lang siya.

Inuna namin 'yung caterpillar kaso two seaters lang ang pwede each car. Tama ba na si Malia nalang ang itabi ko kay Nash? Baka kasi mag-away 'yung dalawa e. Hindi naman pwedeng si Nash at Kenneth ang magkatabi! Tsaka ayaw kong makatabi si Nash! Jusmeyo, baka sumabog lang ako doon!

"Kim, I'll seat with you." Sabi ni Kenneth.

"No! I'll seat with her!" Sabat naman ni Nash.

"Seat seat niyo mukha niyo! I'll seat with her! Ako ang bestfriend niya!" sigaw ni Malia.

"No! I'll seat with Kenneth!" sigaw ko sabay hatak kay Kenneth sa isang car. Naiwang nakatulala silang dalawa dun at pumwesto sa likod namin. Narinig ko pang nagbabangayan 'yung dalawa sa likod namin. "Tangina, Nash!" Sigaw ni Lia nang unahan siya ni Nash sa cart.

"Good choice," bulong ni Kenneth at ginulo ang buhok ko. Napangiti nalang ako sa kanya. Sa peripheral view ko, nakikita kong naka-poker face si Nash habang nakangisi si Malia. Sayang-saya pa si Lia kasi asar-talo si Nash sa kanya.

Pagkasimula ng ride, biglang bumilis at napasigaw ako. Samantalang si Nash naka-poker face, siya lang ang hindi sumigaw sa aming apat. Ano bang problema no'n? He should be enjoying this day! Minsan nalang siya uli maging bata, aayaw pa siya?

----

Malia's POV

Ang cute talaga nila Nash at Kenneth habang nag-aagawan kay Carmela. Paano naman kasi, 'tong si Carmela, masyadong maganda. Tignan mo tuloy habang nasa caterpillar kami nagseselos 'tong si Nash. Kanina pa nakasimangot! At sa tuwing aasarin ko ay iirapan lang ako!

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now